Nalaglag

1502 Words
"Puwede mo ba akong tulungan?" tanong ko sa kan'ya. Kumunot ang noo niya. "Anong klaseng tulong? Kung gusto mong tulungan kitang makatakas dito, hindi ko kita kayang tulungan. Katulad nga ng sinabi ko, napakadelikado niya, kahit saan ka pumunta hahanapin ka niya at magbabayad ka sa ginawa mong pagtakas lalo na kung okay na ang lahat tapos tumakas ka," pagbabanta niya. "I'm sure na pumayag ka, right?" Dahan-dahan akong tumango. "Oo, hindi ko kasi alam na isa pala siyang mafia boss." "Kat, kahit pumayag ka o hindi... hindi ka nila basta basta papakawalan dito, kahit ayaw ni kuya, hindi ka pa rin nila papakawalan, they will make you suffer before they let you go." Kahit pala hindi ako pumayag ay may gagawin pa rin silang masama sa akin. Dahil sa sinabi ni Lei parang mas natakot ako at kinabahan pero wala na nga akong magagawa. "Don't worry, after nang mission mo sa kan'ya hindi ka na niya guguluhin pa. Kung ako sa'yo much better kung ituloy mo ito... hindi ba kailangan mo ng pera? Go for it hindi ka pa nila sasaktan." "Wala na nga akong magagawa," sambit ko. Tumango siya. "Kaya mo 'yan." Makalipas ang isang oras naming pag-uusap, pumasok na kami sa loob at pumunta na siya sa kan'yang kuwarto at ako naman ay pumasok na rin sa kuwartong tutulugan ko. Medyo malayo nga sa kuwarto niya. Ni-lock ang pinto bago ako humiga. Napakasarap mahiga sa ganitong malambot na kama at para ba akong prinsesa sa ganitong kuwarto na kahit na isa akong bilanggo rito. MINULAT ko ang mga mata ko nang makarinig ako na parang binubuksan ang kuwarto. Nakarinig din ako ng tunog ng susi. Napabangon ako habang titig na titig ako sa pinto kung sino ang papasok. Bumungad si Leilani at nang makita niyang gising na ako ay ngumiti siya ng malawak. "Hi! Gising ka na pala. Pasensya na binuksan ko na itong kuwarto, aalis kasi tayo." Gulat ko siyang tiningnan. "A-aalis? Saan naman tayo pupunta?" "Pupunta tayo ng mall today, at saka ipapa-make over na rin kita para mayayamang gabi," sagot nito habang nakangiti. Oo nga pala, mamayang gabi na nga pala magaganap 'yon. Tumingin ako sa puting wall clock sa taas ng tv. Mag twe-twelve na pala ng hapon. Napasarap nga ang tulog ko. Ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing at ganito katagal. "Maligo ka na at magbihis, doon na lang tayo kakain sa labas," sambit niya. Tumango naman ako. "Sige, pero wala kasi akong damit. Iyong dala kong maleta kagabi naiwan e." "Hala! Wala rin kasi akong dalang damit ngayon, isa lang ang dinala ko, wala rin naman akong iniiwan na damit dito sa bahay ni kuya." Sandali siyang natigilan at nag-isip. Pumunta siya sa malaking wardrobe na kulay itim. Pagbukas niya doon ay tumambad sa amin ang mga panlalaking mga damit. Wala akong ideya kung kanino ang mga iyon. "Puro sila lalaki rito kaya ano pang ine-expect ko na magkakaroon ng pambabaeng damit dito." Huminga siya ng malalim habang nagkakalkal pa rin. Ilang sandali lang ay may nilabas ito. Humarap siya sa akin ng dahan-dahan at niladlad ang mga ito. Isang short na maong na kulay navy blue at isang itim na tshirt na plain. Mukhang bago pa at alam kong malaki ito sa akin. "What if?" nag-aalangan niyang tanong. "Wala na kasi akong makita na medyo okay sa'yo." Tumayo ako habang nakangiti. "Okay na ito." "Sure ka? O gusto mong maghanap pa ako ng iba?" Umiling ako. "Huwag na." Mabilis ko naman kinuha ang mga ito. Pumasok na ako sa malaking cr ng kuwarto na ito at naligo na. Hindi na ako nagsayang ng oras pa dahil nakakahiya naman ako pa ang hinihintay niya. Nang matapos na ako magbihis, pinagmasdan ko ang suot ko sa malaking salamin ng cr, parang feeling ko anytime ay malalaglag ang suot kong shorts sa luwang nito at medyo malaki pa nga ang tshirt. Nagmumukha akong hanger nito. Nakita ko ang suklay doon kaya nagsuklay na rin ako. Lumabas ako ng cr na wala na si Lei sa kuwarto. Todo hawak ako sa nalalaglag na shorts kong suot. Ano kaya pa ba, Katrina? Hindi ko naman masuot ang suot ko kagabi dahil madumi na nga iyon at nakakahiya naman kong iyon pa ang suotin ko lalo na kapag pupunta pa ng mall. Narinig ko na may kumatok na kaya mabilis kong binuksan ang pinto. "Tara na?" nakangiting tanong ni Lei na nasa labas mg kuwarto. Simple lang ang kan'yang suot at lahat ng susuotin niya ang bagay sa kan'ya dahil sexy siya at maganda, maputi rin ito. Mabilis niya akong inakbayan at masigla itong naglakad sa mahabang home corridor ng bahay na ito. Nang makababa na kami napadaan kami sa isang parang salamin na kuwarto na wala akong makita sa loob nito pero nakikita ko ang sarili namin. "Iyan ang office room ni Maxene dito sa bahay niya, walang puwedeng pumasok diyan unless pinasok ka niya," wika nito nang mapansin niyang napatingin ako doon. "Ang laki, parang nakakatakot pang dumikit diyan," natatawa kong wika. Natawa siya. "Kahit ako no'ng una gan'yan din ang nararamdaman ko." Muli na kaming naglakad at nag-focus muli sa harap namin. "Lei," narinig kong sambit ng isang lalaki. Napatingin kaming dalawa sa direksyon ng boses na iyon at nakita namin si Ethan na nakatayo sa may pinto na glass. "Po?" sagot ni Lei. "Tell her that your brother wants to talk to her," sagot nito. A-ako? "Oh, her name is Katrina." Tumango siya. "Just tell her." Bumulong ito sa akin. "Narinig mo naman 'di ba? Kuya Maxene wants to talk to you." "H-hindi ka ba sasama?" Umiling siya. "Hindi, ikaw lang ang kailangan niyang makausap at kung sumama ako sa loob at baka sipain niya rin ako palabas ng office room niya." Tumango na lamang ako. Ito na rin ang chance ko para masilayan ang loob ng office room na nakakamanghang tingnan. Bago pa ako makalapit ay lumabas na si Ethan doon kaya napatingin ako sa kan'ya na nagtataka. "Go," wika nito nang makita niyang napahinto ako at napatingin sa kan'ya. Ako lang talaga ang papasok sa loob? Bakit parang kinakabahan ako? Tuluyan na nga akong pumasok at sinalubong ako ng napakalamig. Mas malamig dito kumpara sa labas. Naging busy muli ang mga mata ko sa pagtingin sa paligid ko. Puti at itim na naman ang nasa loob nito, ang kisame ay puti at itim ang pader pero hindi siya gano'n ka-dark, light lang siya kaya medyo madilim dito pero nakaopen naman ang ilaw niya na parang dim light naman. May anim ba upuan dito na pang dalawang upuan lang ng tao. Magkakatabi ang dalawang upuan, tag dadalawang upuan na nakaharap sa bilog na itim na babasagin na lamesa na may flower vase at parang may dessert pa nga doon at may kasama pang isang boteng red wine. Medyo mahaba ang table niya na may monitor doon na nakapatong na malaki rin at may dalawang single chair sa harap ng table niya at sa isnag gilid ay may bookshelf na may mga libro doon na naka-display at nakasara ng salamin. Sa pagitan ng mga iyon ay may isa pang pinto pero hindi ko na alam kung anong nasa loob no'n. "Done checking?" tanong nito sa malalim na boses. Doon ang pagkakataon na natigilan ang mga mata kong mag-ikot ikot. "Pasensya na po." "Come closer," wika niya kaya sumunod ako kaagad. Nakaupo siya sa table niya at nakatingin ito sa akin ng diretso. "Sit down." Naupo naman ako sa harap ng table niya. "Gusto niyo raw po akong makausap?" "Yes, since you will be my fake girlfriend tonight, gusto kong malaman mo na kaya ko ito dahil sa kakambal ko, so don't create a scene that I won't like. Make yourself seem lovely and like the ideal girlfriend. Kaya ba?" Tinaas niya ang dalawa niyang kilay. "Don't worry, nandiyan naman si Lei." "Opo, masusunod po." Iyon na lamang ang sinagot. Mukhang wala pa siyang tiwala na kaya kong gawin ang pinapagawa niya. Sabagay kung ganito ba naman kasi ang ayos ko ay wala talagang maniniwala. Sorry naman. "Sige, makakaalis ka na." Agad akong tumalikod sa kan'ya at nagsimula nang maglakad. Habang naglalakad ako ay parang may nararamdaman ako sa hita ko na parang may nalalaglag kaya napatingin ako sa baba ko at nakita kong nasa tuhod ko ang suot kong shorts. Sh*t! Nakalimutan kong maluwang pala ito sa akin at nakalimutan kong hawakan. Napatingin ako kay Maxene at nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin. Dali-dali akong napatuwad parang kunin ang shorts ko. "Oh my goodness!" rinig kong sigaw niya at halata ang pagkairita nito. Gulat akong napatingin sa kan'ya at nakita kong napahawak siya sa noo niya at mas nataranta ako at hindi alam ang gagawin ko. Bakit naman kasi tumuwad sa harap niya? Naku po! Nakita na ang tinatago ko! Tinataas ko ang shorts na suot ko habang palabas ng office room niya. My god, Katrina! Anong ginagawa mo? Sa harap pa niya talaga? Nakakahiya parang gusto ko na lang maging invisible. Katrina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD