Ilang hakbang na lang sana ay makakaabot na ako sa pinto kaso mabilis itong sinara at sakto namang napadulas ako kaya heto, nahalikan ko na naman ang sahig. Hays! Pati ba naman dito?
Parang ayaw ko pa ngang tumayo sa hiya ko dahil ang daming mga lalaking at isa pa ang sakit na rin ng katawan ko dahil kanina pa ako palakad lakad dagdag pa ang pagkadapa ko rin kanina.
Walang kumilos kahit isa man lang na lalake para tulungan ako kaya mas nakakahiya iyon.
"Help her, Maxene."
"Huh? Why should I?" Halata sa boses niya ang pagtataka nito.
"Because she will be your girlfriend... I mean, she will be your girlfriend for one night. You should take care of him for tomorrow night."
"I don't like her. Why are you forcing me?" Ramdam ko ang pagkairita niya.
Mabilis akong tumayo sa pagkakadapa, masakit man ang katawan ko kinaya ko dahil katulad nga ng iniisip ko kanina, walang tutulong sa akin kundi ang sarili ko.
"Sana tinanong niyo rin po ako kung gusto kong maging girlfriend niya ng isang gabi," lakas loob kong wika.
"You're not allowed to talk," seryosong sambit niya na tinawag sa pangalan na Max... Maxene.
Sa natatakot niyang tingin ay napatikom ako kaagad ng bibig ko. Grabe nakakatakot siya.
"Puwede po bang pakawalan niyo na ako?"
Umiling ang lalaki na ang pangalan ay Ethan. "No, you will stay here until tomorrow night... after the party."
"Really?" Gulat siyang tiningnan ng lalaking mukhang mafia... o baka naman mafia nga siya?
"Max, isipin mo ang sinabi ko. Wala na silang mahahanap na babae na alam nilang gusto mo sa mga oras na ito kahit pa bukas."
Huminga siya ng malalim sa pagkadismaya niya. "Yeah, you're right. I have no choice but to keep her. Fine."
Umiling ako. "Pakawalan niyo na lang ako... please?"
Tila ba'y wala silang narinig at patuloy lang ang dalawa sa pag-uusap at ang mga lalaki naman dito ay nakatingin lang ng diretso.
Tumakbo ako sa pinto at pinipilit iyon bukas. Ginagamit ko na nga ang katawan ko para makawala pero kulang hanggang sa pigilan na ako ng ilang lalaki na nandito sa loob at doon lang ako natigilan.
Sa pagod ko ay napaupo na nga ako... hindi ko rin namamalayan na tumutulo na ang luha ko at natuloy na nga iyon sa pag-iyak ko. Hindi ko alam pero naiiyak ako ngayon, hindi ko naman naiisip ang nangyari no'ng mga nakaraan na araw at kanina pero naiiyak ako.
Naaawa ako sa sarili ko... hindi ko na nga kapiling sila mama pati ang kaibigan ko tapos ganito pa ang nangyari sa akin. Niloko na nga ng asawa, hindi na nga pinili tapos na kidnapped pa ako.
Pinipilit ko ang sarili ko na hindi umiyak ng malakas kaya halos singa na lang ang naririnig at konting tunog lang na nanggagaling sa akin. Wala na akong pake kung anong isipin nila sa akin, nalulungkot ako at nasasaktan ako dagdag pa ang takot na nararamdaman ko.
Sa pag-angat ko ng ulo ko na sakto pang nakaharap ako sa dalawang lalaki na nasa may harap. Kita ko ang tingin nila sa akin. Pagtataka at gulat ang naghahalo sa tingin nila sa akin.
Agad ko na lang pinunasan ang luha ko gamit ang palad ko. Wala na rin naman na akong mapapala kung umiyak ako ng umiyak ngayon e. Hindi na magbabago 'yong oras na niloko niya ako at iba ang pinili niya... pero itong sitwasyon ko ngayon wala akong ideya kung papakawalan pa ba nila ako o hindi na. Ayokong mag-stay dito na kasama sila.
Nang mabawasan ang awkwardness, muling nagsalita si Maxene na mukhang leader o boss nilang lahat ng lalaking nandito.
"The six men who I had given the order to look for a girl and appear as my girlfriend for one evening only came forward," walang emosyon na sambit nito.
Napatingin lang ako sa kan'ya. Ang hot niyang tinitingnan.
Unti-unti namang naglakad ang anim na lalaki. Ngayon ko lang nakita ang mga hitsura nila dahil sobrang takip na takip sila kanina ng itim na tela sa kanilang mukha para hindi sila makilala. Dahan-dahan pa nga silang naglalakad sa harap at parang nag-aalangan.
Nakayuko silang pumunta sa harap at nakatalikod sila sa amin. Naupo naman si Ethan at pinanood ang mangyayari. Wala akong ideya.
"I told you to find a girl you know I like... do you think I like her?" seryosong tanong nito sa anim. Ako ang tinutukoy nito. "Ni hindi niya makuhang ayusan ang sarili niya... tapos siya ang gusto niyong gawin kong girlfriend sa special party?"
"Pasensya na po talaga, boss," paumanhin ng isa habang nakayuko pa rin.
Ang sakit din niya magsalita ah. Alam ko naman na hindi ako kagandahan pero huwag naman na ipamukha... naaalala ko lang kung bakit ako pinagpalit ng asawa ko sa iba.
Tumalikod ito at pumunta sa may maliit na table kung saan siya nakapuwesto kanina habang nakatalikod nang papasukin nila ako rito. Parang may kinuha ito sa drawer.
Mas naging alerto ang anim na lalaki na nasa harap. Habang naglalakad ito pabalik, doon ko nakita ang hawak niya... may hawak siyang baril at parang ini-slide ang mga daliri niya doon at parang pinaglalaruan habang nakatingin doon.
Sobra na akong natatakot. Napakadelikado rito pero wala akong maisip na paraan makaalis dito dahil punong-puno ito ng mga lalaki na mga nakaitim at malalaki ang mga katawan. Wala na nga akong kawala.
Lumapit ito sa isang lalaki na nasa unahan. Nakapila kasi silang lahat sa harap nito. Lumapit siya at mabilis kong tinakpan ang mga mata ko nang dumikit siya doon. Ayaw kong makasaksi ng ganito.
"Argh!" daing nito.
Napasilip ako at nakita ko naman na palipat na siya sa katabi ng unang lalaking nilapitan niya at lahat sila ay may dinadaing na sakit na parang galing sa kanilang tiyan.
Napatakip ako muli ng mga mata gamit ang mga kamay ko at may konting space lang ang dalawang daliri ko para makita ko pa rin ang nangyayari.
Nang matapos na siya ay halos mapayuko na nga ang anim na lalaki. Umatras siya at binaba ang hawak niyang baril kanina lang.
"Pasalamat kayo dahil iyan ang ginawa ko sa inyo... because somehow I'm still thankful because you somehow brought a woman here," wika nito.
Hindi sila sumagot at ramdam ko ang takot nito. Ano pa ba ang kaya niyang gawin? Napaling ako... ayoko nang malaman pa. Sa hitsura, pananalita at sa kinikilos niya para siyang tao na napakadelikado.
"Leave!" bulalas nito.
Muli silang nataranta at kan'ya kan'yang umalis sa kinatatayuan nila at lumabas na nga sa kuwarto na ito. Pagkatayo ko naman para makalabas na rin ay bigla naman itong nakasara. Nawawalan na ako ng pag-asa para makaalis dito.
"Ikaw," rinig kong sabi nito.
Dahan-dahan akong napatingin sa kan'ya.
"Come here. I want to talk to you."
Umiling ako. "No, gusto ko nang makaalis dito kaya please lang palayain niyo na ako."
Tinagilid niya ang ulo niya habang nakapikit ito at pagkatapos no'n ay huminga siya ng malalim. "Drag her here."
Bigla na lang may lumapit sa akin na dalawang lalaki at mabilis akong hinawakan sa braso at kinaladkad katulad ng utos ng lalaking ito at pinunta nila ako sa harap niya. Pinilit na rin nila akong makaupo sa harap nito. Naiwan naman silya sa aking likuran.
"Pakawalan niyo na ako..." pagmamakaawa ko.
"I will release you when you have completed your mission with me," saad nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Be my girlfriend for one night. I will give you half a million, and then I will release you."
Para akong na bingi sa sinabi niya. Gagawin niya akong girlfriend ng isang gabi at bibigyan niya ako ng kalahating milyon? Tama ba?
"K-kalahating milyon?" hindi ko makapaniwalang tanong.
Tumango siya. "Yes."
Napakaganda ng offer niya at hindi ako makakatanggi doon. Kailangan ko nang pera para makahanap ng matutuluyan ko at malaking pera na iyon para mapauwi ko na si mama para magkasama na kaming dalawa. Sa totoo lang, kailangan ko ng nanay na makakausap ko lalo na sa mga problemang dumadating sakin. Napakahirap ng sitwasyon ko.
Hindi na ako nagdalawang isip at talagang papayag na ako. Hindi ko alam kung tama ba itong papasukin ko pero sobra akong nagulat sa offer niya kaya hindi ako makakatanggi doon.
Tumango ako. "Sige, papayag po ako."