Ngumisi siya. "I know na hindi ka tatanggi sa offt na 'yon."
Hindi ba ang tatanggi doon, 'di ba? Lalo na kailangan na kailangan ko ng pera.
"Should I call, Lei para masabihan na siya?" tanong ni Ethan sa kan'ya.
"Yeah... ituro niyo na rin kung saan siya mag-i-stay ngayong gabi."
Naglakad naman na ito habang diretso ang kan'yang tingin at sumunod sa kan'ya si Ethan. Hawak niya ang kanina niyang hawak na isang baso ng old fashioned. Sinundan ko sila ng tingin at unti-unti siyang sinusundan ng mga lalaking nasa loob ng kuwarto nito hanggang may matira na isang lalaki kasama ko dito sa kuwarto.
"Follow me," wika niya.
Walang alinlangan akong sumunod sa kan'ya. Magtitiis ako na mag-stay sa pamamahay na ito para makuha ko ang kalahating milyon.
Paglabas ko ng malawak na kuwarto ay sobra akong namangha sa nakakalulang bahay na ito. Walang ibang kulay ang nasa loob nito kundi itim at puti lang. Nakakatakot din hawakan ang mga gamit dito dahil halata naman na sobrang mahal ng mga ito. Napakakingtab pa ng tinatapakan naming sahig. Malawak ito kaya madami rin ang mga lalaking nakasuot ng itim dito sa bahay na ito.
Mafia ba ang may-ari ng bahay na ito?
Umabot kami sa isang mahabang daan na may mga kuwarto. Binuksan ng lalaking sinusundan ang itim na pinto pero hindi ito pumasok.
"Ito ang magiging kuwarto mo hanggang bukas," sambit nito.
Hindi na ako nakasagot sa kan'ya dahil busy na ang mga mata kong iikot sa buong paligid ng kuwarto. Napakalaki! Never pa ako nakakita ng ganitong kalawak at gandang kuwarto, gano'n na rin ang bahay na ito. Isa itong napakalaking mansion!
Nang isara na niya ang pinto. Mabilis akong dumiretso sa kama at nakahiga doon. Napakakomportable! Ang lambot at ang sarap humiga doon. Napansin ko ang isang pang pinto kaya agad akong bumangon para silipin iyon. Cr pala ito at malaki rin siya, may shower at bath tub pa.
Nilibot ko ang buong kuwarto na ito at sumilip naman ako sa napakalaking mirror window at nakita ko na nasa likod pala ang kuwarto na ito. Nakita ko ang napakalaking swimming pool na ang nasa gilid ay ang mga mabulaklak nitong garden.
Nang matapos na akong silipin ang bawat sulok ng kuwarto ay muli akong humiga sa malaking kama at unti-unti kong ginagalaw ang katawan ko dahilan para mapasabay din sa galaw ang kama at pinagpatuloy ko 'yon habang nakangiti sa tuwa ko. Inosente na, oo na.
Hindi ko na malayan na bumukas pala ang pinto.
"Weird," rinig kong sabi nito.
Napahinto ako at tumingin sa may pinto at nakita ang dalawang lalaki habang may hawak na isang tray. Napabangon ako bigla at tumingin sa kan'ya na parang walang nangyari. Nahiya ako bigla.
"Oh, kumain ka na." Inabot niya sa akin ang hawak nitong tray.
Ngumiti ako. "Thank you po."
Kahit hindi pa sila nakakaalis ay mabilis kong kinain ang binigay nilang pagkain ko. Nagugutom na kasi ako at hindi pa ako kumain dagdag pa ang pagod ko na palakad lakad kanina.
"Mukhang hindi nga pinili nila Joseph ang babaeng kinuha nila," rinig kong wika ng isang lalaki.
"Oo nga e. Ang weird niya. Sigurado bang payag si boss diyan?"
"Hindi ko alam... tara na."
Hindi ako huminto sa pagkain ko dahil nga gutom ako kahit gano'n pa ang naririnig ko. Ako na ang hindi maganda, ako na rin ang weird. Ano pa ba? Tanggap ko naman iyon e, pinagpalit nga ako ng asawa ko sa isang napakagandang babae, mayaman, magaling magdala ng damit at sexy.
Nang matapos na ako kumain, sakto naman na may kumatok sa pinto. Ano na naman ba ang kailangan nila? Pero minsan natatakot din ako na baka biglang may gawin sa akin ang mga tao rito lalo na ang tinatawag nilang boss. Nakakatakot ang dating niya lalo kapag tumingin na ito.
"Hi?" bati sa akin ng isang napakagandang babae.
Nakasuot siya ng light blue na pantalon na medyo maluwang sa kan'ya at sweatshirt na kulay maroon habang may suot siyang puti na shoulder bag. Nakasapatos siya ng puti.
Nilapag ko ang tray na may plato at baso sa may gilid sa may lamesa malapit sa kama. Inayos ko ang upo ko nang tuluyan na nga siyang pumasok sa loob kuwarto.
"I'm Leilani, but you can just call me, Lei." Ngumiti siya ng matamis sabay lahad niya ng kamay niya.
Lei? Parang narinig ko na ang pangalan niya.
Mabilis akong tumayo at pinunasan ang kamay ko sa suot kong damit sabay ngiti. "Ako si Katrina."
"Oh, Katrina... can I just call you kat?"
Tumango ako. "Oo naman po."
"Can I sit here?" tanong niya sabay turo sa isang single chair na kulay itim na nakaharap sa may kama.
"Oo naman po, hindi naman po sa akin 'yan," awkward kong sagot.
Mahina siyang natawa sabay upo niya. "Umm... ako ang kapatid ni Maxene... Maxene Iverson. Kuya ko siya."
Tumango-tango ako habang nakangiti. "Ah ikaw ang kapatid niya."
Tumango rin siya at ilang saglit lang ay tumayo siya ay lumapit sa akin dito sa may kama. Umupo siya sa may kama kaya magkatabi na kami. Medyo naiilang ako. Ang ganda kasi niya tapos ang bango pa, kumusta naman ako?
Napaatras ako sa gulat nang bigla niyang hawiin ang buhok kong nasa mukha ko kaya napangiti siya.
"It's okay, kailangan ko kasing gawin 'to," wika niya.
"B-bakit?" Nagtataka akong tumingin sa kan'ya.
Hindi siya sumagot sa akin at parang sinusuri ang mukha ko pati na rin ang buhok ko. Wala akong kaalam-alam kung ano ang ginagawa niya kaya nababalutan ako ng pagtataka. Bigla na lang ba naman niya kasing sinuriin ang mukha ko at buhok ko.
"Tayo ka nga," utos nito.
Para akong robot na agad na tumayo nang sabihin niya iyon. Pinaikot niya ako kaya sinunod ko naman siya kahit hindi ko alam ang gusto talaga niyang ipagawa sa akin.
"Hmmm..." Tumango-tango siya. "Okay."
Umupo na ako matapos niya akong suriin. "A-ano po ba iyon?"
"Inutusan ako ni kuya ko rito para suriin ka. He told me that I should make you over... It is extremely important to him that I make you look gorgeous for the special event that is happening at night."
"Kailangan pa po ba 'yon?"
"Of course! Malalaman mo rin naman bukas kung bakit." Ngumiti siya. "By the way, huwag ka na mag 'po' sa akin... mukhang magkasing edad lang naman tayo?"
"Twenty eight na ako," nakangiti kong saad.
"Oh... twenty seven naman ako. Isang gawat lang," natatawa niyang sagot. "Basta huwag ka na mag 'po' sa akin, okay?"
Tumango naman ako sabay ngiti.
"Tara? Tapos ka na ba kumain?" tanong nito sabay tingin sa tray.
"Oo."
"Tara, labas muna tayo. Mag-bonding muna tayo kahit isang oras lang bago matulog... okay lang ba sa'yo o inaantok ka na?"
Umiling ako. "Hindi pa naman."
"So, let's go?" Nakangiti siya ng matamis sabay lahad niya ng kamay.
Hinawakan ko naman ang kamay niya habang nakangiti. Magkahawak ang kamay namin habang palabas ng kuwarto na tinutuluyan ko hanggang sa makababa kami. Madami pa rin lalaking nakatayo sa paligid ng bahay lalo na sa may pinto.
Dumiretso kami pumunta sa may likod ng mansion na ito kung saan ang malaking swimming pool. Naupo kami sa parang mini bar na nasa labas din katapat ang pool. Nagkaupo ko naman ay parang may napansin akong may nakatingin sa akin. Napatingin ako sa may swimming pool at doon ko lang napansin na may dalawang lalaki palang nakatayo sa may dulo ng pool na nakalublob sila.
Nakita ko ang tinatawag nilang boss na nakapatong ang dalawa niyang kamay sa taas habang nakalublob ang katawan niya at ang isa naman ay nakatayo lang na nakatingin sa amin. Hindi ko sure kung sa amin ba talaga o assuming lang ako?
Ilang segundo lang ay muli na silang nag-usap at dahil malabo sila sa amin hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila.
"Here." In-slide ni Lei ang isang baso ng margarita sa madulas na bar counter papunta sa akin.
"T-thank you, pero hindi kasi ako familiar sa lasa ng inumin na ito... alam ko lang na margarita ito dahil nakikita ko lang dati."
"Masarap 'yan, try it," aniya habang nakangiti. "Doon tayo." Tinuro niya ang dalawang upuan na may bilog na puting lamesa.
Agad naman akong tumayo at kinuha ang isang basong margarita at kahit siya ay may hawak din.
Ang pwesto namin ngayon ay nakaharap na kami sa may pool.
"Curious lang ako paano ka napunta sa sitwasyon na ito? Kilala mo ba si kuya?" nagtataka niyang tanong.
Umiling ako. "Hindi. Bigla na lang kasi akong kinuha ng mga tauhan niya at dinala rito para raw gawin nkyang girlfriend niya ng isang gabi... no'ng una nga e ayaw talaga ng boss nila na ako ang gawin niyang girlfriend niya kasi 'yon nga... hindi naman ako kagandahan."
Nanlaki ang mga mata niya. "Sinabi niya 'yon?"
Tumango ako sabay ngiti ng pilit.
Huminga siya ng malalim. "Pagpasenyahan mo na siya, ah? Gano'n talaga siya at saka hindi kasi siya interesado sa babae o sa love kaya gano'n na lang siya magsalita."
"Okay lang naman e, tanggap ko naman. Pinagpalit nga ako ng asawa ko sa magandang at sexy," nakangiti kong wika.
"T-teka lang... naguguluhan ako, sandali." Napahawak siya sa noo niya. "M-may asawa ka?"
"Oo, kakahiwalay lang namin kanina. Wala akong mapuntahan kaya palakad lakad ako at doon ako nakuha ng tauhan ng kuya mo."
Bigla siyang nag-pout. "I'm so sorry... hindi ko na sana in-open ang topic na ito."
Umiling ako. "Okay lang."
"Sakit, takot at gulat ang nararamdaman mo ngayong gabi kasi itong gabi ka nakipaghiwalay sa asawa mo tapos heto... nandito ka sa sitwasyon na ito," nalulungkot niyang wika.
"Oo nga e... pero okay lang din naman kasi may pera naman akong makukuha kapag nagawa ko ang mission ko bukas ng gabi."
Tumango siya. "Kaya mo 'yan! Malalagpas mo rin 'to... makaka-move on ka rin at makakahanap ka rin ng lalaking magmamahal talaga sa'yo ng totoo. Buti nga at nakipaghiwalay ka na sa kan'ya, hindi ka niya deserve! Basta laban lang!"
Napangiti ako. "Thank you, ah? Wala talaga akong mapagsabihan ng problema ko pero buti na lang nandito ka... ang sarap pala sa feeling kapag nalalabas mo mga hinanakit mo."
Hinawakan niya ang likod ko at sinumulan niyang haplusin ito. "No problem."
Na-distract kami nang marinig namin ang pagbagsak ng tubig sa may semento kaya napatingin kami sa direksyon kung saan nanggagaling ang ingay na iyon.
Nakita kong umahon na si Maxene at Ethan. Naunang umahon si Maxene at halos mapatulala ako sa kan'ya nang makitang naka-half naked lang pala ito at nakita ko ang maganda niyang katawan habang tumutulo ang tubig sa kan'yang katawan. Nakayuko pa nga itong umahon.
"H-hello?"
Napaiwas ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Lei at winagayway ang kamay niya sa may harap ko. Mabilis akong uminom ng margarita.
"Napapatula ka kay Kuya Max?" gulat nitong tanong.
Todo iling naman ako. "H-hindi ano."
Mahina siyang natawa sabay hawak sa balikat ko. "Well, hindi naman na bago 'yan... hindi lang ikaw ang napapatulala sa kan'ya lalo na kapag nilabas na niya 'yang pinakatinatago niyang abs! Pero ingat ka lang sa kan'ya, okay? Delikado siya... Isa siyang dangerous mafia boss."
Natigilan ako nang tama nga ang hinala ko sa kan'ya... sa kanila. Isa siyang mafia boss! Ano na ang gagawin ko? Tama pa nga ba ang naging desisyon ko?