KABANATA 2

1618 Words
TINIGNAN KO ANG malaking wedding picture frame namin ni Rios sa living area. Mapait akong napangiti sa litrato naming dalawa. Bago pa lang ang kasal, ayaw na talaga ni Rios mangyari ang lahat ng 'to–until one day... He decided to marry me. I was so happy when he finally agreed. Ako na ata ang pinakamasayang babae noon kasi finally, my bestfriend... The guy who is with me forever decided to marry me. But when we're alone, ipinamukha niya sakin na magpapakasal kami for the sake of his family. Not because he feels something towards me. Ang gusto nitong mangyari–ay maging miserable ako sa tabi nito. May maliit akong ngiti sa picture ngunit si Rios ay wala manlang kahit anong emosyon. Dapat pala noong una pala sa kasal pa lang... siguro ay hindi ko na ipinilit pa. This is a married life that I didn't expect to turn out to be. Pero kahit ganon.. May kaunti sa'kin... nagsusumamo na sana... Bumalik na ang dating Rios na nakilala ko. "Ma'am!" The maid hurried to me. Mabilis ko namang nilingon ang tinig na iyon. Napangiti ako sa dumating. "Aling Neli! Kumusta po kayo?" Nawala ang ngiti ko sa labi noong tinignan ako ni Aling Neli mula ulo hanggang paa. Kinabahan ako saglit—ngunit naka-long sleeves, turtle neck, at mahabang palda naman ako. Para ito sa mga galos...galing sa away namin ni Rios. "Hija..." She looked at me, worried. Si Aling Neli ay kasambahay namin ni Rios sa mansyon. Ngunit pumupunta lang ito tuwing weekends o pag wala si Rios. Ayaw kasi ni Rio na may iba siyang inuutusan. Gusto niya ay ako lang. "Ayos ka lang ba hija? Kada bisita ko ata dito ay namamayat ka na?" Sinipat ulit ako nito ng tingin. Halatang nag-aalala din ang matanda. Umiling ako. "O-Okay lang po ako. Sa pagod po siguro... Hindi po kasi ako sanay sa gawaing bahay." Alam kong kahit nakailang bisita pa lang si manang dito ay nararamdaman niyang may kakaiba sa'ming buhay mag-asawa. Bukod sa payat at mahahaba kong damit—halatang-halata kung ano ang buhay kong kasal. "Hala sige hija... Basta kung may kailangan ka ay nandito lang ako, ha?" Tumango ako. Wala naman... I don't need help right now. Ang kailangan ko lang naman sa ngayon ay ang maintindihan niya. I think, Rios got it all wrong about me. Hindi ko ginusto ang nangyari sakanya o sa'min... I didn't expect that my love will turn him... to someone na hindi ko kilala. NAGISING AKO NOONG may kumalabog galing sa kusina. Nahulog pala ni manang ang basket ng labahin. Bago pa ako makapunta sakanya ay tulala ang matanda sa isang bagay. Her face looked horrified, but there is an obvious hint of pity on it. Noong nilingon ko ang tinititigan niya ay doon ko nakuha kung bakit ganon ang reaksyon niya. Iyong... damit ko na may dugo. There's not much on it. It was just a drip of blood because of my own clumsiness. Noong nakaraan kasi ay may nabasag akong vase at hindi ko alam kung bakit ko na lang basta hinawakan 'yon. Mabilis akong pumunta doon at dinampot ang damit pabalik sa basket. I saw her face looked so confused. "M-Maling basket ata ang nakuha niyo, manang." "Hija... sa'yo ba ang damit na 'yon?" Umiling ako. "Hindi po. At kung pula ang tinitignan niyo, tumalsik po iyan noong... nagluto ako." I said defensively. Sana ay hindi ko na lang ginawa iyon dahil mas lalo pa akong nagmukhang halata! Kinuha ko ang basket at tinignan ang mga maninipis, lawlaw, at halos basahan ng tignan na damit. Saglit akong natigilan noong may naangat pa akong damit na may dugo. I looked at manang who looked at me in disbelief. Dugo... iyon dahil sa katangahan ko. Mahilig magtapon si Rios sa bahay ng babasagin, at aksidenteng nabaon ang palad ko sa mga bubog. Mahaba ang manggas ng suot kong jacket. Saglit kong tinignan ang kamay ko kung saan may gasa, at singsing. When did it all go wrong, Rios? Bakit... okay naman tayo. Bakit hindi mo naman ako kaya mahalin... o itinurin na tao... Kaya mo noon. Kahit tao na lang sana, Rios... But why you despise me so much na kahit anong sakit pa ang ibagsak mo ay... nakakamanhid na lang. At kahit nakakamanhid na lang ay hindi pa rin kita magawang maiwan. Why? Because I love you so much. Bumalik ako sa realidad noong kinalabit ako ni manang. Akala ko ay umalis na ito, pero nagulat ako noong seryoso ang titig at tila awang-awa ito sa'kin. "Ma'am, gamutin na po natin ang mga sugat niyo..." Bigla akong naluha sa sinabi nito. Ngayon lang ako... nakarinig ng ganon sa iba. Hindi naman ako lumalabas dahil halata naman ang pang-aabuso sa'kin ni Rios. I don't want him to get judge. People will tell me to stop the moment they saw me. Pero... Naniniwala akong babalik si Rios. This is not him. He is just... mad. After all, he lost... someone who is innocent because of me. Ayokong malagay sa alanganin ang asawa ko. "Ma'am... Bakit naman po ganito..." Naluha si manang noong itinaas ko ang braso. I know that I am being so pathetic for being this way... Pero kilala ko ang asawa ko. Napangiti ako dito–naluluha. "Manang, sana itago niyo po ito at huwag ipagsabi sa iba. Lalong... magagalit si Rios—" "Bakit hindi na lang po kayo umalis, Ma'am? M-Magandang bata po kayo! Bakit kayo nagtitiis sa ganitong trato–" Umiling ako sakanya. Hinawakan ko ang kamay ni manang. "Mahal ko po si Rios. I-Iyon lang po 'yon..." "Ma'am naman..." Naiiyak na aniya. "P-Pasensya na po sa pangingialam..." Ngumiti lang ako sakanya. "S-Salamat po..." "Pero ma'am, hindi dapat.. ganito ang pagmamahal. Hindi ganito kasakit." Umiling ako sa sinabi nito. "Manang, ganito ako magmahal." I know. I am so stupid. Pero kasi— the thought alone that I am going to leave him reminds me of Rios and I's brighter past. Kaya lagi akong umaasa... kagaya ng dati... Babalik ang Rios na nakilala ko. Manang sighed and carefully tried to reach for my hand. "Hija, hindi ganito dapat magmahal." Nginitian ko ito. I don't know why... I became like this too. I suddenly remember the good old days where I am loved, a center of attention... and full of myself. I care about anyone, that's why people loved me. I am a sociable person. I like being around with everyone. Pero sa loob ng apat na buwan, ang bilis ng lahat. Nawala ang buhay na kinagisnan ko... At kasalanan ko iyon. Ako ang nagdala sakanila dito. "Hindi dapat ganito Ma'am," kumbinsi nito sakin. Hindi ba dapat ganito? My heart is already aching because of her simple words. But I already cried too much... that tears doesn't fall anymore. Wala ng luha at tanging sakit sa puso na lang ang meron. Hinawakan ko ang kamay ni Manang at nginitian siya. "I will be okay, Manang... Don't worry about me. Hindi... ganong tao ang asawa ko. May nangyari lang at kasalanan ko." Kumunot ang noo nito. "Pero Ma'am.." "Huwag mo na lang pansinin si Rios. Huwag po kayo mangialam. Pangatlong kasambahay na po namin kayo sa apat na buwan..." Biro ko pa. "Mabait po si Rios. Hindi po siya ganito noon." Tumango si Manang. "Pero hayaan mong gamutin ko 'tong sugat mo ha?" I smiled on her. "Yes, manang." I let her see my scars... and I kind of hate it to see the pity on her face. Alam kong dapat akong kaawaan sa lagay kong 'to, pero... hindi ko naman iyon kailangan. Dahil sa tuwing nakikita ko ang awa sa mukha nila ay naalala ko... kung anong ginawa sakin. Bakit ako tinitignan ng may awa.. It all just falls in one thing; it's because I am on this marriage. I suddenly felt hesitant, pero noong pumikit si Manang at nag-umpisa ng gamutin ang sugat ko ng kahit anong walang tanong ay napakali ako. "Pagaling na ang mga sugat at pasa mo, Ma'am." Napangiti ako. "Oo nga po 'eh..." Ngumiti siya matapos gamutin ang iilang sugat ko sa magkabilang braso. "Iwasan niyong magbatuhan ni ser... Gusto mo ba ay tanggalin ko ang vase?" Ngumuso ako. Bakit hindi ko naisip 'yon? "Sige po... Gawin natin 'yon..." Natapos ang araw na 'yon na tinatago namin ni Manang ang babasagin sa bahay. Umalis na rin ito pagkatapos dahil hindi naman siya stay in. Dahil sa pagod at mahabang araw ay hindi ko napigilang humiga at makatulog. Napatigil ako sa pag-iisip noong may dumapo na damit sa mukha ko. Si Rios pala iyon, hinagis ang damit niya sakin. "Ayos. Hindi mo ako hinintay?" Wala sa sariling napatayo ako. Hindi ko namalayang... diretso ang tulog ko. Alas dos na ng gabi. Ang uwi niya lagi. "S-Sorry... Kumain ka na?" Hindi siya sumagot at tinignan ako ng masama. "Ang ganda ng tulog mo, ah. And here I am, working my ass..." I bit my lip. Nanalangin ako na sana ay hindi ito magalit. "I told you not to sleep until I am home, right?" He turned into me right after changing his clothes. Rios looked so annoyed. "At ilang beses ko bang sasabihin that my clothes shouldn't be here?" "Sorry..." "Can you please just act right and... stop acting dumb?" Kahit simpleng ganito... Hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kirot. Iyong paghampas, nakatawang insulto, at pagtingin niya sakin na akala mo ay isang basura... Masakit pa rin. "Anong tinutulala mo? Maglaba ka. Kailangan ko 'yan bukas." Rios is mad in every man who touches and hurt me before. Iyong tao na hindi ko inaasahan na sasaktan ako... I didn't expect that Rios will hurt me the most.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD