NAGING masaya ang kuwentuhan nila Ezrah at Ezella at ngayon kasama ni Ezrah ang Ate niya ay gumagaan ang dinadala niyang kabiguan sa puso at napapasaya siya hindi lang ng kapatid kundi pati ng mga naggagandahan at bibong mga pamangkin. Mabuti rin ang pagdalaw ni Ezrah ngayon sa kapatid dahil talagang napagaan nito ang dinadala niya kahit pa hindi niya sinabi ang pinagdadaanan sa Ate niya. “Matulog ka na, Ate, alas-diyes na. Baka makasama sa’yo ang magpuyat lalo pa at buntis ka,” sabi niya sa kapatid habang nasa sala pa rin sila at nag-uusap. “Mamaya na ako matutulog. Aantayin ko na ang Kuya mo at mayamaya ay darating na rin iyon. Umakyat ka na sa taas para makapagpahinga ka, siguradong napagod ka sa biyahe mo kanina,” anito. “Sasamahan na kita, Ate,“ tugon niya. “Huwag na, Ez, magpahin

