HALOS hindi nakatulog si Ezrah sa buong magdamag dahil kay Austine. Maaga siyang nakauwi sa bahay kahapon dahil madaling natapos ang trabaho niya at naisipan niyang siya na ang magluto ng hapunan para kay Austine subalit kahit tapos na ang oras ng trabaho ng asawa ay hindi pa rin ito umuuwi at nang pinadalhan niya ito ng mensahe ay tumugon naman si Austine na hindi ito makakauwi kaagad dahil kasama nito ang mga kaibigan at nasa isang bar sila nag-iinuman. Ang naging tugon niya kay Austine ay ang pagbibilin niyang mag-ingat na lang ito at hindi na niya sinabi pang nagluto siya ng hapunan nila at pinauwi ito nang maaga dahil naisip niyang kahit mag-asawa sila ay wala naman siyang karapatan lalo pa at may usapan na silang dalawa ni Austine at hindi niya ito dapat pakealamanan sa gusto nitong

