Chapter Six

1419 Words
FIVE YEARS LATER Mabilis na lumipas ang mga taon, HR Manager na sa isang international company si Gabie at nasa huling taon na ng kanyang Master's Degree. Nag-aaral siya sa isang sikat na State University sa Pilipinas kung saan nagtuturo naman doon si Edne bilang isang College Professor. Magkasama rin silang naninirahan sa isang apartment na kanilang nirerentahan, isang sakay lang mula sa kani-kanilang pinagta-trabahuhan. Lumipat sila sa kasalukuyang apartment dahil mas malaki ito at convenient pareho sa kanila dahil nasa gitna ito ng pinagta-trabahuhan nila. At dahil malaki-laki rin naman ang kanilang sinusuweldo, napagkasunduan nilang rumenta ng two-story apartment sa loob ng isang exclusive subdivision. Gusto rin ng mga magulang nila ang naturang apartment dahil safe rito, lalo na at pareho silang babae. Noong unang salta kasi nila sa Maynila ay nagrenta lang sila ng isang kuwarto. At nang makaipon ay nagdesisyon na silang kumuha ng apartment. Share sila sa lahat ng gastusin sa bahay at wala ring problema sa mga gawaing-bahay dahil may kasambahay sila. Noong hindi pa nagma-Masteral si Gabie ay ayaw niya na kumuha ng kasambahay dahil kaya naman daw niya ang gawain sa bahay. Pero nang mag-aral ulit siya ay hindi na kinaya ng kanyang powers. Kaya nang nagkaroon sila ng kasama sa bahay, kahit papaano ay nakakapahinga sila pagdating ng gabi. Si Edne ay gumagawa ng mga school works niya tulad ng pag-gawa ng mga exams at pag-check ng mga test papers. Pero mas madalas na nagbabasa ito ng mga libro na ginagamit sa mga lessons niya. Si Gabie naman ay naging hobby na ang mag-group send ng mga inspirational messages sa lahat ng mga numbers na naka-save sa kanyang phonebook tuwing umaga at gabi. Pero kapag may pagkakataon during lunch break ay nagse-send pa rin siya. Nakahiligan na niya ang mag-search sa internet ng mga quotes na ipino-forward niya. Marami naman ang natutuwa sa kanyang mga texts dahil anila ay sobrang inspiring daw. May kaklase nga siya sa Masteral na halos mapuno na ʼdi umano ang inbox dahil nanghihinayang daw itong i-delete ang kanyang mga texts dahil magaganda. At sabi nito ay madalas rin niyang i-forward ang mga texts ni Gabie sa mga kaibigan niya. Nang makauwi si Gabie mula sa kanyang trabaho ay hinanap niya si Edne sa kanilang kasambahay na si Joan. Ayon dito ay nagpapahinga na si Edne dahil masakit daw ang ulo nito simula pa noong dumating mula sa University. Ito ang madalas na nauunang umuwi dahil maagang natatapos ang klase nito. Kaya naman siya rin minsan ang nagluluto ng kanilang dinner kapag sinipag ito. “Kumain na ba si Edne?” tanong niya kay Joan. “Hindi pa, Ate, kasi hihintayin ka na raw po niya para sabay na kayo,” magalang na sagot ni Joan. Si Joan ay nakatira rin sa Quezon, malapit sa kanilang lugar kaya kilala rin ito ng kanilang pamilya. Labing-walong taong gulang na ito at anak ng kanilang labandera kaya hindi na iba ang turing nila rito. “Ah, sige pupuntahan ko lang siya sa kuwarto niya at tatawagin ko na rin para makakain na tayo. Paki-ready na lang ng table.” Tatlo ang kuwarto sa apartment kaya may kanya-kanya sila ng kuwarto. Dalawa sa itaas at inookupa nila ito ni Edne. May kalakihan ang kanilang kuwarto kaya kapag lumuluwas ng Manila ang pamilya nila ay sa kanila tumutuloy. Kumatok siya sa pinto ni Edne at nang hindi siya nito pagbuksan ay siya na ang nagkusang nagbukas ng pinto at pumasok. Naabutan niyang nakahiga ito sa kama at nakabalot ng kumot ang katawan. “Oh, napapaano ka?” nag-aalalang tanong niya dito. Umupo siya sa gilid ng kama. “Ewan ko ba, parang lalagnatin yata ako, eh. Natuyuan kasi ako ng pawis sa likod kanina, tapos pagpasok ko sa faculty room ang lakas naman ng aircon. Kaya heto, sobrang sakit ng ulo ko,” paliwanag ni Edne. “Kumain na muna tayo para makainom ka ng gamot at nang hindi na tumuloy ʼyang nararamdaman mo.” Nang marinig ni Edne ang pagkain ay agad itong tumayo at nagmamadaling bumaba, tila wala namang ibang nararamdaman. Lihim na napangiti si Gabie habang umiiling. Basta pagkain, walang sama, sama ng pakiramdam dito sa kaibigan ko, eh. Nang matapos silang kumain ay nagpaalam si Edne na a akyat na habang siya ay naghugas ng pinggan. Si Joan naman ay nagsimula ng magtupi ng mga damit na kanyang nilabahan nang umaga. Pagkatapos maghugas ng pinggan ay umakyat na rin siya sa kanyang kuwarto. Nag-shower siya ng mabilis at pagkatapos ay nanood ng series na kanyang sinusubaybayan sa Netflix. Habang nanonood ay nag-check siya ng text messages niya sa cellphone. Naghanap na rin siya ng magandang quotes na puwede niyang i-forward para sa gabing ʼyon. Nang makakita ng maganda at naaayon para sa pang-gabi ay agad na siyang nag-compose ng additional text. GABIE: “Today was good. Today was fun. Tomorrow is another one.” Have a good night sleep everyone! Nang matapos mag-type ng message ay agad na niya itong pinorward. Ilang segundo lang matapos mag-send ay may ilang sumagot ng “Good night too!” , “Sleep well.” at “Thank you!” Pagkatapos ng series na pinanood ay pinatay na niya ang television upang matulog. At nang akmang hihiga na siya ay narinig niya na tumunog ang kanyang cellphone. Bumangon siya upang i-check kung sino ang nag-text. Number lang ang nag-appear sa kanyang screen kaya ibig sabihin ay hindi ito naka-save sa kanyang cellphone at maaaring hindi niya ito kilala. Kumunot ang noo niya nang mabasa ang text message ng sender. UNKNOWN NUMBER: “Today was good. Today was fun. Tomorrow is another one.” Have a good night sleep everyone! Sino kaya ito? Bakit ibinalik niya ang text ko? Hmm. Na-curious siya kung sino ito kaya nag-reply siya. GABIE: Good evening po. May I know who is this? Pagka-send niya ng message ay naghintay siya kung magre-reply pa ʼyong unknown texter pero hindi pa rin ito nagre-reply kaya nakatulugan na niya ang paghihintay sa sagot nito. Kinabukasan ay maagang nagising si Gabie dahil sa kanyang alarm. Kailangan niyang bumangon kahit Sabado dahil may klase siya sa kanyang Masteral. Six-thirty ng umaga ang kanyang first subject at natatapos naman ang kanyang last subject ng six o'clock ng gabi. Wala siyang choice kaya bumangon na siya at naghanda ng susuotin para sa pagpasok. Bago siya naligo ay nag-check muna siya ng cellphone niya kung nag-reply ʼyong kanyang unknown texter kagabi. Nang walang nakita ay dumiretso na siya sa banyo para maligo. Bago bumaba si Gabie ay sinilip muna niya si Edne sa kanyang kuwarto upang alamin kung maayos na ang pakiramdam nito. Nakita niyang natutulog pa ito kaya hinayaan na lang muna niya para makapagpahinga ng maayos. Wala naman itong klase kaya madalas na tulog pa ito kapag pumapasok siya. Mas naunang naka-graduate ng Masteral si Edne kaysa kay Gabie dahil kapag nasa academe ay mas madali ang promotion kapag may post graduate course na. Plano na rin ni Edne na mag-Doctoral sa susunod na semester. Gusto raw muna nitong magpahinga sa pag-aaral kahit isang taon lang. Si Gabie naman ay napilitang mag-Masteral dahil isa sa mga requirements ng isang HR Director ang magkaroon ng Master's Degree. May edad na ang kanilang HR Director at malapit ng magretiro sa susunod na taon kaya kinausap nito si Gabie at sinabing siya ang pinaka-qualified na maaring pumalit dito kaya napilitan siyang mag-aral. Nag-enroll siya ng Masterʼs in Human Resource Management at ngayon ay graduating na siya kaya marami siyang tinatapos para sa kanyang thesis. Nang bumaba siya ay nakita niyang naghahanda na ng breakfast si Joan. Pagkakita sa kanya nito ay agad siyang binati nito. “Good morning, Ate. Kain ka na po,” bati nito sa kanya. “Sige, sabayan mo na ako at mukhang masarap pa ang tulog ni Ate Edne mo. Kumuha ka na ng plato mo,” imbita niya rito. Sumunod naman si Joan at kumuha ito ng extra plate at sabay na silang nag-agahan. Hinayaan niya si Joan na linisin ang pinagkainan nila habang siya naman ay naghanda na sa pagpasok. Bago umalis ay nagbilin siya kay Joan. “Kapag nagising ang Ate Edne mo, sabihin mo na hindi ko na siya ginising para makapagpahinga siya ng mabuti. Te-text na lang ʼka mo ako sa kanya mamayang vacant period ko.” “Sige, Ate, sabihin ko na lang. Ingat ka po,” magiliw na sagot nito. Lumabas na siya ng apartment para pumasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD