Kabanata 16

2099 Words
Troublemaker Malaki ang ngiti ko sa labi na nakatulog ng gabi na 'yon. I never thought I could be this happy that I feel like my heart will burst out. May mga kaibigan ako sa Cebu at masaya ako na naging parte sila ng buhay ko, but this is very different. It feels different. Being friends with Levi feels so different. I can't explain it… I'm just happy right now. Niyakap ko ang stuffed toy na fox na binigay sa’kin ni Kuya. I smiled as hugged it. "Kuya, I'm so happy right now. Levi and I are close now," bulong ko. Malapit na. Sobrang lapit na ng gusto kong mangyari sa aming dalawa. "I want us to be good friends, Kuya. Please, guild me and him," I whispered those words as I fell asleep. Nagising ako kinabukasan na maganda pa rin ang gising. I get myself ready for school. Pagkatapos ay bumaba sa unang palapag ng bahay at dumiretso sa kusina. I smiled when I saw Levi together with his parents. He also smiled when he saw me. "Good morning po, Tita, Tito," magalang na bati ko sa dalawa. "Good morning! Kumain ka na." "Opo..." I ate my breakfast. Nagpaalam ang parents ni Levi na mauuna sila sa kompanya nila kaya naiwan kaming dalawa. "Hey, after dinner, okay?" Levi said as he grabbed his bag. Sinukbit ko naman ang bag ko sa balikat bago tumango sa kanya. "Oo. Hindi ko nakakalimutan." He nodded as well. "Okay. Mauna ka ng lumabas?" "Yes. You'll ride your bike, right?" He smiled. "Gusto mo sabay na tayo pumasok sa school?" Nanlaki ang mga mata ko. "Aangkas mo ako?" "Pwede..." "Sigurado ka?" "Oo naman." Tumaas ang kilay ko. "Makikita tayong sabay na papasok sa school. You don't want people at school to know that we're living together, right?" I clearly remember his words that day. Noong una na ayaw niyang umangkas ako sa bike niya dahil ayaw niyang malaman ng mga kaklase namin ang tungkol sa pagtira ko sa kanila. I wonder why he changed his mind right now? "Oo nga, ayoko. People will start spreading rumors about us. Ayoko ng gulo." Ngumisi ako. "Wala naman tayong ginagawa..." Napangiwi siya. "Ayoko ng magulo sa buhay ko. Kung malaman nila, they will keep bothering us. Maganda na iyong nag-iingat. Mahirap na." Napatango na lang ako. Tama nga rin naman siya. Lalo na sa panahon ngayon. Ang ibang tao naniniwala na lang sa kung anong sabihin sa kanila, kahit na walang tamang ibidensya. I also don't want people to bother me. "Sige. Sabay tayo," pagpayag ko. "Kunin ko lang 'yong bike ko. Wait for me outside." Tumango lang ako bago lumabas sa bahay nila. Sa harapan ako ng bahay nila naghintay kung saan makikita mo ang malaking fountain. Minutes later, I saw him riding his bike. Huminto siya sa harapan ko. Umupo naman ako agad sa likod niya at hinawakan ang gilid ng bewang niya. Napangiti tuloy ako. "Sana palagi ka na lang mabait." He started paddling when he asked, "Why?" "Makakatipid ako ng pamasahe sa school kung sabay tayo palagi." "Dapat magpahatid ka kanila Mommy." Ngumuso ako sa likod niya. "Nakakahiya. Saka sobra naman ang binibigay sa akin na allowance nila Mama kaya okay na rin." "Ang sama mo rin. Pangatlo na kaya itong pagiging mabait ko sa'yo," aniya. Nagsalubong ang kilay ko at bahagyang tiningnan siya. Nakita ko lang ang gilid na mukha pero sigurado ako na nakangisi siya. "Pangatlo? Loko! The first one was you treated us during our community service. Wala pang isang linggo iyon. Pangalawa pa lang ito." Malabas na kami sa mansyon nila dahil nakikita ko na ang malaking gate nila sa unahan. Nakabukas na rin 'yon na parang alam na lalabas kami ni Levi. I heard him scoffed. "So, hindi counted iyong pagtanggal ko ng papel ng dis-oras ng gabi para lang wala ka nang gagawin kinubukasan?" Natigilan ako sa sinabi niya. Umawang ang labi ko nang ma-realized ang sinabi niya. He was the one who clean the wall on the 2nd day of our community service? Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw ang gumawa no'n?" "Sino pa ba? Nakakawa ka kaya. I was about to tell you the truth about my feet at that day kaso nauhan ako noong matanda at bago ko pa masabi sa'yo ang totoo, nalaman mo na dahil sa nangyari." Gumihit ang malaking ngiti sa labi. "Really?" "Yes, Astraea. So this is the third time already." "Thank you, Levi!" Nakangiti na sinabi ko sa kanya. He didn't reply but I know he was smiling. Hindi tuloy nawala ang ngiti sa labi ko hanggang sa makalabas kami ng gate nila. And soon as we passed their gate, we stopped. Napakunot ang noo ko. "Hey. Why we stop?" Tanong ko kay Levi sabay tingin ulit sa kanya. I saw him with his eyes wide opened. Nasa mukha niya ang pagkagulat. Nagtataka akong tumingin sa harapan namin at halos malantang gulay ng makita sila Seren, Arthur, Lous, at Markus. Nakakrus ang mga bisig nila at naningkit ang mga mata na nakatingin sa aming dalawa ni Levi. Napangiwi ako at parang gustong magtago sa likod ni Levi. "What are you doing here?" Gulat na tanong ni Levi. "So, you two are really living together?" It's Markus. Nakagat ko na lang ang labi. "Ano bang meron? Magkapatid kayo sa ibang magulang?" Dagdag pa ni Arthur. "Sira! Anong magkapatid ang sinasabi mo?" Sambit ko. "E, bakit kayo nakatira sa iisang bahay?" Tanong ni Seren na seryoso. I sighed. Bumaba ako sa bike at hinarap sila ng maayos. Nandito rin naman na, sabihin na namin ang totoo. "Dito muna ako sa kanila nakatira habang nag-aaral ako sa CHU." I saw Louis nodded his head. "So, you two are not dating?" Nanlaki agad ng mga mata ko. "What? No!" Umiling ako ng maraming beses. "May dormitory sa CHU. Why not stay there instead?" Arthur asked this time. "Wala pang bakante noong dumating siya. My parents decided to took her in. Lalo na't magkaibigan ang mga magulang namin." "Your family has a friend's in Cebu?" Gulat na tanong ni Seren. Tumango si Levi. "Yes. In particular reason, Astraea's family helped our family." Umawang labi ni Seren sabay tumango. Napangiti ako dahil mukhang naintindihan na niya ang sinabi ni Levi. "Mabuti naman…" bumuga ng hangin si Arthur. "Akala ko magkapatid kayo, e." "Huh? Hindi!" Ngumisi siya. "Mabuti 'yon! You two suits together." Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Arthur. I heard Levi chuckled and just shook his head. "How did you know?" Levi asked. "My dad visited an old friend last night… just around here. Nakita ko kasi si Astraea na pumasok sa bahay niyo," sagot ni Markus. "Tapos sinabi niya sa amin," nakangiti na sinabi ni Arthur. Napailing na lang kami ni Levi. "Sabay-sabay na tayong pumasok." At iyon na nga ang nangyari. Levi bring back his bike to their house. Mga sumakay kami ng bus papunta sa school. Pagdating sa school, walang katapusan na aral ang ginawa namin. Sumabit ang lunch break namin sabay din kaming anim na lumabas ng room. While on our way to the cafeteria when I saw Kai. Papunta siya sa gawi namin. He was with his friends, I think. Apat silang lalaki. Ngumiti siya sa akin ng makita rin ako. "Astraea!" He called my name. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti rin at kumaway sa kanila. "Kai! Ginagawa mo sa building namin?" His smile didn't fade. "I'm here to you see." "Talaga?" "Oo. Titingnan ko kung anong room mo. Para mapuntahan kita." "Sa third floor kami. Room 207." "Oo nga raw sabi ng kaibigan ko. I was about to go to room." "Ah, break na namin. We're about to eat now. Gusto mong sumama?" Lumiwanag ang mukha niya. "Okay lang ba sa mga kaibigan mo?" Doon ko lang napansin na nakatingin sa’kin sila Levi. Para silang hindi makapaniwala na magkausap kami ni Kai. At hindi ko rin maintindihan bakit ganoon ang reaksyon nila. I looked at them. "Is that okay?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan silang lima na kinasalubong ng kilay ko. Seren look at me after. "Magkaibigan kayo ni Kai?" Tanong niya. "Yes," sagot ko. "Kailan pa?" Levi asked this time. "Noong isang araw lang. Nagkita kami sa school," si Kai ang sumagot sa kanila. "Oo. Iyon 'yong pinaghintay ako ni Trixie sa garden. I met Kai on that day." "E, 'di ba iyon iyong araw na hinabol ka ng guard, Kai?" Si Arthur ‘yon. Kai chuckled. "Yes..." "Si Astraea iyong kasama mong babae ng gabi na 'yon?" Tanong pa niya. Tumingin sa kanya ang lahat. "Paano mo nalaman?" "Nasabi sa’kin ni Daddy. Nakalimutan niyo yatang dean ang Daddy ko." Napahalukipkip ako sa sinabi niya. I saw Levi started at me with his blank eyes. "Kai, tawag daw ni coach!" Sigaw ng mga kasamang lalaki ni Kai. Ngumiti si Kai sa akin. "Sa susunod na lang." Tumango ako. "Sige..." Mabilis siyang tumakbo sa mga kaibigan at umalis. Tumingin naman ako sa mga kaibigan ko. "Kilala niyo rin si Kai?" Tanong ko. Louis scoffed. "Who wouldn't know him? He's the troublemaker in CHU." Umiling si Markus. "Halos lahat kilala si Kai. Kahit sa ibang strand." Natawa si Arthur. "Paano laging laman ng dean office." Umawang labi ko sa mga nalaman. I didn't know all about this. Hindi ko alam na totoo pala ang sinabi ko sa kanyang troublemaker siya noong gabi na nagkakilala kami. Natawa na lang ako. "Bakit, Astraea?" Seren asked. "Mabait si Kai…" ani ko sa kanila. Ngumuso si Arthur. "Astraea! Magkaaway ang basketball team ng humss at art class!" "Art class always looked down on us. Paano, when it comes to arts and sports, nangunguna sila palagi." Napakurap-kurap ako. "Talaga?" "Yes. Especially this upcoming club day. May basketball game. For sure they will win again this time." "Bakit? Magaling ba si Kai sa basketball?" "Magaling! Pero sa track and field siya kasama. Iyon ang forte niya." Parang kuminang mga mata ko sa nalaman. I love basketball too! My brother used to teach me how to play basketball. Hindi siya girly na laro pero magaling akong mag-basketball! Varsity captain kasi ang Kuya noon. Because of him while I love basketball. Mukhang magkakasundo talaga kami ni Kai. "Mabait naman talaga iyon si Kai. Sadyang palagi lang napapagalitan dahil pasaway," kumento ni Louis. I only smirked. Halata naman sa mukha niya, e. Sa tindig pa lang niya. He kinda look like a bad boy type. Tumingin ako kay Arthur. "Pasabi sa akin kung kailan ang basketball game." "Bakit? Sasali ka?" Si Levi ang nagtanong. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at nakita na nakakunot ang noo niya. Nagtataka siyang tumingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. "Oo, 'no? Didn't you know that I love basketball?" Tumaas ang kilay niya. "You play basketball?" "Hay, Levi, you'll see..." "I'm serious, Astraea? You play basketball?" "Of course!" Mayabang na sinabi ko. "Ayos! May babaeng maglalaro sa team natin kung sakali!" Nag-apir sila Markus at Arthur. Nakarating kami sa cafeteria at kumuha ng pagkain namin. Umupo kami at nagsimula nang kumain ng mapansin si Levi na nakatingin sa akin. Lumingon ako sa kanya. "Bakit?" "You really play basketball?" Mangha pa ring tanong niya. "Oo nga! My brother and I used to play basketball before." He smiled after. "Sasali ka sa try out para sa susunod na buwan?" "Oo, 'no! Bakit?" Umiling siya. "I like basketball too." Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga?" He nodded. "Yes. Kaso hindi naman ako makapaglaro noon dahil sa kondisyon ko. Instead, I just watching TV and enjoy myself watching my favorite team." Parang makaramdaman ako ng kurot sa puso. I couldn't imagine how he was living before. Dahil sa sakit niya sa puso, kalahati ng buhay niya ang nawala. I couldn't imagine how it hard for him fighting his own life. "Ngayon ba? Hindi ka pa pwedeng maglaro?" Tanong ko. Malungkot siyang ngumiti. "My doctor couldn't risk it. Maganda pa rin daw kung stay out of sports muna ako." "But if you're given a chance, you'll try to try?" "Malamang, Astraea. Gusto kong maranasan na maglaro ng mga gusto kong sports. But I couldn't do for it for now. I still have to make sure that my heart is okay." Ngumiti ako sa kanya sabay tango. Tama nga naman siya. Mas mahalaga ang kalusugan niya ngayon sa kahit sa anong bagay. I patted his shoulder after. "Don't worry. I'll make sure na makakapasok ako sa team natin tapos manonood ka ng laro." He smiled sweetly. "I definitely won't be going to miss it!" Kailangan kong makapasok sa team namin. Hindi ko pwedeng biguin si Levi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD