Nag-text si Liam kinabukasan. "Good morning, Meisha! I had a wonderful time last night. Would you like to do it again? Maybe visit the British Museum this weekend? I promise it's not boring!" Nag-reply ako after ilang minuto. "Sure, Liam. Sounds good." Pero sa loob-loob ko, nag-aalangan ako. Pilit kong sinusubukan na maging fair kay Liam. Deserve niya ang taong buo ang pusong ibibigay sa kanya. Pero paano ko ibibigay 'yun kung ang puso ko ay nakakulong pa rin sa iba? Dumating ang weekend. Pumunta kami sa British Museum—isang malaking museo na puno ng artifacts from different civilizations. Si Liam ay enthusiastic mag-explain. Ang bawat exhibit ay may kwento. Nakinig ako, tumawa sa mga jokes niya, nag-pretend na interested. Pero sa totoo lang, ang isip ko ay nag-wawander. Habang nagla

