bc

Ajax, The Witch Doctor

book_age18+
3.3K
FOLLOW
12.7K
READ
kickass heroine
witch/wizard
bxg
humorous
mystery
another world
self discover
witchcraft
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Mula sa pamilya ng mga albularyo, matapang na niyakap ni Ajax ang kaniyang kapalaran. Sa loob ng halos dalawang taong panggagamot, isang babae ang lumapit sa kaniya upang humingi ng tulong. Gabi-gabi’y binabangungot daw ang dalaga kung saan ginagahasa siya ng isang engkanto.

Ang inakala ni Ajax na simpleng panggagamot lang, naging kumplikado nang matuklasang prinsipe ng mga engkanto ang kaniyang sasagupain—isang prinsipeng kayang gawin ang lahat makuha lang ang ano mang gustuhin. Hanggang sa kaniyang paglalakbay upang hanapin ang sagot kung paano tulungan ang dalaga, nakatagpo niya si Leia—isang dream traveler na tutulong sa kaniya upuang palayain ang dalagang si Nomi sa kamay ng mahalay na engkanto.

Matapos ang dalawang taong walang kachallenge-challenge na pagiging albularyo ni Ajax, sa wakas ay nakatagpo na siya ng malupit na kalaban! Isang kalabang susubok sa kaniyang paniniwala at hangganan.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE:
PROLOGUE: “MAAWA na po kayo, napapagod na ako sa gabi-gabing bangungot na nararanasan ko!” Tahimik akong nakikinig mula sa loob ng bahay-kubo namin. Si Mama ang nasa labas habang kinakausap ang babaeng gustong magpagamot sa akin. Maganda ang boses niya, mahinhin pero hindi ako sigurado kung totoo ba ang sinasabi niya o manloloko rin. “Iha, sa totoo lang hindi na kami halos tumatanggap ng babaeng pasyente na ka-edaran mo dahil madalas, nanloloko lang. Kung hindi naman kritikal ang kondisyon mo, huwag na lang,” sagot ni Mama. Ilang segundong naging tahimik. Akala ko nga umalis na iyong babae o kaya sumuko na pero. . . Narinig ko ang unti-unti niyang paghikbi. Nabitin tuloy sa ere ang isusubo ko sanang pandesal. Naknangputsa! Ayaw ko talaga sa lahat ay ‘yong umiiyak. “Gabi-gabi niya po akong ginagahasa. Napapagod na po ako, parang awa n’yo na po. Gusto ko na po siyang mawala. . .” “Iha, kung ginagahasa ka, hindi dapat dito. Sa pulis ka magsumbong—” “Hindi po ako ginagahasa nang pisikal, sa panaginip po! Gabi-gabi po akong ginagahasa sa panaginip!” “E baka iha, tigang ka kaya nananaginip ka ng gumagahasa sa iyo? Kailan ba ang huling nagkaroon ka ng nobyo?” Imbes na sagutin ang tanong ni Mama, mas lalong lumakas ang paghagulgol niya. Tagos na tagos sa puso ko kung paano siya umiyak. May ilang babae na rin ang umiyak dahil ayaw kong pagbigyan na gamutin, pero ang iyak nitong babaeng ito, kakaiba. Napamura ako sa isip lalo na nang maiukit 'yong wala sa bokabularyo ko; ang maawa. “H-hindi po ako g-ganun. . .” “Please, hindi kasi pwedeng—” Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ni Mama, kaagad na akong tumayo mula sa kahoy na silyang kinauupuan ko at saka sumigaw. “Teka lang, Ma!” Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Mama. Kaharap niya ang isang babaeng may itim, diretso at mahabang buhok. Maputi siya, mukhang mahinhin ang mukha at disente kung manamit. Namumugto ang mga mata niya dahil sa labis na pag-iyak. Nag-angat siya ng tingin sa akin, at nang magtama ang mga mata naming dalawa. . . bahagyang umawang ang labi ko. Kumunot ang noo ko nang dahil sa nakita. . . Teka hindi ko dapat makita 'yon! Pumikit ako sabay iling bago tumikhim. “Tutulungan kita,” mabilis na tugon ko. “Pero anak baka niloloko ka na naman nito?” Lumingon sa akin si mama na may pagtataka sa mukha. Umiling ako. “Hindi Mama, may nakita ako. Totoo ang sinasabi niya.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook