"Hey! Wake up! Ipagluto mo kami ng makakain," rinig kong utos sa akin ng isang babae.
Babae? Sino naman ang babaeng gigising sa akin? Wala naman si mama at Erin dito. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi at iniisip na sana panaginip lang ang lahat ng iyon. Inaasahan ko na sa pagmulat ng mga mata ko ay okay na okay pa kami ni Gio at walang ibang babae kundi ako lang.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Gio na nakatingin sa akin kaya unti-unti akong napangiti dahil naisip ko na panaginip nga lang ang lahat. Bumangon ako kaagad at akmang yayakapin siya nang biglang may sumulpot na isang babae. S-si Sofia.
So totoo pala ang lahat... umasa pa naman ako.
"Anong nangyari sa mata mo?" tanong ni Gio sa akin pero wala nang bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Ano pa nga ba? Malamang umiyak 'yan, hindi na niya siguro makaya 'yong ganitong sitwasyon lalo na ako ang pinili mo," nakangiting sagot ni Sofia.
Nilapit ni Gio ang mukha niya sa akin at napaatras ako. "Kung gano'n... puwede ka nang umalis. Kagabi pa kita pinapaalis 'di ba? Bakit ba ayaw mong umalis ah?"
"Alam mong wala akong mapupuntahan at mahal kita syempre hindi kita kayang iwan," sagot ko habang kinakabahan.
Napatawa si Gio at iniwas ang tingin niya na parang hindi pa makapaniwala at nakita ko rin na naiirita na ito.
"Hoy!" Hinawakan ni Sofia ang magkabilaang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay. "Hindi pa rin ba malinaw sa'yo na ako na ang mahal niya, ako ang pinili niya at sa akin siya masaya... kung ano man ang masasayang nangyari sa inyo dati, wala na 'yon, kinalimutan na ni Gio at kami na mismo ang bumubuo ng panibagong masasaya naming moments." Tiningnan niya ako ng taas baba. "At saka... hindi mo man lang maayusan ang sarili mo, hindi ka pa ba kung bakit ano ang isa pang rason ni Gio kung bakit ka niya pinagpalit sa akin?" Tinaas niya ang dalawa niyang kilay sabay tingin niya sa suot niya na mukhang mamahalin.
Totoo naman ang sinasabi niya e, kung sa pananakit, sa pag-ayos ng sarili at sa hitsura walang wala ako sa kan'ya pero bakit gano'n? Bakit hindi marunong si Gio sa meron ako? Hindi ko naman siya pinapabayaan as in inaalagaan ko naman siya ng maayos pero kulang pa pala? Really? Hindi ako makapaniwala.
"That's enough, magluto ka na ng umagahan para makapasok na kami sa trabaho," ani Gio sabay akbay kay Sofia at lumabas.
Mukhang parang wala na rin kay Gio kung makita sila ng ibang tao na may kasama siyang iba. Tuluyan na nga siyang nahulog kay Sofia, mukhang wala na akong magagawa kundi tanggapin na lamang ang sitwasyon ko ngayon. Mananatili na lang ba akong martyr?
Inayos ko na muna ang unan at kumot ko dito sa sofa bago magluto ng umagahan. Hindi ko alam bakit napapasunod nila ako... siguro nga mahal ko lang talaga si Gio na parang binabalewala ko na lang 'yong mga maling ginagawa niya dahil umaasa pa rin naman ako na sa akin pa rin siya babalik.
Hindi ko kayang sumabay sa kanilang kumain pagkatapos ko magluto kaya pinauna ko na sila at nang matapos na sila kumain at nag-ayos na sila para makaalis na kanina ko pa hinihintay.
"Umm... wait," saad ni Sofia. Lumapit siya sa akin at bumulong. "Remember no'ng sinabi mo sa akin sa tagaytay na huwag kong pagurin si Gio, right? Sorry, napagod kaming dalawa... we enjoyed the two nights together."
Tumingin siya sa akin at ngumiti ng matamis at masayang lumapit kay Gio at kumapit sa kan'yang braso. Napailing na lamang ako at naupo sa lamesa at napansin ko na ang kalat.
Huminga na lamang ako ng malalim at saka kumuha ng makakain ko. Halos hindi ko pa manguya ng maayos ang kinakain ko dahil naiiyak na naman ako sa tuwing naalala ko ang pinaggagawa nila.
Sa huli pinilit ko na lang talaga kumain at ubusin ang natirang pagkain para kahit papaano ay malakas ako sa paglinis ng bahay at lalo na makapag-isip pa ako ng maayos.
Naglinis lang ako ng buong bahay at pagkatapos no'n ay napaisip na lang ako bigla habang nagpapahinga dito sa sala.
"Tama pa ba na manatili ako rito? Kaya ko pa ba ang ginagawa sa akin ni Gio? Hanggang kailan ba ako matitiis?" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa kisame.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko, naghahalo ang galit at pagmamahal ko kay Gio. Mahirap ang ganito lalo na kung biglaan, wala pa naman akong makausap at mapuntahan. Si Gio lang kasi ang naging tangi kong sandalan sa tuwing may problema ako pero ngayon, hindi ko na siya masandalan... nakakalungkot lang napakasakit sa dibdib.
Hindi ko naman masabihan si mama dahil mag-aalala lang 'yon sa akin at si Erin naman ay busy at malamang ay tulog pa iyon baka makadagdag din ako sa iintindihin niya kaya mas mabuti na lang tayo na itago ko sa sarili ito.
Wala naman ako masyadong ginawa sa bahay katulad ng mga nakaraan na araw. Feeling ko nga ay pagod na pagod ako lalo na sa kaiisip ng gagawin ko. Ilang oras na lang din ay darating na si Gio galing trabaho, siguro iyon na rin ang chance ko para masuyo siya at baka bago pa ang isip niya. Gagawin ko talaga ang best ko para mabago ang isip niya... Ayaw ko talang mahiwalay sa kan'ya e.
Nagluto ako ng paborito niyang ulam bago siya umuwi. Inayos ko na rin ang lamesa at pagkatapos no'n ay hinintay ko na lang siyang dumating. Ilang saglit lang din ay narinig ko na muli ang motor niya pero hindi na ako nag-abala pang sumilip sa bintana katulad ng ginagawa ko dati.
Hinintay ko ang pagpasok niya at sa pagpasok niya ay bigla akong ngumiti pero napawi rin kaagad nang makita ko ulit si Sofia sa kan'yang likod sabay hawak sa kamay nito.
"Hi! Miss me? Nandito ako ulit. Gusto kasi ni Gio na dito ako ulit matulog e," nakangiti niyang sambit.
"Hindi naman kailangan pa sabihin 'yan sa kan'ya. Just don't mind her," sagot naman nito.
"G-gio, ano 'to? Akala ko ba kagabi mo lang siya papatulugin dito pero bakit nandito pa siya?" Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.
"Wala ka nang pakialam doon. Ako ang may-ari ng bahay na ito kaya gagawin ko lahat ng gusto ko. Pasalamat ka at hindi pa kita kinakaladkad palabas ng pamamahay ko," irita niyang sagot.
Napansin ko na gustong-gusto ni Sofia ang naririnig niya at bakas iyon sa mukha niya.
"Bakit kasi hindi ka na lang umalis dito? Kung ayaw mong nakikita ako dito... Hmmm, paano ba 'yan? Mukhang lagi na ako dito." Ngumiti siya ng nakakaasar.
"Alam mong hindi 'yan," umiiling kong sagot.
"Puwede ba Katrina huwag mo simulan ngayon baka hindi ako makapagpigil at palayasin na kita sa pamamahay ko! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala kang karapatan dito at ako ang may-ari kaya ako ang masusunod!" bulalas niya.
Hinaplos-haplos ni Sofia ang likod ni Gio at sinandal ang ulo niya sa balikat nito. "Chill, babe... hayaan mo na siya, huwag kang magpaka-stress sa babae na 'yan. Don't worry tatanggalin ko ang stress mo mamaya," aniya sabay halik sa pisngi ni Gio.
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanila at hindi na ako makapagsalita pa. Na-speechless na ako. Tinulak ako ni Gio nang uupo na sila sa lamesa para kumain kaya napatingin na lang ako sa kanila. Kinuha naman ni Gio ang plato at baso na dapat ay para sa akin, inilagay niya iyon sa harap ni Sofia.
"Thank you, babe! Ang sweet mo talaga." Bakas sa boses nito ang pagkakilig.
Hindi ko na sila matiis... siguro ito na nga ang araw para umalis na ako sa pamamahay na ito. Napaisip kasi ako na... ano? Araw araw na lang ba akong gaganituhin ng dalawa? Lalo na sinabi pa ni Sofia na baka dito na siya lagi. Naaawa na ako sa sarili ko.
Habang kumakain sila pumunta ako sa kuwarto at kinuha ko ang dalawang maleta na nasa itaas ng pa ng cabinet namin. Kinuha ko lang ng mga damit at gawin ko at pinasok iyon lahat sa mga maleta ko... mga luma na ang mga gamit ko pero kung hindi ko naman ito kukunin, wala akong masusuot kaya kinuha ko na rin talaga kaysa magtira pa ako ng gamit ko dito sa bahay ng manlolokong lalake na ito.
Nang makuha ko na lahat ng gamit ko, mabilis akong lumabas ng kuwarto at dahil sa kamamadali ko, tumama ang maleta sa gilid ng pintuan kaya napadapa ako. Nasa ibabaw ako ng maleta at nahulog din sa gilid dahilan para mapatingin sa akin ang dalawa.
Tumawa ng malakas si Sofia at napahinto pa sa pagkain niya. "Ano ba 'yan! Aalis ka na nga gumawa ka pa ng eksena!"
"Sure ka na ba diyan?" tanong ni Gio.
"Don't tell me na pipigilan mo siya?" Nag-pout pa si Sofia.
"Of course not. Never!"
Dahan-dahan akong tumayo kahit na ang sakit ng katawan ko sa pagkakadapa. Tinayo ko ang maleta na natumba rin kanina at muli itong hinila at huminto sa harap nila.
"Gio, makikipaghiwalay na ako sa'yo. Hindi ko na kaya itong sitwasyon natin ngayon, masyado na akong nasasaktan," wika ko habang si Gio ay patuloy lang sa pagsubo na hindi pa tumitingin sa akin. "Manloloko ka! Bagay kayo ng babae mo."
Narinig ko ang pagngisi niya at binaba ang hawak niyang kutsara at tinidor. "Mabuti naman at na-realize mong wala ka nang lugar dito sa bahay ko, mabuti naman at aalis ka na. Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataon na ito." Tumingin siya sa akin.
"I'm sorry, Katrina, ako ang pinili e." Binigyan niya ako ng nakakaasar na tingin. "Bye!"
"Hayaan mo siya, huwag mo nang pansinin 'yan," sabi ni Gio. Hinawakan niya ang kamay ni Sofia para hindi na nga ako tiningnan nito.
Ang bigat sa pakiramdam. Nang makalabas na ako ng bahay, huminga ako ng malalim. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta, wala pa akong hawak na pera. Cellphone at gamit ko lang ang dala ko. Madilim na rin. Tumingin ako sa oras ng cellphone ko at malapit na mag 8pm.
Bahala na kung saan ako mapadpad basta ang mahalaga makaalis lang ako sa bahay na ito. Tama nga na lumayas na ako doon.