“MAG-IINGAT ka doon,” bilin ni Ezrah kay Austine nang makalabas sila ng bahay at inihatid niya ito hanggang sa makalapit sa sasakyan nito. Nginitian siya ni Austine saka nilapitan at hinalikan ang noo niya. “Oo. Ikaw rin. Lagi kang mag-iingat lalo na sa pagmamaneho mo. Ilang beses nang nagasgasan ang kotse mo dahil palagi ka na lang nababangga,” paalala ni Austine sa kaniya. “Hindi sinasadyang nabangga ang kotse ko ng taong iyon sa parking at wala ako nang mangyari iyon,” aniya. Biglang pumasok sa isip ni Ezra hang Russian na lalaking nakabangga ng kotse niya na nagbigay ng calling card sa kaniya na hindi naman niya tinawagan at siya na ang gumastos ng pag-aayos ng nagasgas niyang kotse. “Pero mas mabuting lagi kang mag-ingat, Ez,” sabi ni Austine na ikinabalik niya sa reyalidad. “

