Chapter 25

1012 Words

Ang araw ng aking pag-alis ay dumating na may kasamang bigat na tila ba ang buong langit ng Maynila ay nakapatong sa aking mga balikat. Maaga pa lang ay gising na ang buong mansyon. Ang tunog ng mga maleta na iginugulong sa hallway ay tila bawat t***k ng puso ko—mabagal, masakit, at puno ng pamamaalam. Sa loob ng dalawang araw na lumipas matapos ang huli naming paghaharap sa loob ng kanyang silid, pinili kong manahimik. Hindi ko na muling kinatok ang kanyang pinto. Hindi ko na sinubukang hulihin ang kanyang mga mata sa hapag-kainan. Tinanggap ko na ang katotohanan na ang init na pinagsamahan namin—ang marahas na pagnanasa, ang mga bawal na haplos, at ang possessive niyang pag-angkin—ay tuluyan nang naging abo. Siguro ay mas okay na rin ito. Mas madaling umalis kung alam mong wala ka nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD