"Boss, nandito na si Sir Marco." Sabay sabay kaming tatlong napatingin sa right side namin kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Nakita ko ang isa sa tauhan ni Sir Maxene na nakatayo at diretsong nakatingin sa kan'ya. "Okay," tipid na sagot ni Sir Max. Tumingin ito sa akin. "I'll go there first." Tumango naman ako na may pagtataka. May pagpapaalam na ang boss. Pagkaalis nito ay siya namang paghawak ni Lei sa balikat ko dahilan para mapatingin ako sa kan'ya. Sinalubong niya ako ng malalim na titig. Agad kong tinikom ang bibig ko dahilan para maningkit ang mga mata niya. "Hmmm... something fishy," wika nito. "Anong namamagitan sa inyo ni Kuya Max?" Umiling ako. "Wala." "Anong wala? Imposible naman na trip lang niyang gawin iyon?" Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "Like what

