KABANATA 1

1745 Words
BAGO ANG LAHAT, hindi masamang tao si Rios. I know him since we are childhood friends. Our families are tied with each other. That's why this marriage happened. And that is also the reason why I can't let this marriage failed. Masyadong masaya ang pamilya namin sa kasalang nangyari, and both of our business benefit because of this marriage. The man of the family, including Rios are running the business. Our family really expected that we will marry each other. Rios and I are so inseparable before. Kaya kung maghihiwalay kami ay maraming maapektuhan. The Cervantes treated me well and as if I am their own daughter. Naniniwala ako na babalik siya sa dati dahil kilala ko siya simula pa lang noon. I know him! Hindi siya ganito! He's a great guy! Kaya ko siya minahal dahil isa siyang mabuting lalaki! Umasa ako na babalik siya sa dati because he was not like this before. Paulit-ulit ko na lang sinasabi ito pero iyon ang pinanghahawakan ko. The old memories I have with him before is what keeps holding me. Ngunit minsan naiisip ko na sana, huminto na lang ako sa pagkakaibigan at hindi na lumagpas doon. Sana, kinimkim ko na lang ang nararamdaman sakanya... Para sana ay kahit mag-kaibigan, ayos pa rin kami hanggang ngayon. I suddenly feel shaky. Nanginig ang kamay ko at nakaramdam ng panghihina. Hindi ko sinasadya na matapon ang sabaw na bitbit ko sa harap ni Rios. Nanlaki ang mata ko sa ginawa. Sienna, ang aga-aga! "Sienna naman!" Malutong na mura nito at sinipa ang mangkok na gumulong sakanya. "Ano bang ginagawa mong katangahan? Pagbitbit na lang ng simpleng bagay, hindi mo na kaya? How can you even be a reliable wife if you are like this!? Sigurado ka bang alam mo ang pinasok mo, or you're just... making me miserable?" Hindi ako sumagot at aligagang naghanap ng pamunas. Lagi na lang niyang kinokonekta ang pagkakamali ko sa kasalang 'to. Ayokong sumagot because I know it will be dragged to the annulment. I don't want to talk about annulment early this morning. Nahawakan ko pa nga ang sabaw ng hindi sinasadya dahil sa sigaw niya. Natigilan siya saglit sa pagsisisigaw ng kung ano-ano kaya nilingon ko siya. He sighed in disbelief and close his eyes. Trying to calm himself. Napaso na naman tuloy ako. Tiniis ko ang sakit na 'yon dahil magagalit si Rios pag nakita niyang nasaktan ako. One thing that I have learned from him and his violence—lalo niya akong sasaktan pag nakita niya iyon. Tinatawag niya akong maarte at mahina. And all the names that you can ever imagine. Sienna, hanggang kailan tayo magtitiis? "A-Ah... Ano... Sorry," hingi ko ng tawad habang nagpupunas. Ang hapdi. Pero tiniis ko ang init noon. I heard Rios hissed before pulling my hand up, stopping me from wiping the hot soup. "Ano na lang ang kakainin ko niyan?!" Inis na sigaw nito sa'kin. "Can't you just get me another one? I have work, Sienna. And you can wipe that later!" Nag-angat ako ng tingin at pinagpag ang kamay sa suot na t-shirt, handa na sundin ang utos niya. Rios is staring at me angrily and in disgust. Bigla akong nahiya noong napansin kong tumagal ang titig nito sakin. "Did you even take a bath? You look like h3ll." Napalunok ako sa sinabi nito. Sana ganon din kadali lunukin lahat ng insulto niya sa'kin. "I-Ikukuha na lang ulit kita ng bago," paalam ko sakanya pero napatigil ako. Itinapon ni Rios ang kubyertos sa lamesa. Tahimik akong nagpasalamat kasi hindi ako tinamaan ng kubyertos. Pinunasan niya ang bibig. "Nakakawalang gana. Wala ka talagang silbi," aniya bago tumayo at iniwan ang hapag. Napaluhod ako at pinagpatuloy ang paglilinis sa sahig. My tears started to fall down in my cheeks. Kasalanan ko talaga kung bakit siya naging ganito. I turned him into a monster! Alam ko na... hindi dapat siya ganito kung hindi dahil sa'kin! Hindi talaga siya ganito... Malayong-malayo siya sa taong nakilala ko. Ako ang may kasalanan kung bakit siya naging halimaw sa'kin. Napahinto si Rios noong tumunog ang telepono niya. He stopped and answered the call. I heard him chuckled. "Of course, I'll come to your birthday! Did you really think that I forget?" Habang pinupulot ko ang kurbyetos ay hindi ko maiwasang makinig. Ah, I miss seeing him smiling... Hearing him chuckling because of me. Hindi ko mapigilang matawa. That will never happened now. Kahit simpleng pagtitig niya nga lang sakin ay nagbibigay na ng matinding irita sakanya. "Don't worry, after work. I'll go there," rinig kong sabi niya. Kumunot ang noo ko. I suddenly wonder who is it. Birthday? Alam kong hindi mahilig sa party si Rios... Noong narinig ko ang yabag niya paalis ay tumayo ako at hinabol siya. "A-Alis ka na?" He looked at me in disbelief, like I asked a very dvmb question kaya napangiwi rin ako. Umiling lang siya sabay umalis ng walang sabi. I waited for him to go, and after that, I continued doing some house chores. I feel bothered about the party about the whole day... That's why after cleaning myself, I stalk my husband on his social media. Wala naman siyang binati ngayon... I was offline on social media. While scrolling, I saw my friends living their life. Progress in their career and marriage. Napangiti ako sa post ng bestfriend kong si Shekainah. Finally, she is married to her long term boyfriend! I couldn't help but to type in congrats on the post! Soon after that, I received a message from Shekai. "Here you are! I know you are online! Where are you!? Answer me!" Sunod-sunod niyang chat sakin. Hindi ko sinagot iyon at hinayaan lang sa notification ko. I know Shekai wanted to see me but because of what happened... I cannot go outside of my house anymore. Not looking like this. At hindi ko alam kung paano sila haharapin. I also.. cannot lie to Shekai. Bukod sa bestfriend ko siya... she is also a psychologist. I know ghosting... friends and cutting them off is bad. But it's better than seeing me this way. Shekai and my other friends will surely feel hurt once they saw me like this. Tinignan ko ang sarili sa salamin at sumagi sakin ang sinabi ni Rios. Do I really look... h3ll? Pumayat talaga ako. My skin is almost hugging bones; just almost. Grabe ang pinayat ko. And stress... really showed to face. I couldn't help but to sigh. Iniwan ko na ang harap ng salamin because it's making me feel more miserable. Tinapos ko ang araw na hinihintay ang social media ni Rios... but there's nothing. I pouted and close my eyes. I can sleep this early, right? "Hindi mo pa rin ba pinipirmahan 'to?!" Sigaw ni Rios na gumising sakin. Bigla akong naaligaga. I saw Rios holding the annulment paper... and he is drunk! "Hiwalayan mo na ako!" Sigaw pa niya sakin. Naalala ko noong bata pa kami, hindi siya ganito. And I am holding so much into that. Rios is the softest guy I knew in my entire life. Naputol ang pag-iisip ko sa nakaraan at tinignan ang mga papel na marahas niyang ibinaba sa harapan ko. Ang annulment papers namin. Ilang beses na nito ipinipilit sa'kin ang annulment papers. Pero ayoko. Hindi ko talaga kaya. Alam ko na maraming mang-iinsulto sakin dahil para akong tanga na nakakabit sa taong may ayaw sakin. An annulment is basically a way of freedom and regain myself back. Pero mahal ko kasi si Rios. Alam kong babalik siya sa dati. All of this sacrifice will be worth it. "Sienna, answer!" He hissed on me. "Did you already sign this!?" "H-Hindi pa..." Pag-amin ko dito. Nagsalubong ang kilay niya at nagtagis ang bagang. Nilukmos nito ang papel at ibinato sa banda ko. "At bakit? Para saan?!" He shouted in disbelief sabay bato sa'kin noong papel. Napapikit ako sa ginawa niya at pinigil ang sarili sa pag-iyak. I cannot cry... Mas magagalit siya. "P-Para sana..." "Ano?!" Singhal nito. Alam kong gusto niyang bumalik sa dating kasintahan—si Gwen. Kaya minamadali niya ang hiwalayan naming dalawa. "N-Natatakot ako... Kay Mom at Dad," rason ko na lang. Kahit hindi naman talaga iyon ang dahilan ko. Padabog itong lumapit sa'kin at matalim akong tinignan. "Sa'kin?! Hindi ka natatakot!?" He shouted on my face and raise his hands. Napapikit ako at nanginig na sa takot. Hinihintay ko na ang sampal nito pero hindi iyon dumating. "Pirmahan mo na! I can file this alone, but my parents won't let me live in peace kung alam nilang ako lang ang pumayag sa hiwalayang 'to!" He explained to me. Rage and anger are in his eyes. Tama siya. Iba kasi ang alam ng parents namin sa kasal na ito. They thought we are still happy because Rios and I were friends before. Napayuko ako. Ayaw kitang ibigay kay Gwen... Pwede naman natin subukan Rios... Let me give a chance to be your wife... Please... I can do better than her. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon... "U-Uhm... A-Apat na buwan pa lang tayong n-nagsasama—" His eyes widened in annoyance. "What do you want to happened then? Magtagal tayo sa punyetang impyerno na 'to!?" Tumulo na ang luha ko sabay umiling. "Hindi..." Hindi naman impyerno ang sa piling mo, Rios... I am trying to be a good wife. Impyerno ba ang tingin niya sa kasal naming dalawa? "Oh! Hindi naman pala eh! Pirmahan mo na 'yan at wala akong oras—" "Rios naman..." Pumiyok ang boses ko at umiyak na sakanya. "Ayokong maghiwalay—" Natawa ang lalaki sa'kin. Napahilamos ang lalaki sa sinabi ko at muli akong dinuro. Gigil at galit. "Tanga ka talaga 'no?" He sighed in disbelief. "Okay. Don't. Pero tandaan mo, kahit ano pang gawin mo... Hindi kita mamahalin na parang asawa..." At payag ako doon. Kasi... Magkaibigan naman kami noon. Iyon ang kinakapitan ko. Baka kasi maawa siya... at maisip ang pinagsamahan namin... At pag nangyari 'yon... Baka pwede na niya akong mahalin. Rios took a lot of step away from me already. Ngunit nagulat ako noong dire-diretso ang punta nito sa'kin at dinuro ako. "Tandaan mo, hangga't hindi ka nakikipaghiwalay sakin—makikita mo ang impyerno." He walk out after that threat. Habang ako naman ay napangiti–pinunasan ko ang luha sa pisngi. "Kung impyerno ang araw-araw sayo–kaya kong magtiis bumalik ka lang sa dati..." Binulong ko sa hangin ang hiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD