Habang humahagibis ang sasakyan ni Crane palayo sa nagbabagang pasilidad, hindi ko maalis ang tingin ko sa salamin ng kotse. Nakikita ko ang apoy na unti-unting lumalamon sa lugar na halos maging libingan namin. Pero ang nasa isip ko ay hindi ang pasabog. Ang nasa isip ko ay ang mukha ng clone. "Crane, huminto ka muna," utos ko. "Meisha, hindi tayo pwedeng huminto. Naka-track ang sasakyan natin. Kailangan nating makarating sa safehouse sa Cavite," sagot niya habang nakahawak nang mahigpit sa manibela. Ang sugat sa braso niya ay patuloy na tumutulo ang dugo, ngunit mukhang wala siyang pakialam. "Huminga ka nang malalim, Crane. Buhay na tayo. Pero kailangan nating intindihin kung ano ang nakaharap natin. 'Yung clone na binaril mo... hindi siya basta clone. Babae siya. At nang mamatay siya

