DUMALAW si Ezrah sa bahay ng Kuya Macky niya at nagkataon naman na wala ang nakakatandang kapatid niya doon at ganoon na rin si Amihan na may pinuntahan din nang araw na iyon. Ayon sa Mamang ni Ezrah na tanging naabutan niya sa bahay ay uuwi ang Kuya niya nang hapon kaya may nakakasama pa rin ang Mamang niya kahit wala ang pinsan. Hindi naman si Amihan at ang Kuya niya ang dahilan kung bakit siya nandoon dahil ang ipinunta niya roon ay si Mikaelle, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapasok sa trabaho at dalawang linggo na itong nasa poder ng Kuya niya. Gusto niya rin kumustahin ang Mamang lalo pa at mas napaparating mag-isa ito sa bahay kapag nasa trabaho ang pinsan at kapatid. “Mabuti naman at napadalaw ka rito, Ezrah, name-miss na rin kita, eh, sana dalas-dalasan mo naman ang dala

