"Can you guys please stop?" suway ng mama niya. "Lagi na lang kayong gan'yan everytime na magkasama kayo, ano ba kasi ang dahilan?" Tinulak ni Sir Max ang kakambal niya at saka naman ito tiningnan ng masama. "What's new?" tanong ng papa niya. "Maghiwalay na nga kayo, mag-start na ang party kaya magsimula na rin kayo makipag-usap sa mga guests." Hinawakan ni mama nila ang kamay ng papa nila at saka umalis na. Bago tuluyan umalis ang kakambal niya ay binigyan niya pa ito ng masamang tingin at hindi naman nagpatalo si Sir Maxene. Binitawan ni Maxene ang pagkakahawak niya sa kamay ko at sakto naman na hinila ako ni Lei palayo sa kan'ya. Habang nilalayo niya ako ay nakatingin lang ako sa kan'ya at nakita ko ang paglapit ni Sir Ethan sa kan'ya. "Mukhang naniwala naman sila mama na girlfrie

