Kabanata 18

1476 Words
Sparks Dumating ang araw ng club day at lahat ng students ng CHU ay busy para sa mga booth, games, at competition. Maaga rin kaming pumasok para maghanda sa play namin. Sa last day ang play namin ngunit kailangan matapos na namin ang mga idi-display sa stage kasama ng mga outfits namin. We will have a short practice one last time later. "Good luck sa basketball game, Astraea," Tita Leanne said while we're eating our breakfast. "Thank you, Tita. Gagalingan ko po talaga!" "Hey, stop it. Akala mo naman ikaw lang mag-isa ang maglalaro," ani Levi sa tabi ko. Lumingon ako sa kanya at sinimangutan siya. "Ang sama mo!" "Akala mo kasi ikaw ang magbubuhat sa team natin." Napanguso ako sa kanya. "I need you to cheer me up so it can give me energy for the game later! Hindi 'yong dina-down mo ako!" He only laughed. Inirapan ko lang siya. I heard his parents laughed too. For the passed months that I've been living with them, I feel like I'm with my family again. Sobrang malaki ang natulong nila sa akin. They treated me like their own daughter and they took care of me really well. Hindi ko alam kung paano magpapasalamat pa sa kanila sa mga nagawa nila sa amin. If weren't for them, hindi ako makakapag-aral sa CHU. Mahirap makapasok sa ganitong school and because they backed me up, nakapasok ako kahit kalahagitnaan na ng semester. "Pagpasensyahan mo na si Levi, Hija. He's always like that. He's always ruining the moment," natutuwa na sinabi ng Daddy niya. "Sanay na po ako, Tito." Natapos kaming kumain ng agahan at naghanda na kaming pumasok ni Levi. His parents insisted to drive us to school but Levi refused. Kaya pag labas namin sa bahay nila, nagtanong ako. "Bakit ayaw mong ihatid ka nila Tita sa school?" Tanong ko nang makalabas kami sa gate nila. We decided to take a bus. Kung hindi ako naka-angkas sa bike niya, nagba-bus kami para pumasok sa school. "Astraea, hindi na ako bata para ihatid ng mga magulang ko. I can to go school by myself now." Napatango ako. "Sabagay…” sagot ko na lang. Kung ako rin naman, hindi rin ako magpapahatid kanila Mama. It's kinda weird knowing that we're in senior high now. Kung elementary ay okay pa. "Nga pala, hindi tayo pwedeng mag-review ngayon. I need to sleep early today because I have a check up tomorrow." Nakasakay na kami sa bus. Mula rito ay isang sakay lang naman papuntang CHU. Hindi rin aabot ng thirty minutes ang biyahe. "Okay lang. Gusto ko rin magpahinga ng maayos ngayong gabi. Mukhang nakakapagod ang araw na 'to." "After the game, saang booth ka mag-iikot mamaya?" Tanong niya. "Hindi ko alam," sagot ko sa kanya. "Kung saan-saan na lang siguro." "Let's go eat later outside the school." Ngumisi ako sa kanya. "Treat mo ba?" He scoffed. "Kung mamanalo kayo mamaya, bakit hindi?" "Totoo 'yan?" "Oo. Let's celebrate later if you guys win the game." Nang makarating sa destinasyon ay parehas kaming bumaba ng bus. Mula rito ay malapit na lang ang CHU. Pwedeng lakarin kaya iyon ang ginawa namin. Malapit na kami sa school at kita ko na rin ang gate nang may tumawag sa pangalan ni Levi. A girl who's also wearing our school uniform waving her hands at him. "Levi!" Natigilan kami ni Levi. Tumingin ako sa kanya at nakita na ngumiti siya pabalik sa babae. "Monique!" Lumapit agad si Levi sa babae na mukhang hinihintay talaga siya sa labas ng gate. Naiwan akong nakatingin sa kanila. I decided to walk toward them. "Kumusta?" The girl named Monique asked. "Okay lang. Ikaw? I haven't seen you these past few weeks." Mahina na humagikhik ang babae. "I got busy practicing ballet." Halos umawang ang labi ko sa kanila. Palapit na ako sa kanila at rinig ko ang sinabi nila nang makita ko si Seren na palapit sa akin. "Astraea!" She exclaimed as she walked towards me. Agad na pumalupot ang mga kamay niya sa braso ko. Ang tingin ko kanila Levi at Monique ay nawala at binalingan si Seren. But I saw Monique giving Levi a book. "You know her?" Bulong ko kay Seren. Napatingin siya sa tinitingnan ko at nakita sila Levi. I bet she just noticed them just now. Bumalik ang tingin niya sa akin at ngumisi. "Bakit?" "They seemed close with each other…" sagot ko at hindi natanggal ang tingin sa dalawa na masyang nag-uusap. Hanggang sa makapasok kami sa gate ay nag-uusap pa rin sila. I can't help but be curious about them. Sa nagdaan na buwan na lumipat ako sa CHU, ngayon ko lang nakita si Monique. I thought Levi has no friends here. Tapos meron pala ngayon bago kami naging magkaibigan. "She's Monique Estella Cortez from art class. Classmates ni Kai 'yan," kwento ni Seren nang makapasok na kami sa classroom. I put down my bag before I sat down on my chair. Pinagsiklop ko ang mga daliri habang nakatapong iyon sa desk ko. "Magkaibigan sila ni Levi?" I asked curiously. "I can't say that they're close but her parents are close to Levi's." Napakurap-kurap ako. "Talaga?" "Noong una na pumasok si Levi dito sa CHU, si Monique lang ang kinakausap niya minsan. But most of the time he was always alone, reading books about programming. Kaya nga hindi ko alam kung magkaibigan sila tulad ng magkakaibigan niyo ni Levi. But I sure that they're parents are friends." Si Seren talaga ng source ko rito sa CHU. Marami siyang alam sa bawat background ng mga students dito. Napatango lang ako at hindi na nagsalita pa. "Bakit? Selos ka?" "Huh?" Nagtaas ako ng tingin sa kanya at nakita siyang nakangisi. And I already know that kind of look. Napailing na lang ako. "Bakit ako magseselos? Levi and I are just friends," simple na sagot ko. Naningkit ang mga mata niya. "Talaga ba? May sparks sa inyong dalawa tuwing tinitingnan ko kayo." Natawa ako sa sinabi niya. "Sira ka! Bakit naman ako magkakagusto kay Levi?" Gwapo si Levi, oo. Kung ikukumpara ko ang mga students dito sa buong CHU siya yata ang pinakagwapo. Not that, he's also an achiever. Active in school and competitive, but that's all. Kaibigan ko siya. Bukod sa pagkakaibigan, wala na akong nararamdaman pa sa kanya. "Talaga ba? You guys are cute together." Napailing ako ulit. "Levi is handsome and smart, but he's only my friends, Seren." Nagkibit ng balikat ang kaibigan ko at tumalikod na sa akin. I sighed and roamed my eyes inside our room, dumadami na kami. Si Levi rin ay pumasok na sa room at umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa hawak niyang libro na binigay panigurado ni Monique. "Python Programming: An Introduction to Computer Science…" basa ko sa title ng libro sabay tingin sa kanya. "You're really taking programming seriously, huh?" Napatingin siya sa akin. "Hmm… my Mom said to r******w some books regarding in programming if I really wanted to be a progammer." "Grabe ka na, Levi! Grade 11 pa lang tayo but you seems like a college student right now." Natawa siya. "Sira ka talaga!" Natawa lang din ako. "Kailangan ko rin talaga nito. I'm the successor of SSATC. Mas maganda na na ngayon pa lang may alam na ako kahit papaano." Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "So, Monique bought this book for you?" Tumango siya. "Wala akong mahanap, e. She called me last night, she saw this book in America last semester break and bought it for me." Mas lalong naningkit ang mga mata ko. "So, matagal na 'tong nasa kanya tapos ngayon lang binigay dahil sa kailangan mo na?" He frowned. "That's what she said. Alam niya kasi na gusto kong mag-programming." Nakagat ko ang labi at ngumiti sa kanila. Nagsalubong lang ang kilay niya na tila ba nalilito. "What's with your expression?" He asked while looking at me. "Wala," sagot ko sabay kibit ng balikat. "Naisip ko lang na advance niyang binili ang libro para lang sa'yo." Natawa siya pagkatapos na parang na gets ang sinabi ko. Umiling siya. "Don't take this seriously, Astraea. Kaibigan ko lang si Monique." "But I bet she likes you," I pointed out. Nag-isang linya ang makapal niyang linya. "Hey, don't make assumptions!" Tumaas ang kilay ko at ngumisi sa kanya. "Bakit? Halata naman sa kanya kanina sa labas ng gate. The way she looks at you? Her smile? Naabot sa langit? May gusto sa'yo 'yon." "Astraea!" "Bakit?" "Shut up!" aniya. Ngingisi lang akong nagkibit ng balikat sa kanila. "Pero bagay kayo ni Monique," I started teasing him. Nakita ko rin ang ngiti niya kanina. He looked very happy! His eyes are sparkling. Nanlaki ang mga mata niya sa akin. "Stop it, Astraea! Binibigyan mo ng malisya!" Suway niya. "Nagsasabi lang ako ng totoo!" "Stop it," suway niya sabay iling. Ngumuso lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD