Sorry
Ang bata ko pa siguro para maintindihan ang bagay na 'yon noon. Pero si Levi bata pa rin siya para mawala ng maaga. He still have so many things to do in this life… kagaya ko. Kaya kahit na mabigat sa loob ko, hindi ko mapigilan na hindi maawa sa mga magulang niya. And I was thinking about my brother too.
His dream. His passion. Kahit na nawala siya ng maaga sa mundong 'to, dahil naman sa kanya kaya nagkaroon ng pangawalang buhay si Levi. Because of him, Levi has a chance to live. To have a normal life just like us.
Iyon na lang naisip ko. Kaya noong nakita ko ang picture ni Levi na sinend sa amin ng mga magulang niya nang maging maayos ang kalagayan niya, hindi ko mapigilan na hindi matuwa. Seeing his picture, I feel like I a reason life to live on. Na kahit masakit na nawala si Kuya, noong nakita ko si Levi nawala 'yon. Maybe because he has my brothers heart. Somehow I feel attached to him.
I saw my brother in him. I saw a chance to be happy somehow. Kaya ako lumuwas ng Manila para makilala siya. Sakto rin dahil gusto kong mag-aral sa Crestwood University ng pagme-medisina kagaya ng Kuya ko. I took that chance to be close to him... to be his friend. Para maging malapit sa kanya… kasi feeling ko kung ganoon ang mangyari, parang hindi nawala sa akin ang Kuya ko. I feel like my brother was still alive because of him.
"That's why you will do anything to be close with him?" After a long silence, I heard Seren's gentle voice.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya sabay tango ng marahan. "Hmm… ayoko sanang sabihin pa 'to kasi masakit pa sa akin, Seren. I remember all the details and it scares me. Lalo na ngayon galit sa akin si Levi."
Hindi kami nag-aaway ni Kuya. All we do was teasing each other. Pero malalim na tampuhan o galit? Wala. We're close to the point na mas sanay akong kasama si Kuya kesa kanila Papa at Mama.
I would wait for him to come home even though it's already late para lang makain ang dala niyang pasalubong sa akin na red velvet cheesecake. Kahit na sobrang busy at lagi siyang late kung umuwi dahil sa pag-aaral, hindi niya ako nakakalimutan na bilhan ng paborito kong dessert.
Malungkot na lang akong napangiti nang maalala ang small bonding namin na 'yon ni Kuya.
"Then tell him about your brother. Sa tingin ko naman maiintindihan ka niya kung malaman niya ang totoo."
"Baka mapilitan lang siya," ani ko.
"Ano ka ba? Baka nga siya pa ang lumapit sa'yo at mag-thank you in person if you tell him the truth."
"Talaga?"
Sasabihin ko na ba talaga? Ayokong kasing mapilitan lang siya, eh. Knowing his attitude. May pagka-snob talaga ang isang 'yon. Ni walang pakialam sa mga tao sa paligid niya.
"Astraea, magsabi ka sa kanya! To solve your problem and to finally be his friends. For sure, Levi will understand you."
Tumango ako sa kaibigan. I don't know if that will work pero bahala na. I just want to apologize to Levi first before I tell him about my brother. Kung ganitong galit siya sa akin, baka hindi niya intindihin ang sasabihin ko.
Agad akong umuwi galing school pagkatapos. Nakita ko agad siya na kakauwi lang din. Nila-lock ang bike niya sa garahe. Napangiti tuloy ako at lumapit sa kanya.
"Hello!" I greeted him as I got near him.
As usual hindi niya ako pinansin pero syempre makulit ako kaya hindi ako papatalo. Soon, I will break the coldness circulating in his body.
Halos matawa ako sa naisip ko. Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo. I immediately put my hand on my mouth.
"Baliw ka talaga, ano?" Aniya na naguguluhan sa pagtawa ko.
"May naisip lang," mabilis na sagot ko sabay halukipkip.
"Tsk!"
He walked out again. Ngumisi lang ako. Agad akong sumunod sa kanya papasok sa bahay nila.
"Uyy. Kinakausap mo na ako?" sabi ko pa habang nakasunod sa kanya.
"Malamang nakakapagsalita ako. Hindi naman masama iyon, hindi ba?"
Nairap ako sa hangin. Lumingon siya sa akin. Ngumisi lang ako sa kanya.
I gave him a soft glance. "So, bati na ba tayo?"
"Ano tayo? Bata na nag-aaway?"
"Hindi naman tayo nag-away pero galit ka sa akin."
"And who do think is at fault?" Pagtataray niya.
Napanguso ako ngunit hindi nawala ang ngisi sa labi ko.
"Nagso-sorry naman ako sa'yo. You were just keep on avoiding me."
"Tsk!"
He then walked out again. Nairap ako at sunundan siya hanggang sa living room nila.
"Uyy! Levi, sorry na kasi! Hindi ko naman sinasadya na madulas, eh!"
"Admit it, Astraea. Makulit ka kasi kaya ka nadulas!"
Napahinto ako sa pagsunod sa kanya. Huminto rin siya at nilingon ako. Magkasalubong ang makapal niyang kilay.
Napanguso ako. "Makulit na kung sa makulit. Sorry na, Levi!"
Ang hirap naman suyuin ng lalaki na 'to. To think of, hindi ganito si Kuya, eh. Kaunting lambing ko lang do'n, okay na kami agad. Spoiled na ulit ako sa kanya.
"Gan'yan ba ang nagso-sorry? Galit?"
Tiningnan niya ako ng huling beses bago umirap sa akin at nagmamartsa paakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila. Napabuga na lang ako habang nakatingin sa likod niya.
May araw ka rin talaga sa akin, Levi!
Dahil sinabi naman niya na makulit ako, edi papanindigan ko na. Kinabukasan kinulit ko ulit siya. Sakto wala kaming pasok at bukas na ang community service namin. Buong araw ko siyang kasama sa bahay.
Kahit na hindi niya ako pansinin, wala akong pakialam. Basta makapag-sorry lang ako sa kanya at masabi ko na ang gustong kong sabihin.
We usually eat breakfast together. Pagkatapos no'n umalis ang parents niya para magtrabaho sa kompanya nila. I don't have anything to do, so I'll just start pestering his life.
I grin because of my thought. Hindi matatapos ang araw na 'to na hindi kami nagkaka-ayos ni Levi.
I went out from my room to find him. Pumunta ako sa library nila kaso wala siya. He's usually reading books at this hour.
"Ate, si Levi po?" Tanong ko sa isang kasambahay nila na nakita ko pababa ng hagdan.
"Nasa laundry room po. Kinukuha yata ang mga damit niya."
Napangiti ako. "Sige po."
Agad akong pumunta sa laundry room nila. Malayo pa lang ako ay nakita ko na bukas 'yon. Ngumisi ako at dahan-dahan na lumakad palapit.
Nasa hamba pa lang ako nang pinto sumilip muna ako. There. I saw him collecting his clothes. Nakapatong siya sa maliit na upuan at parang may inaabot.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. I make sure na hindi ako nakagawa ng ingay habang papalapit sa kanya. I grinned when I got near him.
"Hoy! Ginagawa mo rito!" Malakas na sigaw ko sa kanya.
Nakita ko pa ang panlalaki ng mga mata niya at pagtago sa hawak bago kami natumba. Na out of balance siya sa gulat sa akin.
"Ahh!"
Naramdaman ko ang katawan na tumama sa dibdib niya nang tumumba kaming dalawa sa sahig. Mariin na lang akong napapikit sa sakit. Napahawak din ako sa noo ko.
"Aw!" Hawak ko ang noo na tumingin sa kanya.
Nakita ko siyang namumula. Natigilan ako. Nakatingin lang siya sa akin at doon ko lang na realized na nagkalat ang under garments niya sa palagid. My eyes widened in shock.
"Levi…"
"M-my feet…" nahihirapan na sinabi niya.
Nataranta naman akong tumingin sa paa niya. My eyes widened when I saw his feet. Namumula 'yon! At mukhang masakit din!
Oh, geez! What did I do again?