Kidnapped

1874 Words
Hila hila ko ang dalawang maleta habang naglalakad ako. Wala na masyadong taong nasa labas at ilan na rin ang mga kotseng dumadaan. Hindi pa naman masyadong gabi pero wala nang katao-tao ngayon. Napatingin ako sa paligid ko at napansin ko na wala na ngang tao tanging ako lang. Natatakot man ako pero wala akong magawa, wala naman akong pera para mag-stay muna sa murang matutuluyan, wala rin naman kasi akong mapuntahan. Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon. Ako lang talaga ang nag-iisa, tanging sarili ko na lang ang makakasama ko talaga. Patuloy pa rin naman ang pagbuhos ng mga luha ko. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa sa akin ni Gio. Akala ko okay kami pero hindi pala. Ilang minuto na akong palakad lakad at wala pa rin akong mahanap na matutulugan ko. Nagbabalak na nga akong matulog sa gilid ng kalsada e kahit na delikado at nakakatakot, wala naman akong choice. Iyong tao kasi na pinagkatiwalaan ko, minahal ko ng sobra at inaakala kong tutulungan ako hanggang dulo ay may iba nang gustong makasama at hindi na ako iyon. Masakit pa rin talaga sa tuwing naiisip ko 'yon. Akala ko nga e mapapabago ko pa ang isip niya na ako pa rin ang pipiliin niya pero nagkakamali ako. Kaysa naman makita ko silang dalawa araw araw, umalis na lang din ako kaysa araw araw lang din akong nasasaktan. Habang naglalakad pa rin ako sa walang katao-taong lugar at ilan lang ang dumadaan na sasakyan, biglang may humintong kulay itim na van. Malaking van ito at mukha pa nga itong mamahalin. Napahinto rin ako sandali at napatingin pero agad ko rin naman iniwas iyon at muling naglakad. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng van pero hindi ko na lang pinansin iyon. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang biglang may nagtakip ng bibig ko sabay buhat sa akin. Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaki na nakatakip ang buong mukha at tanging mata lang nito ang nakita ko. Malaki rin ang kan'yang katawan na never akong makakawala sa pagkakahawak niya sa akin pero todo piglas naman ako at nagbabaka sakaling makawala ako. Mas lalong hindi na nga talaga ako nakapalag nang ipasok niya na ako sa itim na van kung saan siya nakasakay kanina. May inabot ang isa niyang kasama na nakaupo sa passenger seat at nakita kong itim na panyo. Pagkatanggal niya sa panyong pinangtakip sa bibig ko ay iyong inabot naman sa kan'ya na itim din na panyo ay siya naman ang pinalit sa pagtakip sa bibig ko kasama ang ilong ko. Unti-unti akong nahihilo. Umiikot na ang paningin ko at bago pa tuluyang magsara ang mga mata ko, nakita ko ang loob ng van. May mga ibang lalaki pa ang nakasakay dito... hindi ko lang alam kung ilan sila pero katabi ako sa magkabilaan at syempre ang driver at ang lalaki sa passenger seat. Maririnig pa akong boses ng lalaki sa likod ko kaya wala akong idea kung ilan sila. Tuluyan na ngang pumikit ang mga mata ko sa pagkahilo at ramdam ko ang pagtulo ng mainit kong luha. NAGISING ako nang makarinig ako ng mga boses ng mga lalaki at parang binubuhat ako. Hindi ko na muna minulat ang mga mata ko dahil alam ko ang nangyari kanina, at sa takot ko na rin. Hindi ko alam kung sino ang mga ito. Natatakot ako at kinakabahan ng sobra. "Gising niyo na 'yan," sabi ng isang lalaki. "Nandiyan na ba si boss?" rinig ko pang tanong ng isa. "Oo, kanina pa siya nakauwi. Mukhang wala nga sa mood e," sagot ng isa na sa matikas na boses. "Naku! Tara na!" wika ng isang nagsalita na parang nataranta pa. "Miss? Miss?" Ramdam ko ang tapik sa akin sa balikat ko. "Miss gising ka na. Miss!" Napasigaw na nga ang isa at bakas sa boses niya ang kaba. Dahil hindi tumitigil ang pagtapik sa akin sa balikat ko dahan-dahan ko nang minulat ang mga mata ko kahit na sobra akong natatakot. Nakita ko ang daming lalaking nasa paligid nakasuot silang lahat ng itim. Nang mapansin nilang gising na ako ay dahan-dahan naman akong binaba ng lalaking may buhat sa akin. "S-sino kayo? A-anong kailangan niyo?" nauutal kong tanong sa kanila dahil sobrang takot ko. Hindi sila sumagot at basta na lang akong tinulak para maglakad pero hindi ako naglakad kaya may dalawa lalaki na malalaki rin ang katawan na hinawakan ang magkabilaang braso ko at hinila ako. "Pakawalan niyo ako! Wala kayong mapapala sa akin! Wala akong pera!" bulalas ko at halos maiyak na ako. "Tulong! Tulungan niyo ko!" "Pwede bang manahimik ka! Walang tutulong sa'yo dito dahil wala naman kabahay bahay dito!" bulalas ng lalaking nasa right side ko na hila hila ako. "Tulong!" walang tigil kong sigaw kahit na sinabi nitong walang tutulong sa akin. "Patigilan niyo 'yan baka mas lalong mawalan sa mood si boss," sambit ng isang lalaki. "Manahimik ka na!" Hindi pa rin ako tumitigil dahil gusto kong kumawala sa kanila. Pinagpapawisan na rin ako. Bakit ganito? Ganito pa ang sinapit ko. Kinuha ako ng mga lalaking hindi ko naman kilala. Ang lalaki ng mga katawan nila. Gusto kong umiyak ng malakas dahil halo halo na nga ang nararamdaman ko. Sakit, kaba at takot... ang bigat na sa dibdib parang hindi pa ako makahinga. "Shut up!" sigaw ng isang lalaki sa napakalalim na boses. Doon ako natigilan. Nakita ko ang isang lalaking nakatalikod sa amin. Nakasuot siya ng all black... black na leather jacket at black pants. Hindi ko pa makita ang mukha niya pero nakatingin siya sa sliding window. Nakita ko rin na may isang lalaking nakaupo sa isang single chair na mukhang malambot at itim din iyon. Nilibot ko ang paningin ko at nasa isang kuwarto kami na may mahabang lamesa na rectangle na mukhang babasagin pa at mahahabang couch na itim din pero may isang single chair sa pinakadulo. May nakita rin akong counter bar na ang dami mga alak na mukhang mamahalin pa. Bakit halos lahat e itim? "Siya?" tanong ng lalaking nakaupo. "Opo," sagot ng isang lalaking may hila sa akin kanina. Ngumisi naman 'yong lalaking nakaupo. Parang 'yong pag ngisi niya parang nakakaloko pa e. Nagtataka na akong Patingin-tingin sa dalawang lalaking may hawak pa rin sa braso ko. "Ano ba 'to? Pakawalan niyo na ko," pagmamakaawa ko. Nilakihan ako ng mata ng lalaki sa left side ko sabay lagay niya ng daliri niya sa kan'yang labi. "Shh!" Sa pagtingin ko sa lalaking nakatalikod ay siya naman itong dahan-dahan humarap sa amin habang may hawak na isang baso ng old fashioned cocktail. Halos mapanganga na ako sa taglay niyang kagwapuhan. Brown ang buhok niya na naka-brush up, may bigote at balbas siya pero hindi makapal, sakto lang talaga. Napansin ko rin ang mapula pula niyang labi. Ang makakapal niyang kilay napakaganda. Ang seryoso niyang tingin ay mas naging seryoso at kumunot na rin ang noo niya. "What's that? Puwede ba 'yan?" "P-pasensya na po, boss... wala na po kasi kaming makitang babae na naglalakad ng gabi at siya lang una namin nakita kaya at malapit na kaming lumagpas sa oras na binigay niyo sa amin... kaya siya na po ang kinuha namin," nakayukong sagot ng lalaking nasa gilid ng lalaking may hawak sa braso ko sa right side. Anong meron? Mas lalo akong naguguluhan. Natawa siya sabay slide niya ng mga daliri niya sa baba niya. "Seriously? Nagpapatawa ba kayo?" "S-sorry boss," sabay sabay nilang wika. "Bring her back and find another girl!" bulalas niya at ang mga tama niya ay biglang nanlisik. Mas lalo akong natakot. "Y-yes, boss." nauutal nilang wika. Hindi ko alam ang nangyayari kaya para akong t*nga na patingin tingin sa kanila. Wala akong kaalam-alam sa pinag-uusapan nila. "Wait!" rinig kong sigaw. Napahinto sila sa paghila muli sa akin palabas ng kuwarto na ito at sa pagharap nila ay pati ako ay napaharap. Tumayo ang lalaking nakaupo lang kanina. "Mukhang okay naman siya," wika nito at tumingin sa lalaking nakatayo. "Pagtiyagan mo na lang siya." Hindi siya makapaniwalang tiningnan ang lalaking nagsabi nito at ilang segundo lang ay bigla siyang natawa. Nababaliw na ba 'to? Pero ang gwapo ah. "Even you will make me laugh? Can you hear what you're saying? I will make that girl my girlfriend in front of my family and other people. Look at her, Ethan." Napatingin naman sa akin ang Ethan tinawag niya. "Hindi naman siya maganda, maganda lang ang pangangatawan niya. Ang panget!" inis niyang wika. Napaatras ako sa sinabi niya. Grabe ah! Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapatingin sa sarili ko kaya napayuko ako. Alam kong hindi ako maayos na umalis ng bahay kanina dagdag pa ang stress at pag-iyak ko. Oo, haggard na ako. Grabe! Pinamukha pa sa akin? "Magagawan naman ng paraan 'yan... we can ask your sister, Lei, to help." Umiling siya sabay baba niya ng baso sa babasagin na lamesa. "No, I don't like her." Biglang tumahimik nang tumalikod siya mulia at ilang saglit lang ay sumigaw siya. "What else are you doing?! Find another girl! Make sure na magugustuhan ko para sa pagpapanggap!" Bigla silang nataranta lalo na ang may hawak sa akin sa braso. Simula kanina ay nakahawak pa rin sila sa akin. Nang alam ko nang lalabas na kami ng kuwarto ay napangiti ako ng pasimple. "Sandali lang po, hindi niyo na po ako kailangan hawakan pa kaya ko naman po maglakad," nakangiti kong wika. Hindi sila sumagot at nakatingin lang sa akin. Napansin ko na napatingin muli sa direksyon namin ang masungit na lalaki. Confident akong naglakad para makalabas na ako sa kuwarto na ito pero ang totoo niyan ay kinakabahan pa rin ako dahil hindi ko naman talaga alam ang susunod na gagawin nila, sana nga ay ibaba na lang nila ako at umalis na sila kaagad. Mabuti na lang talaga ay hindi pumayag ang lalaking iyon na ako ang gagawin niyang girlfriend, psh! Mabuti na lang talaga. Nakahinga ako ng maluwag. No'ng sinabi nga niya iyon ay mas lalo pa akong kinabahan. Nakabukas na ang pinto na kanina lang ay sinara nila pagkapasok namin kaya unti-unti na ako nagiging okay. Malawak ang kuwarto na ito kaya hindi pa ako nakakalabas nang muling may marinig akong nagsalita. Ano na naman ba ito? "Really, Max? Naisip mo na ba na bukas na 'yon? If you start looking now, they won't be able to find a girl that you like because it's already late. Kung bukas naman ay napaka-imposible, especially since there will be a lot of people outside." Bakas sa boses niya ang pagkairita. "Bakit kasi hindi mo na lang siya pagtiyagan? It's just one night, and then it's over." Sa narinig ko ay muling bumalik ng t***k ng puso ko, muli na naman akong kinabahan ng sobra katulad nang nararamdaman ko kanina. Heto na naman ang kaba at takot. Pasimple akong napatingin sa mga lalaking nandito sa loob ng kuwarto at naisip na mabilis na tumakbo tutal nakabukas na ang pinto. Huminga ako ng malalim at ginawa ko ang best ko para makatakbo ng mabilis para makalabas ng kuwarto na ito. "Ready, go," bulong ko sa sarili ko at mabilis na tumakbo. "Stop her!" rinig kong sigaw. Kailangan kong makalabas dito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD