Chapter 3

1177 Words
Nagising ako kinaumagahan na parang binugbog ang buong katawan ko. Sumasakit ang ulo ko at ramdam ko ang kirot sa pagitan ng mga hita ko—paalala ng nangyari kagabi. Humawak ako sa noo ko, pilit na inaalala ang mga detalye, pero malabo pa rin ang lahat. Nang lingunin ko ang kabilang side ng kama, wala na roon ang lalaking kasama ko kagabi. Tanging isang note lang ang naiwan nito sa ibabaw ng side table. *"Thank you for last night, I hope you enjoyed it." -C.* Napapikit ako. Wala man lang number, wala man lang pangalan—maliban sa sulat na "C" sa dulo. Hinawakan ko ang note, at hindi ko alam kung dapat ba akong magtampo o malungkot dahil wala naman talaga kaming ugnayang dalawa. Sa huli, ibinato ko na lang ito sa basurahan. Bumangon ako kahit masakit pa ang katawan ko. Pumasok ako sa banyo, tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ang mga mata ko'y namumula, at may marka pa sa leeg ko. Napahawak ako roon, at biglang bumalik ang mga alaala—ang mga halik, ang init, ang sakit at sarap. Pero mas mabigat ang nararamdaman ko ngayon. Hindi dahil sa ginawa namin, kundi dahil iniwan niya ako na parang wala lang. Parang one-night stand lang talaga. Walang pangako. Walang follow-through. Ano pa ba ang in-expect ko, wala naman kaming usapan na dapat kilalanin namin ang isa't isa. Pumasok ako sa banyo ng executive suite at umiyak sa ilalim ng shower, hinayaan ko ang tubig na maghugas ng lahat—ng amoy, ng init, ng alaala. Unti-unting nag-sink in sa akin ang mga ginawa ko at laking pasasalamat ko dahil hindi ko siya kilala at lalong hindi din niya ako kilala. Pero sadyang hindi naman talaga ganoon kadali kalimutan yung nangyaring 'yon. --- **Tatlong Taon Pagkatapos** Tatlong taon na ang lumipas mula noong gabing iyon. Tatlong taon na ring patay si papa. At ngayong susunod na linggo, ikakasal na si mama kay Tito Henry. Nakatulog ako nang alas-singko na ng umaga. Iyon ang naging coping mechanism ko simula noong mamatay si papa—magpuyat, uminom paminsan-minsan, ibuhos ang oras sa trabaho. Ayaw kong harapin ang mundo. Katok ang gumising sa akin. "Meisha, anak! Gising ka na ba?" boses ni mama mula sa labas ng pinto. Napabangon ako kahit antok na antok pa. Binuksan ko ang pinto, sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni mama. "Mama, bakit?" "Handa na yung gown mo for next week, anak. Para sa kasal ko at ni Henry. Nais mo bang subukan para sure na swak?" masayang balita niya. Napatigil ako. Next week na pala ang kasal ni mama. Tatlong taon pa lang simula noong mamatay si papa, pero mukhang ready na si mama na gumawa ng bagong kabanata. "Sige, Mama. Mamaya na lang," tipid kong sagot. Tumango si mama, pero nakita ko ang bahagyang lungkot sa mga mata niya. "Ayos ka lang ba, anak? Alam kong mahirap pa rin para sa'yo ang lahat, pero—" "I'm fine, Ma," putol ko. "Pagod lang." Tumango na lang si mama. "Sige, magpahinga ka pa. Pero sana sumabay ka mamaya sa hapunan. May bisita tayo. Si Henry at ang anak niya." Nagsara na ulit ako ng pinto pagkaalis ni mama. