Palabas na ako ng gate ng compound namin nung may nakita akong pamilyar na kotse na nakapark sa tapat nun. Lumabas mula sa loob nun ang nakangiting si Keillun. Napansin ko ang paghanga ng mga kapitbahay ko hindi lang sa sasakyan ni Kei, kundi pati na rin sa kanya.
“Ba’t andito ka?” Tanong ko paglapit ko sa kanya.
“Sinusundo kita,” prenteng sagot nya.
“Di na kailangan. May pamasahe naman ako,” sagot ko.
“Girlfriend kita di ba? So I have to do this. I’m doing you a kanya in case you don’t know,” bulong nya.
I rolled my eyes. Okay, whatever.
Binuksan nya na yung pinto ng passenger’s seat at pinaupo ako dun. Tahimik ako buong byahe. Sya naman nagpatugtog ng rock song sa stereo at nagheheadbang pa.
“Pwedeng ibang kanta pakinggan mo?” I asked.
“Why?” tanong nya rin.
“Medyo distracting kasi tsaka nagmamaneho ka. Gusto ko pa mabuhay,” sagot ko.
“Nope,” simpleng sagot nya saka nagpatuloy lang sa pagheadbang habang nagmamaneho.
Napakagaling talaga.
Pagkapark nya ng kotse sa tapat ng university, nilapitan agad kami ng mga kaibigan nya.
“Bro!” Naghigh-five pa sila.
“Hi, Yana!” Bati ng mga kaibigan nya sa’kin.
“Hello,” balik-bati ko.
Hinawakan ni Kei yung kamay ko nung papasok na kami ng school. Ikinabigla ko na naman yun.
“What?” Tanong nya nung napatingin ako sa magkahawak naming kamay.
“Kailangan ba talagang magkaholding-hands tayo?” Tanong ko.
Ngumisi sya.
“Why? You feel awkward? Nagkakagusto ka na ba sa’kin?” Tanong nya.
“No way! Tara na nga!” Sabi ko saka ko hinigpitan yung pagkakahawak ko sa kamay nya.
“Easy there baby, ang higpit nang hawak mo,” nakangising sabi nya.
Inirapan ko sya, and I heard him chuckle.
Hinatid nya ako sa klase ko. Nakabuntot pa rin sa kanya yung mga kaibigan nya pwera kay Cal na humiwalay nung may nakitang magandang babae. Mga babaero talaga.
“Sabay tayo maglunch ha?” Paalala nya sa’kin.
“I’m with my friends,” sagot ko.
“Eh di magpaiwan ka,” sabi nya na mukhang nairita bigla nung nalamang kasama ko ang mga kaibigan ko kakain.
“Bakit ba? They’re my friends! Kung ayaw mo sa kanila, di wag kang sumabay!” Naiirita kong sagot.
“Okay, let’s just end the deal then,” sabi nya.
Napadaan sa likuran nya si Albert na nahalata kong nakamasid sa’min.
“Wag naman!” bulong ko.
“Then have a lunch with me without them,” sagot nya na nakangisi
“Ang arte mo noh? Maglalunch tayo with them!” Sabi ko saka ako pumasok na ng room. Hmp! Akala nya ba mapapasunod nya ako? No way! I love my friends so much!
“Oh Yana, ang aga-aga lukot na naman mukha mo?” Sabi ni Harry. Nakabusangot kasi ako pagpasok ng room
“Wala. Inaantok pa kasi ako,” sabi ko lang.
“Pinuyat ka ni baby Kei?” Lokong tanong ni Gab na nakangisi pa.
“Hindi noh! Kulang lang talaga ako sa tulog,” sagot ko. Di ko na kwinento na nameet ko na yung parents ni Kei. Medyo di rin naman magandang memory yun.
Nagtinginan sila saka ngumiti nang makahulugan. Napailing na lang ako.
Kahit alam kong labag sa loob nya, sumabay sa amin maglunch si Kei at ang mga kaibigan nya.
“Kei, anong nagustuhan mo kay Yana?” Tanong ni Harry sa kanya out of nowhere. Tinignan ko nang masama si Harry.
Tinignan naman ako ni Kei. Or should I say tinitigan sabay sabing “Hindi ko alam.”
Oh great! Napakagandang sagot.
Nagulat naman ako nung napatili yung mga kaibigan ko.
“Sabi nila, pag hindi mo raw alam kung bakit mo nagustuhan ang isang tao, that means it’s true love!” Sabi ni Gab.
Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Kei saka napangiti at napailing. Napatingin naman ako kay Kei. Tinaasan nya ako ng kilay.
“Eh ikaw, anong nagustuhan mo kay Kei?” tanong naman ni Eloise sa’kin.
Sinamaan ko sya ng tingin. “Kasi gwapo sya?” I know that sounds more like a question, but I don’t really feel anything toward him except annoyance, so okay na yun.
My friends look at each other sabay ngisi.
Nagkaroon ng meeting ang theatre club, which I’m a member of, that afternoon kaya pagtapos naming kumain, nag-excuse na ako na pupunta ako dun. Sumunod sa’kin si Kei at yung mga kaibigan nya pero naghiwalay din kami ng way.
Tungkol sa next stage play yung pinagmeetingan. Next month na kasi yun gaganapin. The Taming of the Shrew by Shakespeare yung piece. Magpapa-audition na kami this week. Pwede rin daw mag-audition yung mga officers pero I don’t think na sasali ako. Puyatan kasi yun. Pwede na siguro ako sa props committee.
Pabalik na ako sa tambayan namin ng mga kaibigan ko nung napadaan ako sa dulong room paakyat ng second floor. May naririnig kasi akong umuungol. Napasilip ako sa room na half-closed out of curiosity. Di naman ako tsismosa kaso na-curious talaga ako sa tunog na naririnig ko.
At ang nakita ko? Si Kei. Making out with a girl. Nakataas na yung blouse nung girl at medyo nakikita na yung bra. At nakahawak dun si Kei. Holy cow! Balak nya bang ibuko ang deal namin?
Napatingin sa direksyon ko si Kei kaya napatakbo ako bigla papunta ng tambayan namin.
“Oh Yana? Anyare?” Tanong ni Eloise na takang-taka ata nung nakita akong hinihingal.
“Ah eh...wala. Nagjogging lang ako pababa,” sagot ko.
“Minsan talaga may sayad ‘tong kaibigan natin eh,” natatawang sabi ni Harry.
Napatawa na lang din ako nang alanganin. Yung virgin eyes ko! My God, Keillun! Babaero ka na, manyak pa! Wag lang talaga malaman ng lahat ang deal natin kundi ako mismo magsasabi sa parents mo ng totoo.