Chapter 31

630 Words

Ang mga araw na sumunod ay puno ng tension. Si Crane ay nag-send ng messages—araw-araw. Minsan maikli: "I miss you." Minsan mahaba: "Meisha, please talk to me. I can't take this anymore. I need to hear your voice." At ako? Nag-ignore. Kahit anong sakit, kahit anong hirap, pinilit kong hindi sagutin. Pero isang gabi, nag-breakdown ako. Alas-dose na ng gabi. Wala akong tulog. Puno ang isip ko ng trabaho, ng stress, at ng mukha ni Crane. Kinuha ko ang cellphone ko. Desperado na ako, at alam kong siya lang ang makakapag-balik ng katinuan na parang umalis na sa katawan ko pero kailangan ko din umusad, kailangan ako ang pumutol ng kadenang naka tali sa leeg at sa puso ko. Binlock ko ang number niya. Lahat ng unknown numbers na ginagamit niya—binlock ko. Pagkatapos, humiga ako at pumikit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD