Matapos ang bakasyon sa resort, isang hindi maipaliwanag na katahimikan ang bumalot sa mansyon. Ang inaasahan kong marahas na pagsuway o malupit na pagsingil ni Crane dahil sa halik namin ni Raven ay hindi dumating. Sa halip, pagkapasok na pagkapasok namin sa pintuan ng bahay, tila naging estranghero kami sa isa’t isa. Nagsimula ang Cold Treatment. Isang linggo na ang lumipas. Hindi na ako tinititigan ni Crane nang may pagnanasa o galit sa tuwing magkakasalubong kami sa hallway. Kung dati ay tila ba maninila siyang nagbabantay sa bawat kilos ko, ngayon ay nilalagpasan niya lang ako na parang isang aninong walang saysay. Hindi siya kumikibo, hindi nagpaparamdam, at lalong hindi pumupunta sa kwarto ko sa gabi. Mag-uusap lamang kami kung nasa harap nina Mama at Tito Henry, at doon ay napak

