Nanginig ang katawan ko nang sabihin niya iyon tanda na kinilig ako. Hinalikan niya muli ako sa noo ko habang nakahubad pa rin kami. "You should rest now," wika niya. Kinuha niya ang damit ko at inabot sa akin. Nagbihis na rin siya kaagad habang pinapanood ko siya. Ilang sandali lang ay lumabas na nga siya sa aking kuwarto. Ako na lang ang naiwan dito. Hindi na ako nagsayang ng oras at inayos ko na ang damit kong suot kanina. Biglang nawala ang pagkahilo ko. Ang binabalak kong matulog na ay hindi naman natuloy dahil parang gusto ko pang bumaba sa labas. Nawala na rin kasi ang antok ko at alam kong hindi ko kaagad iyon makukuha. Habang patayo ako ay agad kong naramdaman ang sakit ng beywang, hita at ang aking pagkababae... mahapdi pero kaya ko naman i-handle, para nga talagang may na pu

