Kabanata 17

2177 Words
Curious Wala na yatang mas sasaya pa sa’kin nang araw na 'yon. Finally! Levi and I are finally friends now! At totoo na 'to! Sinong mag-aakala na magiging magkaibigan din kami pagkatapos ng mga kahihiyan na nangyari sa aming dalawa? Akala ko sobrang imposibleng maging magkaibigan kam, pero ngayon hindi na! All my effort is finally paid off. "Laki ng ngiti natin ngayon, a?" Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko si Kai na palapit sa pwesto ko. May practice kasi para sa basketball na magaganap sa susunod na linggo. "Levi and I are finally friends now, Kai! Sinong hindi matutuwa?" Excited na sinabi ko sa kanya ang lahat. Simula sa paglipat ko sa CHU hanggang ngayon. I just skip the real reason why I want to be friends with Levi but I know he will going to ask about it. "Bakit gusto mo siyang maging kaibigan?" Tanong niya tulad ng expected ko. I sighed. "Because of my brother," sagot ko. "Can I ask why?" Tumingin ako sa kanya. "Alam mo naman na may sakit sa puso si Levi noon, 'di ba?" Tumango siya. "Everyone knows about that." He got a point, though. Kilala ang pamilya ni Levi lalo na sa technology. Saavedra Software and Technology Corporation is the largest video games publisher in the country. Kilalang magaling na progammer ang Daddy at Mommy niya. Not also that, ang dami na nilang video games na sikat. Mapa-mobile games or computer games man 'yan, palaging kilala at malaki ang impact ng gawa nila. "My brother is his heart donor." Natigilan siya. Ngumit lang ako sa kanya at huminga ng malalim. "Kaya sobrang saya ko na magkaibigan na kami." "Hay…" suminghap siya. Muli akong tumingin sa kanya na nakakunot ang noo. "Ang lalim no'n, a?" "Ang swerte naman ni Levi. Ikaw pa ang naghahabol sa kanya para maging magkaibigan kayo! Kung ako 'yon, sa una pa lang, oo na agad." Natawa ako sa kanya. "Ganoon naman talaga ang nangyari, 'di ba?" He smiled. "Right! Hindi lang si Levi ang kaibigan mo. Nandito rin ako…" "I know. And I appreciate it, Kai." "Kung aawayin ka ni Levi, sa akin ka na lang." Malakas ako natawa sa sinabi niya. "Sira ka talaga!" He laughed and shook his head. "Parang ang sarap tuloy lumipat ng humss at maging kaklase ka." Napailing ako sa kanya. "Ang swerte pala ni Levi, ano?" I stared at him. "Bakit naman?" He sighed and look away. "He's got a good parents. A good life. Palaging nandiyan ang mga mahal niya sa buhay… tapos ikaw pa dumagdag sa buhay niya." Nagsalubong ang kilay ko sa mga sinabi niya. He's being serious… and sad at the same time. "What's wrong?" I asked him when I saw him smile weakly, kumirot ang puso ko. "Wala naman. I just realized how lucky Levi is. He got a friend like you." "Ang swerte niya, ‘di ba?" Biro ko. "Sobra pa sa sobra! Kung ako siya, wala na. Mahuhulog ako sa'yo." "Sira ka talaga!" Natawa siya sa sinabi ko. Napailing na lang ako ulit sa kanya. That's Kai. Sa lumipas na ilang linggo, mas maging close rin kami sa isa't-isa kahit na minsan lang kami magkausap dahil magkaiba ang building namin. But that doesn't change anything. Everytime we have time, we spent our time together. Minsan nililibre niya ako sa labas ng school. O kaya, minsan sa cafeteria. Kai is really a good friend. He makes things very easy for him. Siya iyong klase ng tao na papasayahin ka. And he's really a troublemaker but that doesn't change our friendship. Pasaway lang talaga siya and he makes things on his ways kaya siya palaging napapagalitan. He's indeed a bad boy type of a guy, but in reality? He's not. He's a good person. "Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko. Hinihintay ko lang sila Markus, Louis at Arthur kasama ng ibang teammates namin. Usually at this hour, kami na ang gagamit ng court ng school para mag-practice. "Nandito ka, e malamang nandito rin ako." "Iyong totoo, Kai! Sabado ngayon kaya dapat kami ang may practice sa court." He chuckled. "Ikaw nga ang dahilan bakit ako nandito." Inirapan ko siya. He just chuckled. "I have something to tell you," sagot niya pagkuwan. "Gaano 'yan kahalaga at pinuntahan mo pa ako dito sa school para sabihin?" "I will be the representative of CHU in track and field at Palarong Pambansa this year." My eyes widened. "Talaga?" Masaya siyang tumango. "Oo!" "That's great, Kai! Pag nagsunod-sunod 'yan baka sa susunod mabigyan ka ng chance na makapag-compete international!" I clapped my hands out of enjoyment. Kai is really good in sports too. Lalo sa track and field. I've watched some of his video competiting in division and regional. He's really excellent! Nakikita ko rin siyang mag-practice sa field ng campus namin. And he's also competiting this coming intramurals. Lumawak ang ngiti sa labi niya. "Ang galing ko, 'di ba?" "Oo, 'no!" Ngumisi siya. "Proud ka na naman sa’kin." "Malamang! Magaling ang kaibigan ko." He smile didn't fade. He stared at me softly. Nakangiti lang ako sa kanya. "Manood ka ng laro ko, a?" "Of course! Bakante na ang araw ko para sa laro mo." "I'm going to win the gold medal and give it to you." I scoffed. "Para sa'yo'yon." "No. I will give it to you. Siguraduhin kong mananalo ako para sa'yo." Napalunok ako. I actually don't know what to say. Alam ko na hindi siya nagbibiro ngayon o kaya ay niloloko lang ako. He eyes is serious and promising. Nakaramdaman tuloy ako ng hiya dahil sa tingin. I smile at him and bit my lips awkwardly. "Then make sure you'll get the gold medal. Ibebenta ko, kasi sabi nila totoong ginto raw 'yon," dinaan ko na lang sa biro. Tumawa siya. "Hindi kaya. International daw ang may halong ginto." Natawa rin ako. Tumingin ako sa sa court kung saan kung wala pang tao. From my peripheral vision, I saw him still looking at a me attentively. I could my feel my cheeks starting to burn. Hindi na lang ako nagsabi ng kung ano para hindi maging awkward ang momentum. "Good luck sa club day," aniya pagkuwan. I chuckled and looked at him. "Handa na ba kayong matalo ngayong taon?" Natawa siya ng malakas. Napasimangot na lang ako sa reaksyon niya. But I couldn't help but smile too. At least nawala ang nararamdaman ko. "Ang lakas ng fighting spirit mo, a?" "Talaga! We've been practicing so hard." "Kami rin kaya! I heard you're really good." Nagkibit lang ako ng balikat. "Wala, e." Parehas kaming natawang dalawa. We talked for a while until my teammates came. Nagpaalam siya agad at nagsimula na rin kami sa practice namin. Si Markus ang team captain namin. Naging maganda ang practice namin tulad ng mga nakaraang linggo. Nang matapos, agad akong pumasok sa bathroom ng mga babae at doon naligo. I went to my own locker after and grabbed my dirty clothes. Pagkatapos ay umuwi rin ako agad dahil gabi na rin. Magre-review din kami ni Levi. Tuloy-tuloy ang pag-aaral namin ni Levi. May mga kailangan pa akong aralin lalo na sa oral communication at general mathematics. "Sundin mo lang din itong formula na ginawa ko kanina. I'll give you ten minutes to answer one question at the time. Then I'll check it after." Tumango ako sa kanya. Muli kong kinuha ang papel at sinagutan iyon tulad ng sinabi niya. Seryoso ako sa pagsagot sa papel at binigay din ulit 'yon sa kanya ng matapos ako. "Pa-check kung tama na ang sagot ko..." He nodded and check it. I stared at him while he's busy checking my paper. His brows were frowned and he's very serious. Napangiti ako. Malaki ang tulong ni Levi sa mga ginagawa namin. Sa mga dumaan na quizzes sa nagdaang linggo, tumaas ang mga score ko ng kalahati. Nag-angat siya ng tingin. "Tama na. Palagi mo lang tatandaan iyong formula. Huwag kang malilito." Napanguso ako. "Nakakalito siya minsan." He chuckled. "Ganoon talaga. To remember those formula, try to right it down. Tapos aralin mo lang ng aralin. I'll help you with it if you're still can't remember." "Okay. Pero maganda pa rin kung bibigyan mo ako ng mga questionnaires. Mas naiintidihan ko lalo pag ini-explain mo ng maayos sa akin." He smiled. "Okay, then I will give you more questionnaires tomorrow. Aralin mo iyong mga tinuro ko sa'yo tapos bukas ng gabi pagpatuloy natin 'to." Tumango ako. "Sige. Thank you, Levi." "Wala 'yon." "You're really good in math. Nasundan mo ang Mommy at Daddy mo." His lips twist. "Maybe. Bata pa lang kasi ako nakikita ko na sila Mommy at Daddy sa pag-encode ng games na ginagawa nila." Umayos ako ng upo. "So, you're going to take computer science?" "Oo. Balak ko na talaga 'yon bata pa lang ako. I've seen how great my parents are. Gusto kong tumulad sa kanila." "You're gonna be a great progammer, Levi," I said, sincerely. "I still have a long way to be called great. Malayo pa, Astraea." "Ganoon din 'yon. Magaling at matalino ka. For sure, piece of cake lang sa'yo ang computer science." He chuckled. "Huwag mong palakihin ang ulo ko, Astraea." Natawa lang ako. "Anyway, you said you're a stem students before you transfer in CHU, right?" I nodded. "Hmm… I was planning to take nursing in college that's why I took stem." "Nursing? Magandang kurso 'yon." Ngumiti ako. "Alam ko kaya hindi nagbabago ang desisyon ko hanggang ngayon. I still wanna take nursing." "Pangarap mo?" Tanong niya. "Hindi. Pangarap ng Kuya ko." Malungkot akong ngumiti sa kanya. Natigilan siya at tumigil sa pagliligpit ng gamit niya. "May I ask where's your brother?" He asked and he's full attention is on me right now. I sighed. "Wala na. Maaga siyang kinuha sa amin." "I'm sorry… I shouldn't ask." Nakita ko ang lungkot sa mukha niya. Bumuntonghininga ako at ngumiti lang sa kanya. "He's dream is become a nurse and help people. Balak niyang sa Crestwood University mag-aral ng medisina kung hindi siya nawala. That's why I'm following his footsteps here. Noong nawala sa amin si Kuya, hindi ko natanggap ng maayos 'yon. Masyadong mabilis. Masyadong maaga para kunin siya sa amin. Ayokong pati ang pangarap ng Kuya ko mawala. I want to become a nurse because I want help people too." "Hey…" I felt his hand on the top of my hand. "I'm sorry." "Okay lang. They said, everything happens for a reason. Siguro nga tama 'yon. Saka kahit papaano tanggap ko na rin naman." "I'm sure your brother is always up there looking at you. Hindi ka niya papabayaan kung nasaan man siya ngayon." Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Siguro nga tama sila. Lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may dahilan. Even though, I lost my brother, because of it Levi got a chance to live again. May nawala pero may dumating. "Levi, did you know about your heart donor?" Tanong ko pagkuwan. I just want ask if he's curious about my brother. Kung hinanap ba niya kung sino ang donor ng puso niya o nagtanong man lang. He sighed before he slowly shook his head. "I didn't asked my parents who's my donor," sagot niya. "Bakit?" Napayuko siya. "I wanted to but I just kept it to myself. Ayoko malaman. Ayoko hindi dahil wala akong pakialam. Ayokong malaman kung sino, dahil ayokong masaktan ulit ang pamilya na iniwan niya. I just didn't want to see those people that he left in this world be in pain again because of me. Imagine kung anong mararamdaman nila kung makita ako. Baka bumalik iyong sakit na naramdaman nila noong namatay ang taong mahal nila sa buhay. Ayokong dagdagan ng sakit ang mga puso nila." I furrowed. "He? So, alam mo na lalaki?" He nodded. "Oo… my parents told me. Sinabi nila sa akin na namatay sa aksidente ang donor ko. His family knew about my condition and helped us. Iyon lang ang alam ko kasi hindi na ako nagtanong pa. Hindi ko rin alam ang pangalan." Umawang ang labi ko. I didn't know about this. Akala ko hindi talaga siya interesado sa donor niya. Ngayon na sinabi niya sa akin lahat ng 'to, nasaktan ako pero naintindihan ko na ang dahilan niya. "But I always pray at him before I sleep," pagpatuloy niya bago ngumiti ng malungkot. "Nagpapasalamat pa rin ako sa pamilya niya tuwing gabi na nagdadasal ako. If weren't for them, I’d died long time ago now. So, whenever his family right now, I just hope they're alright and safe. Hindi ko makakalimutan ang kabaitan na ginawa nila sa akin." I squeezed his hands. "Huwag kang mag-alala. They're fine." "I hope so…" I bit my lips and stared at him. "But if you were given a chance to meet his family, will you meet them?" Tanong ko pa. He smiled. "Oo naman. At sasabihin ko sa kanila na hindi ko papabayaan ang puso ng anak nila." That made me smile too. That's all I need to know. Masaya na ako sa mga malaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD