Kinabukasan, isang hindi inaasahang anunsyo ang sumalubong sa amin sa almusal. Dahil sa tagumpay ng huling business deal ni Tito Henry, nagdesisyon silang mag-celebrate sa isang private beach resort sa Batangas. Pero ang ikinagulat ko ay ang hiling ni Mama. "I’ve already called Victor, isasama nila si Raven. At Crane, i-invite mo na rin si Monica. Para naman masaya, parang double date niyo na ring magkakapatid," masayang sabi ni Mama habang naglalagay ng jam sa kanyang tinapay. Nagkatinginan kami ni Crane. Ang kanyang mga mata ay nanunuot, tila ba ipinapaalala sa akin ang bawat nangyari sa ibabaw ng lamesa sa library kagabi. Tipid lang akong tumango, pero sa loob-loob ko, naghahanda na ako para sa isang digmaan. Dumeretso ako sa kwarto ko at agad na kinuha ang aking professional-grade w

