Napatingin ako sa kan'ya nang hawakan niya bigla ang kamay ko. Pakurap kurap ko siyang tiningnan habang pinapanood siya sa ginagawa niya. Nilalakbay niya ang kamay ko pataas sa batok niya at saka naman siya humarap sa akin, nilagay niya ang kamay ko pababa naman sa dibdib niya hanggang sa umabot sa matigas niyang abs. Sa gulat ko ay napalayo ko ang kamay ko sa katawan niya pero malakas siya kaya parang lumayo lang ang kamay ko ng two inches. Bigla na lang siyang natawa at saka binitawan ang kamay ko. "I'm just kidding," wika niya at kinuha na ang polo niya at sabay sinuot. Halos napatulala ako sa kan'ya, hindi ko malaman kung ano ba ang gustong iparating ng lalaking ito. Niloloko niya ba ako? Nang masuot na niya ang polo niya ay kinuha naman na rin niya ang suit niya sa kama at mabilis

