So much pain

1692 Words
Nagbabalak akong sumunod sa kan'ya sa tagaytay. Hindi ko alam ang pumapasok sa isip ko ngayon. Gusto ko siyang sundan pero hindi ako magpapakita sa kan'ya. Alam kong buong-buo na sa isip ko na niloloko talaga niya ako pero parang gusto pa rin patunayan na totoo ang lahat. Alam kong hindi mga ka-workmates ang kasama niya kundi ang mistress niya pero kahit gano'n ay gusto ko pa rin makasiguro. Ewan ko ba. Nandito na ako ngayon sa bus stop habang may hawak akong isang medium size na travel bag na pagmamay-ari pa ni mama noon. Ilang minuto pa ang nakalipas at nakasakay na rin ako sa bus. Gabi na at wala akong ideya kung anong oras ba siya aalis at saan sila mag-stay kaya napagdesisyunan kong tawagan siya. Ring... Ring... "Babe... I mean, hon?" sagot nito. Napangisi ako sa aking narinig. "Hello, hon Nakaalis na ba kayo?" "Oo, mga 10 minutes na kaming nagbabyahe. Pasenya ka na hindi ko na nasabi sa'yo, nagmamadali kasi kami," wika nito. "Okay lang naman, huwag kang mag-alala. Umm... puwede ko bang malaman kung saan kayo papunta ngayon?" Medyo kinabahan ako sa tanong ko sa kan'ya dahil baka magduda siya. "I-text ko na lang sa'yo mamaya, okay?" Agad niyang pinatay ang tawag. Huminga ako ng malalim sabay tingin ko sa bintana kung saan ko nakikita ang mga tanawin. Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Gio ang nag-text sa akin at ang nilalaman no'n ay kung saan sila pupunta. Hoping na sana nga hindi na naman siya magsinungaling ngayon kung saan sila pupunta. Kahit papaano ay naniniwala pa rin ako sa kan'ya kaya doon ako pupunta sa sinabi niya. MAKALIPAS ang dalawang oras na byahe, nakarating na ako sa lugar na sinasabi niya. Hotel ito at mukhang mamahalin pa. So meaning dito sila mag-stay ng dalawang gabi? Wala akong sapat na pera kaya hindi talaga ako makakapag-stay dito. Nagdala dala pa ako ng travel bag ko e hindi naman pala ako magtatagal dito. Pumasok ako sa hotel at naupo sa may lobby nila. Hindi ko alam kung nandito na ba sila pero mananatili pa rin ako dito sa lobby. Muling tumunog ang cellphone ko. Nag-send ng picture ang magaling kong asawa na nakarating na sila sa place, ang mismong hotel lang ang pinicturan niya. Kakarating namin. From: Honey Totoo nga ang location nila na sinabi niya sa akin. Mabuti na lang. Hindi na ako nakapag-reply dahil mas nag-focus akong hanapin silang dalawa. Mukhang nasa labas pa sila kaya tinalasan ko talaga 'yong mata ko para makita sila. Madami rin tao dito pero hindi pa rin ako nakakasiguro kung makikita niya ba ako dito o hindi. Tinaas ko ang cellphone ko para magamit kong pang takip sa mukha ko. Habang nakatingin ako sa may main door ng hotel nakita ko na agad si Gio na naunang naglalakad na may hawak na medium size rin na travel bag habang nakasunod sa kan'ya ang babae niya. Hanggang sa mapahinto siya at nilahad ang kamay niya habang nakatingin sa babae at agad naman iyon hinawakan ng babae at napakangiti ng matamis. Kinikilig sa asawa ng iba? Dumiretso sila sa may front desk para mag-check in. Sinusundan ko lang sila ng tingin. Hindi ako makatayo. Hindi ko kayang sugurin silang dalawa lalo na laging nasa isip ko ang relasyon naming dalawa ni Gio. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin o saan ako mapupunta kung magkasiraan na kami. Hindi ako handa sa kung anong mangyayari. Parang gusto ko na lang lumuhod sa kan'ya at sabihin na hiwalayan niya ang babae niya at ako ang piliin niya. Mukhang tapos na sila mag-check in dahil umalis na sila sa front desk at nakita kong sumakay na sila sa elevator. Alam kong hindi ako basta basta makakapasok sa kuwarto nila kaya heto, maghihintay na lang ulit akong lumabas sila. Walang kasiguraduhan kung anong oras sila lalabas pero alam ko naman na lalabas pa sila kung hindi pa sila kumakain. Medyo inaantok na rin ako, pero hindi talaga ako uuwi hangga't hindi pa sapat ang mga nakita ko. Makalipas ang 20 minutes habang papikit pikit ako, napansin ko ang babae ni Gio na naglalakad sa may lobby kaya hindi ko na inalis ang tingin ko sa kan'ya at mayamaya lang din ay nakasunod na sa kan'ya si Gio. Napatingin pa siya sa paligid nila kaya mabilis akong yumuko at nagkunwaring kinakalikot ang cellphone ko. Nang iangat ko na ang ulo ko nakita kong palabas na sila sa hotel na kanina ko pa hinihintay. Nakaakbay pa siya sa babae at ang babae naman ay nakapalibot ang kamay niya sa beywang ng asawa ko. Parang naninikip ang dibdib ko... masakit makita na sa mismong sarili kong mga mata ko nakikita ang panloloko niya sa akin. Hindi lang ako makapaniwala. He treat me so well na kahit kailan ay hindi ko man lang naisip na sasaktan niya ako ng ganito. Akala ko okay kami, hindi naman pala. Tumayo na rin ako at pasimple silang sinusundan. Ang sweet nilang tingnan na kahit ang sweetness sa akin ni Gio ay nalagpasan. Hindi ko lang maiwasan na i-compare ang sarili ko sa babaeng kasama niya. Napakalayo. Wala na rin kasi akong time para maasikasuhin ang sarili ko. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko man lang naisip na nag-iba ang direksyon ng lakad nila. Muli silang bumalik at sakto pang nasa likod lang nila ako at walang ibang tao kaya pagkatalikod siguro nila ay nakita nila ako kaagad. Nakayuko rin kasi ako kanina habang nag-iisip. Inangat ko ang ulo ko, nakita ko kung gaano kagulat ang mga mukha nilang nakatingin sa akin. Napatingin din kaagad ang babae niya sa kan'ya at kahit ako ay nagulat. Hindi ko alam ang gagawin ko pero mukhang ito na ba ang pagkakataon na harapin ko sila? Susubukan kong lakasan ang loob ko. "H-hi..." kinakabahan kong wika na may pa-wave pa ako ng kamay sa kanila habang nakangiti ng peke. "A-anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Gio. Napatingin ako sa kamay niyang nakaakbay sa babaeng kasama niya at nang mapansin niya iyon ay mabilis niyang tinanggal. Pasimple akong napangisi. Mabilis akong nag-isip ng palusot ko sa kan'ya. "Ah... nandito ako para kitain si Erin." Kumunot ang noo niya. Erin? Hindi ba wala siya dito?" "I mean... Iyong kapatid Erin. Yes, 'yong kapatid ni Erin ime-meet ko ngayon dahil may pinapadala raw ito," pagsisinungaling ko. Nag-aalangan pa nga siyang tumango. "Gano'n ba? Sige." Tumingin ako sa babaeng kasama niya. "S-sino siya?" Tiningnan siya ni Gio habang ang babae ay nakatingin din sa kan'ya. "Katrabaho ko siya." "Bakit kayo magkasama?" inosente kong tanong. "Kami kasi ang bibili ngayon ng mga pagkain namin. Iyong mga ibang kasama namin napagod sa byahe kaya ayon nakatulog na kaagad at kami naman ay gising pa naman kaya kami na lang ang bumili," pagsisinungaling niya. Tumango ako. Inilahad ko ang kamay ko. "Nice meeting you." Ngumiti rin siya at nag-aalangan na tumingin kay Gio at itong si Gio naman ay pasimpleng tumango na akala naman niya ay wala akong alam. "Nice meeting you too." Inilahad din niya ang kan'yang kamay. Pinagmasdan ko siya at talagang napakaganda niya. Bigla akong na-insecure. Malayong-malayo ako sa kan'ya kay naman pala mas gugustuhin pa ni Gio na siya ang makasama niya kaysa ako. No'ng nagsalita na si Gio ay doon ko naman tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay ng babae niya. Hindi ko alam ang pangalan at parang wala na rin akong pakialam tungkol doon. "Na-meet mo na ba ang kapatid ni Erin?" tanong nito. "Oo," tipid kong sagot. "Uuwi ka na rin ba niyan?" tanong niya muli. Halatang pinapauwi na ako. "Oo pauwi na rin ako niyan... umm, puwede bang mag hello sa mga kasamahan niyo?" nakangiti kong saad. Umiling si Gio. "Hindi na, hindi na kailangan at saka tulog na rin sila." "Oo nga pala." Napakamot ako sa ulo ko. "Puwede ko rin bang maitanong kung bakit nakaakbay ka sa kan'ya?" Tumingin ako sa babaeng katabi niya. Parang nagulat pa nga itong babae na napatingin sa akin. Natagalan siyang sumagot. Para siyang nag-iisip ng palusot niya. Nakatingin lang ako sa kan'ya habang hinihintay ang sagot niya pero deep inside medyo kinakabahan na ako. Tumingin siya sa relo niya. "Late na? mahaba pa ang byahe mo. Umuwi ka na. Isara mo lahat ng pinto at bintana." "B-bakit mo ba ako pinapauwi na?" lakas loob kong tanong. "Katulad ng sinabi ko, gabi na." Naging seryoso ang tingin niya sa akin. Wala na akong magawa at feeling ko ang dami ko nang alam at nakita ko na rin sila magkasama ng ilang beses kaya okay na ako. Buo na talaga ang loob kong niloloko niya ako. "Sige, uuwi na ako. Ingat na lang kayo," wika ko habang nakangiti. Nilapitan ko si Gio at niyakap ito at naramdaman ko naman ang ulo niya na lumingon at alam kong lumingon siya sa babae niya. Naramdaman ko rin ang kamay niya sa likod ko. Pakitang tao ba. Kunwari walang ginagawang mali. "Ingat ka," saad niya. Tumango naman ako at kumalas sa pagkakayakap. Tumingin ako sa babae at ngumiti siya ng matamis sa akin. Nilapit ko ang labi ko sa tenga niya. "Huwag mo siya masyadong pagurin," bulong ko sa inis. Pagkatapos no'n ay sinalubong ko rin siya ng matamis na ngiti habang siya ay napawi ang mga ngiti niya sa labi. Gulat siyang nakatingin sa akin na parang kinakabahan na kaya napatingin sa kan'ya si Gio. "Bye, hon!" nakangiti kong paalam at tumango lang siya. Naglakad na ako papalayo sa kanila. Napawi rin kaagad ang ngiti ko sa mga labi kanina. Para akong nanghina pagkatapos ko silang harapin. Iyong matapang ko kanina ay napalitan din kaagad ng kaba. Alam kong sasabihin no'ng babae kay Gio ang sinabi ko sa kan'ya kaya malalaman na rin nila na alam ko kung anong namamagitan sa kanilang dalawa. Patulo ang pagpatak ng luha ko sa mga mata ko. Naiinis pa ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang makuhang magalit kay Gio dahil mas pinipili ko pa rin ang samahan naming dalawa. Niloloko na nga ako pero mas pinipili ko pa rin isipin ang pagsasama namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD