Hindi ako namatay. Ang dagat ang naging saksi sa pagbangon ko. Ramdam ko ang lamig ng tubig na tumatagos sa aking balat, pero ang apoy sa loob ng dibdib ko ay hindi na maapula. Ang pagsabog sa Pier 4 ay isang babala ito ay isang laro na ginawa ni Sofia para ipakita sa akin na wala akong laban. Pero nagkamali siya. Ang bawat sugat ko ay hindi nagpapahina sa akin; bagkus, ginagawa nitong mas matalas ang aking pakiramdam. Lumutang ako sa ibabaw, humahabol sa hangin. Sa di kalayuan, nakita ko ang isang maliit na bangka. Sa loob nito, nakaupo si Crane. Hindi siya duguang nakahandusay gaya ng inakala ko. Nakatingin siya sa kawalan, ang kanyang mga mata ay blangko, puno ng pait at matinding pagnanasa na hindi ko mapangalanan. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo. Walang salita, hinila niya