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa sinabi ni mama kagabi na ibebenta na ang bahay na pinaghirapan ni papa. Ang bahay na puno ng alaala namin. Pero wala akong magagawa. Wala akong kapangyarihan na pigilan si mama. Wala akong ipon na pera. Wala akong karapatan dahil si mama pa rin naman ang masusunod. Kaya tumahimik na lang ako. Kahit masakit. Kahit ayaw ko. --- Sinabihan ko si mama sa text na hindi na ako sasabay sa hapunan dahil matutulog pa raw ako. Pero sa totoo lang, nag-lock lang ako sa kwarto. Kinuha ko ang litrato ni papa mula sa bedside table. Hinawakan ko ito nang mahigpit, at hindi ko na napigilan ang luha. "Papa… bakit mo ako iniwan?" hikbi ko. "Hindi ko kaya mag-isa. Sana nandito ka pa. Sana ikaw pa rin ang nag-dedesisyon para sa lahat." Humikbi ako nang humikbi hanggang sa wala na akong luha. Pagod. Wala nang laban. "Bakit ganito, Pa? Bakit parang lahat ng mahalaga sa'kin, nawawala?" bulong ko habang hinahaplos ang mukha ni papa sa litrato. "Ikaw… yung bahay… lahat na lang." --- Mga alas-sais ng gabi, nagpasya akong maligo. Medyo gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos. Naisip ko na baka dapat sumama na lang ako sa hapunan—ayaw ko namang lalo pang masaktan si mama. Nagsuot ako ng simpleng cream-colored dress at nag-ayos nang kaunti. Pagbaba ko, nakarinig ako ng mga boses mula sa dining area. May bisita nga. Pero nang magliko ako papunta roon, napatigil ako. Nakaupo sa tabi ni mama si Tito Henry—masaya itong nakikipag-usap. At sa tabi nito… isang lalaking pamilyar. Matangkad. Moreno. Matikas. Naka-dark gray button-up shirt, nakatupi ang manggas hanggang siko. At nakatingin na sa akin. Napasinghap ako. Parang nabawasan ng hangin ang paligid. "Meisha! Halika, anak," tawag ni mama. "This is Tito Henry, kilala mo naman na siya. At ito ang anak niya—si Crane. Magiging stepbrother mo na next week." Lumapit si Tito Henry at nginitian ako. "Meisha, good evening, tara kumain na tayo.” "Salamat po, Tito," yumuko ako nang kaunti. Pero nang lumingon ako kay Crane, tumibok nang malakas ang puso ko. Tumayo ito saka niya inilahad ang kamay. "Nice to meet you, Meisha." Tinanggap ko ang kamay nito. May kakaibang pakiramdam ng nagdaop palad kami. At sa sandaling iyon, bumalik sa isip ko ang gabing iyon. Ang mga halik. Ang mga ungol. Ang sulat na "C." C… Crane? Napakunot ang noo ko, pero pilit kong itinago ang reaksyon ko. Hindi ako sigurado. Tatlong taon na ang nakakalipas at saka lasing ako noon. Malabo ang lahat. Pero… parehong-pareho ang boses. Parehong-pareho ang tingin. At parehong-pareho ang init ng kamay. "Nice to meet you too," sagot ko, kontrolado ang boses ko kahit gusto ko nang bumalik sa kwarto. Binawi ko ang kamay ko at umupo sa tabi ni mama. Pero ramdam ko pa rin ang tingin ni Crane sa akin. "Crane just came back from the States," paliwanag ni Tito Henry. "He's been working there for three years. CEO of his own company in the U.S., ngayon lang siya nakauwi dahil sa kasal namin ng mama mo." Three years. Eksaktong three years mula noong gabing iyon. Tumingin ako kay Crane. Walang emosyon ang mukha nito. Parang wala lang. Parang hindi kami nagkita tatlong taon na ang nakakalipas. Siya nga ba talaga? O paranoia ko lang ito? Hindi ko alam kung dapat ba akong magtanong, magalit, o umiyak. Kaya tumango na lang ako. "Welcome back, Kuya Crane." Ang salitang "Kuya" ay parang dila na tumusok sa lalamunan ko. Dahil kung siya nga ang lalaking iyon, ibig sabihin… magiging stepbrother ko siya. At sa buong hapunan, hindi na ako nagsalita. Pero sa loob-loob ko, gumuho na ang mundo ko. Dahil ang lalaking tumanggap ng pagkabirhen ko noong gabing iyon, ay posibleng ang lalaking magiging stepbrother ko next week. At mukhang wala itong balak aminin man lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD