Papasok na kami sa susunod naming subject nung nakasalubong namin si Chase.
“Hi Naiana,” nakangiting bati nya kaya napangiti rin ako.
“Hi Chase,” bati ko rin. “May kailangan ka?”
“Uh..kasi mamaya may practice game kami. Gusto mo ba manood? Isama mo na rin mga kaibigan mo,” sabi nya na nakatingin sa mga kaibigan ko na nanliit bigla ang mga mata kay Chase.
Tinignan ko sila.
“Pwede kayo?” Tanong ko sa kanila.
“S-sure!” Napilitan nilang sagot dahil siniko ko sila.
“Sige Chase, pupunta kami mamaya. Anong oras ba?” Sagot ko.
“Mamayang 4. Vacant nyo ba nun?”
Sakto!
Tumango ako.
“Great! I’ll see you later then,” sabi nya saka umalis na nakangiti.
Agad akong in-interrogate ng mga bakla kong kaibigan.
“Hoy bakla! May jowa ka na tapos lumalandi ka pa sa iba?!” Sabi ni Eloise.
“Lumalandi? Ano ba kayo! Magkaibigan kami ni Chase,” sagot ko saka pumasok na sa room.
“Talaga lang ha? Eh di ba crush mo sya?” Sabi naman ni Gab.
“O-oo. Pero Magkaibigan din naman kami. Alangan namang tanggihan ko sya? Eh vacant din naman natin nun,” excuse ko para di na nila ako kulitin.
“Asus! Palusot! Pa’no pag nalaman ni Kei?” Tanong naman ni Harry.
Naku! Walang pakealam yun! Baka nga kung ano-anong part na ng katawan nung kalandian nya yung na-explore nya! Gusto ko sanang sabihin.
“Di naman magagalit yun,” sabi ko na lang.
“Ewan ko sa’yo Yana. If I were you, di na ako aawra sa iba? Good catch na si Baby Kei noh!” sabi ni Eloise.
“True! Mamaya nyan magbreak pa kayo! Naku! Aagawin yan ni Gab!” Asar naman ni Harry.
“Ay beks! Crush ko si Kei pero mas mahal ko ang Babe ko,” sagot naman ni Gab.
Mga ‘to talaga! Kung alam lang nila ang totoo naku baka maloka sila at batukan pa ako.
Papunta na kami sa gym para manood sa practice game nina Chase nung nakasalubong namin sina Kei at mga kaibigan nito.
“Let’s go to The Studio,” yaya nya sa’kin.
(*The Studio is a music room where students in the university belt usually gather)
“Di pwede. Manonood kami ng practice ng basketball,” sagot ko.
Tinignan nya ako nang masama. Problema nito?
“And why?” Tanong nya.
“Gusto namin eh,” sagot ko.
Nakita ko yung pagbabago ng expression nya.
“You’re going to the studio with us,” diin nya.
“Naku beks! Mukhang warla ‘to,” narinig kong bulong ni Eloise.
“Ay Yana, di pala kami pwede. May awra pala kami. Diba mga beks?” Sabi ni Harry kay Eloise at Gab saka sila nagmamadaling umalis.
Ano ‘to? Iniwan ako ng mga kaibigan ko sa ere?
“So?” nakataas-kilay na sabi ni Kei.
“Ayoko! Nagsabi na ako kay Chase na manonood ako,” sabi ko.
Napansin kong nagkatinginan sina Cal, Lance at Zac.
“Chase? Chase Monterozo?” Tanong ni Zac.
I nod. Napa-“uh-oh” sila. Napatingin ako kay Kei na mukhang galit. Anong meron?
“Sasama ka or I’ll end the deal para mapalayas kayo sa inyo?” Pagbabanta nya.
Hayup! Ang hilig mam-blackmail.
“Bakit ba ang init ng ulo mo?” naaasar na tanong ko. Kung pagtaasan nya kasi ako ng boses akala mo may relasyon talaga kami eh.
“Are you coming or not?”
“Fine! Sasama na! Napakademanding!” Napilitan ko na lang na isagot. Hinatak nya ako palabas ng school.
“Wait! Sasabihan ko muna si Chase,” sabi ko.
“There’s no need for you to do that!” Diin nya saka ako pinasakay sa kotse nya. Nakita ko ring sumakay na sa kanya-kanya nilang kotse sina Zac, Cal at Lance.
Pinatakbo nya nang mabilis yung McLaren nya habang nakatiim-bagang. Pa’no kaya si Chase. Baka sumama loob nun sa’kin. Ititext ko na lang sya.
“What are you doing?” Tanong nya. The heck?
“I’m texting Chase. Syempre kailangan ko syang sabihan. It’s rude na hindi ako makakapunta eh nagsabi ako,” sagot ko.
“Eh di dapat hindi ka na um-oo nung una pa lang!” Sabi nya na biglang nagtaas ng boses.
Aba! Aba!
“Let me remind you of the first rule Keillun Yusef Torres. Thou shall not meddle on each other’s personal affairs,” Paalala ko sa kanya. “So don’t you dare tell me what I should or should not do,” madiin na sabi ko. Ang lagay ba sya lang may say sa kasunduan namin?
Natahimik sya at nagfocus na lang sa pagdadrive. Ano? Natameme ka dyan!
But I suddenly remember his reaction upon the mention of Chase’s name. Is there something between them?
And more importantly, why's he so agitated today?