Maling mali

1821 Words
Isang araw na ang nakalipas at mayamaya lang ay pauwi na si Gio. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon, parang feeling ko kasi alam na niya ang lahat, pero bakit kasi ako ang nakakaramdam ng ganito? Siya ang may maling ginawa pero ako pa rin talaga ang kinakabahan at natatakot. Sobra akong nalulungkot at nasasaktan pero hindi ko siya maiwan iwan. Wala pa naman akong mapagkuwentuhan sa mga problema ko ngayon. Down na down na rin ako pero wala akong choice kundi itago na lamang sa sarili ko ang sakit at tiisin. MAKALIPAS ang tatlong oras narinig ko na ang motor niya kaya sinilip ko na ito kaagad sa binata at nang makompirma ko na siya na nga iyon, naupo ako muli sa sofa at nanood. Act normal. "Katrina!" rinig kong sigaw niya. Bumilis amg t***k ng puso ko at biglang napatayo sa sigaw niya. Iyong sigaw niya na galit na galit. Padabog niyang sinara ang pinto. Nang makita niya ako sa sala mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilaang pisngi ko dahilan para mapisil niya ang labi ko. "How dare you! Akala ko ba hindi ko malalaman kung ano ba talaga ang pinunta mo sa tagaytay! Pumunta ka doon para huliin ako, right?" galit niyang sambit. Umiling ako. "Nasasaktan ako," wika ko. Mas diniin niya pa iyon. "Ano? Nakuha mo na ang sagot, ha? Nalaman mo na?" Hindi ako makasagot dahil sa pagpisil niya sa magkabilaang pisngi ko habang nakahawak ang dalawang kamay ko sa kamay niyang nasa pinsgi ko at pilit na tinatanggal. "Yes! I'm cheating on you! May babae ako!" bulalas niya sabay padabog niyang binitawan ang kamay niya. Hindi ko namamalayaan na tumutulo na pala ang luha ko at agad ko iyon pinunasan. "B-bakit? A-anong ginawa ko para lokohin mo ako?" nauutal kong sagot. "You're not enough, Katrina. Hindi mo binibigay sa akin ang pangangailangan ko, tatlong taon na tayong kasal pero hindi pa rin maibigay sa akin iyon dahil ayaw mo pa, tapos ngayon tatanungin mo ako kung bakit? Hindi mo ako masisisi." "Dahil doon nagloko ka? Puwede mo naman sabihin sa akin 'yon at puwede ko naman ibigay sa'yo hindi 'yong maghahanap ka pa ng iba," hagulgol ko. Sa pagkakataon na ito ngayon ko lang naiilabas ang sama ng loob ko sa kan'ya. "Si Sofia mismo ang nakakapagbigay ng pangangailangan ko at hindi ikaw. Mas nararamdaman ko ang alaga niya kumpara sa'yo, tingnan mo naman hitsura mo ni hindi mo pa nga maayusan, wala ka naman ibang inaalagaan, hindi ka nagtatrabaho at naglilinis ka lang naman dito sa bahay," naiinis niyang sagot. "Puwede pa naman natin ayusin ito 'di ba?" Ngumiti ako at bakas sa tono ng boses ko ang pagkadesperada ko. Umiling siya. "Mukhang hindi na." Sa pagkadesperada ko tinanggal ko ang anim na butones ng dress ko at binuka iyon. "Hindi ba ito ang rason mo? Oh heto ibibigay ko sa'yo basta huwag mo lang akong iwan, Gio... please." Todo iling siya. "I'm sorry, Katrina pero buo na ang desisyon ko, mas pipiliin ko si Sofia kaysa sa'yo. Mahal ko na siya." Sunod sunod na patak ng luha ko ang naramdaman ko. Ang sakit. Lumapit siya sa akin at siya na mismo ang nagbutones ng dress ko. Muli siyang umatras at tiningnan ako ng seryoso. "Ayoko na... matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'yan pero dahil alam mo na ang totoo ito na rin ang pagkakataon." Umiling ako. "Hindi, ayoko. Huwag mo akong iwan, Gio. Alam mong ikaw lang ang kasama ko ng ilang taon. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag iniwan mo ako," hagulgol ko. "Hindi mo mapipilit ang nararamdaman ko, Katrina. Ayoko na sa'yo at ang totoo niyan limang buwan na kami ni Sofia, hindi mo alam 'di ba?" Ngumiti siya. "Ano? Gusto pa rin ba manatili sa akin matapos ang lahat ng ito? May babae ako, niloloko kita." Muli akong umiling. "Ikaw lang gusto kong makasama kaya please lang ako na lang ang piliin mo kaysa sa kan'ya." Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. Bigla niyang hinablot ang buhok ko sa may batok ko at binigyan niya ako ng galit na tingin. "Bakit ba ang kulit mo ah? Hindi na kita mahal! Nagtitiis na lang ako sa'yo! Hindi pa ba sapat sa'yo 'yan para pumasok sa isip mo na iwan ako ha?" Hindi na ako makasagot dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko halos mapaupo na lang muli ako sa sofa habang todo punas ako sa luha ko. "Oh nakalimutan ko, may kasama pala ako... total alam mo naman na." Napansin kong lumabas siya. Mayamaya lang ay pumasok siya kasama ang babae niya na si Sofia habang nakaakbay pa ito sa kan'ya nakangiti pa siya ng matamis. Ang kapal ng mukha niya para mapuntahan pa ito dito sa bahay. "Ayaw mong umalis? Paano ba 'yan... she will sleep here tonight," wika nito. Napatayo ako sa gulat. "A-ano? Hindi mo puwedeng gawin 'yan! Bahay natin ito!" sigaw ko sa inis. "Bahay natin? Baka nakakalimutan mo, bahay ko ito... binigay ito ng nanay ko para sa akin at hindi sa atin. Wala kang karapatan dito." "Kasal pa tayo kaya hindi ako papayag na papatulugin mo siya dito!" Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko todo daing ako sa sakit. "Wala ka nang magagawa, bahay ko ito kaya gagawin ko lahat ng gusto ko. Kung ayaw mong umalis dito, bahala ka." Tinalikuran niya ako at muling pinuntahan si Sofia at muli itong inakbayan. Binigyan ako ng matamis na nakakaasar na ngiti ni Sofia pero wala akong magawa dahil kay Gio. Pinanood ko na lamang silang umalis sa harap ko at dumiretso naman sila sa kuwarto namin ni Gio. Pabagsak akong napaupo ulit at muling naiyak. Ang lakas ng loob nila. Matagal na rin pala nila akong niloloko wala man lang ako kaalam alam, ang akala ko pa ay bago lang ito pero tumagal na pala sila ng limang buwan. Akala ko okay lang kay Gio na hindi ko pa nabibigay ang gusto niya dahil iyon naman ang sinasabi niya sa akin at ang sabi niya ay hihintayin niya ako hanggang sa maging ready na ako pero biglang naghanap ng iba... kaya pala no'ng mga nakaraan na buwan hindi na niya ako nakukulit dahil nabibigay na pala ng iba sa kan'ya ang gusto niya. Ang sakit lang sobra. PAGSAPIT ng 8pm nandito pa rin ako sa bahay. Wala pa ako sa sarili ko na umalis dito dahil parang gusto ko talaga na manatili dito lalo na wala naman akong mapuntahan. Tanging si Gio lang din naman ang nakasama ko ng ilang taon. Naghanda ako ng makakain namin at inayos na rin ang lamesa. Naglagay lang ako ng dalawang plato katulad ng ginagawa ko noon. Mayamaya lang ay lumabas na si Gio kasama ang babae niya. "Kain na tayo," sabi nito kay Sofia. Ngumiti ito ng matamis. "Sige." Pagkaupo ni Gio sa lamesa napansin niyang dalawang plato ang nandoon. Sa pwesto ni Sofia kung saan siya umupo ay doon walang plato. "Bakit dalawa lang? Hindi mo ba nakikita na tatlo tayo dito?" masungit na tanong ni Gio sa akin. "Pasensya na," sagot ko sabay kuha ko ng isa pang plato at baso at nilagay sa harap ni Sofia. Para akong manhid na hindi ko man lang inisip ang sarili ko sa ganitong sitwasyon... paano ba naman kasi mas pinapairal ko pa rin ang gusto kong makasama si Gio kahit na may kasama pa kaming isa. Habang kumakain kami hindi ko maiwasan na hindi masaktan sa nakikita ko, napaka-sweet nilang dalawa at mismong sa harap ko pa. Nagsusubuan pa silang dalawa. Parang wala silang nakikita kundi silang dalawa lang. Hindi na nila ako nirespeto. Nalaglag ang tinidor ni Sofia kaya natigilan ito at napatingin sa sahig kaya ako ay tinuloy pa rin ang pagkain ko. "Katrina, right? Puwede mo bang kunin 'yong tinidor ko? Nalaglag kasi," utos niya. Kunot noo ko siyang tiningnan. "Hindi mo ba kayang kunin? Nasa baba mo lang." Hinawakan niya ang kamay ni Gio dahilan para samaan ako ng tingin nito. "Kunin mo na." Naghanap pa ng kakampi. Tss! Nagpatulong pa. "Bakit ko kukunin? nasa baba lang naman niya," wika ko. Nakarinig ako ng tunog na parang nagasgas ang sahig. "Oh ayan, nasa baba mo na kaya pulutin mo na at iabot mo sa akin." Tumingin ako sa sahig at nakita kong nasa ibaba ko na nga. Talagang sinipa niya pa ito papunta sa akin para akong pumulot. Tiningnan ko si Gio at matalim ang tingin niya sa akin kaya wala na akong nagawa kaya pinulot ko iyon at mahinhin na binigay kay Sofia. "Thanks." Ngumiti siya na may halong pang-aasar sabay irap pa niya. Wala akong magawa hindi ako makaangal kay Gio, ayaw ko ng ganitong set up pero paano ang gagawin ko e ayaw ko siyang iwan at wala rin akong mapuntahan. Hindi rin ako ready na maghiwalay kami kahit sobrang sakit na. Pagkatapos kumain ay ako na rin mismo ang nagligpit habang sila ay masayang nanonood sa sala ng tv. Ilang oras lang ang nakalipas pumasok na sila sa kuwarto, at syempre sa sala ako matutulog. Kasya ako sa sofa pero medyo masikip lang kaya hindi ako makakagalaw ng maayos dito pero wala akong choice. Huminga ako ng malalim bago nahiga at habang kinukuha ko ang tulog ko na halos paikot ikot na ako dito sa sofa, nakarinig ako ng ingay mula sa kuwarto. Naimulat ko ang mga mata ko habang nakatingin sa pinto ng kuwarto. Hindi ko namamalayan na bumangon ako at pinapakinggan ang ingay na nanggagaling doon at dahil hindi ako mapakali tumayo na ako at dahan-dahan naglakad papunta doon. May pumasok na bigla sa isip ko kung anong nangyayari sa loob pero patuloy pa rin ako sa pagpunta doon. Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto at hindi ko naman inaasahan na bukas iyon kaya napasilip ako. Bumilis na naman ang pintig ng puso ko na halos sumikip pa ang dibdib ko sa nakita. Muling tumulo ang luha ko. Nakahubo't hubad silang dalawa. Si Gio ay nakahiga sa kama na pabaliktad kaya hindi niya ako nakikita at habang si itong si Sofia naman ay nakapatong sa kan'ya. Nakita niya ako kaya mas lalo pang lumakas ang ungol niya habang nakatingin sa akin at nakangiti. Medyo natakip sa dibdib niya ang kumot na feeling ko alam niyang sisilip ako. Patuloy pa rin siya sa pagtaas-baba sa ibabaw ni Gio kahit si Gio ay napapaungol na rin habang nakahawak sa beywang ni Sofia. Napatakip ako ng bibig kasabay nang paghalik ni Sofia kay Gio. Dahan-dahan ko pa rin sinara ang pinto ng kuwarto at ayaw ko nang makita pa iyon. Nanginginig ako sa galit lalo na sa sarili ko. Bakit ko sila hinahayaan? Wala akong lakas ng loob. Sa sobrang sakit parang hindi na ako makapag-isip ng dapat kong gawin Napaupo na lamang ako sa sahig habang nakatakip ang bibig para mapigilan ang tunog ng pag-iyak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD