"Let's go," rinig kong tawag sa amin ni Sir Max. "Tara na raw," wika ni Lei. "Kaya mo 'yan, okay? Basta isipin mo na lang na kapag hindi mo nagawa ito ng tama malalagot ka kay Maxene Iverson." Natawa siya sa huli niyang sinabi. "Nananakot ka na naman e," sagot ko. "Syempre para talaga gawin mo 'yong best mo, at least natakot ka 'di ba?" natatawa niyang sambit. "Sino ba naman kasi ang hindi matatakot? Katulad nga ng sinabi mo, napakadelikado niyang tao," wika ko. Nagkibitbalikat siya. "Sabagay. Oh sige na tara at baka mamaya ay tingnan na namin niya tayo ng nakakatakot na tingin kapag pabagal bagal tayo." Hindi na nga kami nag-aksaya pa ng oras at lumabas na kami ng hotel room niya. May naiwan na dalawang lalaki dito sa kuwarto na ito no'ng lumabas nga kami. Hindi maiiwasan na mapal

