Ang Sabado at Linggo ay para bang mas malungkot pa kaysa sa weekdays. Sa trabaho, at least may distraction. May mga tao. May mga deadlines. May dahilan para hindi mag-isip. Pero sa weekends? Wala. Tanging ako lang. Ang condo. At ang mga alaala. Kaya pinilit ko ang sarili kong lumabas. Mag-explore ng London. Subukang maging tourist sa sariling kalungkutan. Pumunta ako sa Westminster Abbey—ang malaking simbahan na puno ng kasaysayan. Pagpasok ko, sumalubong sa akin ang lamig ng stone walls at ang tunog ng aking mga yapak na umalingawngaw sa mataas na kisame. Maraming tao ang naglalakad, nag-pi-picture, pero mas marami ang tahimik na nanalangin. Umupo ako sa isang pew at tumingin sa altar. Lord, ano ba talaga ang plano Mo para sa akin? Bakit Mo ako dinala dito—sa kabilang dako ng mundo

