MASAMA ang loob ni Austine sa kaibigang si Zion at nang lumabas ang kaibigan para linisan ang kotse nito na nasa labas ng gate at iwanan sila habang patuloy na nakikipag-usap si Ezrah, Ezella at Cassis sa sala ay sinunadan niya ito. Alam ni Austine na naramdaman ng kaibigan na sinundan niya ito kaya paglabas ng niya ng gate ay nakatingin na ito sa kaniya na may ngisi sa labi. “Traydor kang kaibigan!” sumbat niya kay Zion. “Paanong naging traydor ako?” nakangising tanong nito sa kaniya. “Dahil halata sa’yo sa pakikipag-usap mo sa Mr. Levian na gustong-gusto mo siya para kay Ezrah at pinapahiya mo pa ako!” inis na tugon niya rito. “Bakit hindi ko magugustuhan iyong taong nakikita ko naman na nag-e-effort sa kapatid ko? Halata kay Mr. Levian na gustong-gusto niya si Ezrah sa pagkakatitig

