Donor
Hindi nga ako pinansin ni Levi simula ng mangyari ang bagay na 'yon. Kahit sa school ay ganoon din ang nangyayari. Kahit sila Seren ay hindi niya gaano pinapansin. He was only talking to them when it's important, kagaya na lang ng gaganapin na community service ngayong Wednesday.
For the past few days, he kept his distance from me. Parang gustong gumuho ng mundo ko dahil doon. I tried to apologize to him kaso lumalayo agad siya paglalapit pa lang ako.
Nakakawalang gana sa totoo lang. I feel like he doesn't really want me to be his friend. at pag naiisip ko ang bagay na 'yon, parang gusto ko na lang talagang maiyak.
Hindi pwedeng mangyari 'yon! Kailangan na maging magkaibigan kami. Kailangan na mapatawad na niya ako para naman makabawi ako sa kaniya.
"Sabihin mo na lang kasi ang dahilan mo kay Levi bakit mo siya gustong maging kaibigan," Salansa ni Seren.
We're in cafeteria, eating our lunch. Siya patapos habang ako, ni hindi ko man lang nagalaw ang pagkain ko. Kanina pa ako walang gana. Actually, noong mga nakaraang araw pa.
"Baka naman ma-pressure ko siya kung sasabihin ko."
She frowned. "Pressure? Bakit naman?"
Napanguso ako sabay tingin sa kanya. "I was planning on telling him the truth when we're already friends."
"Ikaw, Astraea, hindi kita maintindihan! Ano ba kasing dahilan bakit gusto mong makipagkaibigan sa kanya?" Bulalas niya sabay inom ng kanyang coke. "He's mean to you."
"Ikaw din naman gustong makipagkaibigan kay Levi, ah?" I fired back.
"Gaga ka! Magkaiba tayo! I sense you have a deep motive kaya, sige na. You tell me what's your reason and I will understand you."
Napalabi ako. Umayos ako ng upo at agad na kinuha ang kamay niya para hawakan. While she just stares at me.
"You won't tell this to anyone?" Paniniguro ko.
Umiling siya agad. "Huwag mo ako itulad sa ibang tao na chismosa, ah! Your secret is safe with me."
I raised my eyebrows. "Talaga? Hindi mo sasabihin kay Arthur?"
Natawa siya ngayon. "Ano ka ba, Astraea! Arthur is not even my friend!"
My eyes wided. "Huh? I thought you guys were friends? Just like Louis and Marcus?"
She playfully tap my hands. "No! We're not! Feeling close lang ang lalaki na 'yon sa akin! Kita mo ngayon? Wala siya."
Tuluyan nang nagsalubong ang kilay ko. "Oo nga. Nasaan ang tatlo?"
Natauhan ako bigla. They seemed very close. Kagaya nila Louis at Marcus na sobrang close. Magkababata kasi ang dalawa kaya ganoon.
She laughed. "Kasi nga mag-kaaway kaming dalawa ngayon! Ang isang 'yon napaka talaga!"
Napahalukipkip ako sa harapan niya. I don't get it. Napansin naman yata niya iyon kaya umiling lang siya na may ngisi sa labi.
"Astraea, ganoon talaga kami ni Arthur," She added and laugh again. "Aso't-pusa kaming dalawa."
Nagsalubong ang kilay ko. "But you guys were friends, right?"
Umirap siya. "Sa ngayon? Hindi! Bahala siya sa buhay niya!"
Napahalukipkip ako ulit. I don't know what to react. Medyo magulo nga silang dalawa ni Arthur. Minsan close sila pero mas maraming beses na nagbabangayan silang dalawa.
"Wala akong kaibigan na Arthur kaya magsabi ka na sa akin."
"Wala rin akong kaibigan na Seren!"
Napatingin kaming dalawa sa boses na umalingawngaw sa cafeteria. Nakita naming dalawa si Arthur na kasama sila Louis at Marcus. They're standing in front of our table, holding their lunch.
Napatingin ako kanila Louis at Marcus na nakatingin din sa akin. Napangiwi na lang ang dalawa sa akin. While Seren just rolled her eyes at Arthur.
"Who are you anyway? Hindi kita kilala! Huwag kang maingay!" Bulyaw din ni Seren sa binata.
"I don't know you either," Masungit na sinabi ni Arthur sabay irap.
Kung kanina nalilito ako sa kanila, ngayon parang gusto kong tumawa ng malakas sa inaakto nila. It's only been weeks since I transferred here so I don't know them yet that much, but seeing them right now? Mukhang mahaba-haba pa ang pagsasamahan namin.
"Halika ka na nga, Astraea. May epal na rito!" Ano Seren sabay hawak sa kamay ko at hila sa akin patayo.
"T-teka… saan tayo?"
"Basta! Huwag dito!"
Wala na. Hinila na niya palayo sa tatlong kaibigan namin. Napunta kami sa hallway malapit sa room namin.
"So, can you tell me now the reason?"
Napabuntonghininga ako bago tumingin sa mga estudyante sa hallway. All the students are busy with their stuff. Some are busy talking to their friends while some are reading books while walking. Habang ang iba naman ay malakas na nagtatawanan habang papunta sa pababa sa hagdan.
"Levi just got a heart transplant two years ago." panimula ko.
"Everyone knows about that."
"Kuya ko ang naging heart donor ni Levi," dugtong ko bago muling bumuga ng hangin.
Naghintay ako ng sasabihin niya ngunit wala akong narinig. I heard a long silence from Seren. Lumingon ako sa kanya at nakitang naglalakihan ang kanyang mga mata.
Her lips were parted a bit. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko ngayon lang. Iyong ang naging daan ko para magpatuloy sa sasabihin sa kanya.
"My brother died in a car accident two years ago. Noong gabi na namatay siya, nagkaroon ng diskusyon sa hospital dahil may isang tao raw na kailangan ng heart donor na nasa Manila. When my father and mother heard that news, they immediately told the doctor about my brother who just died that night. My brother was pursuing nursing and ever since gusto niyang i-donate ang bahagi ng katawan niya para mapag-aralan ng mga gusto ring mag-nurse o kaya mag-doctor. Kaya nang malaman ni Mama at Papa ang tungkol kay Levi, hindi na sila nagdalawang isip at tumulong."
Malungkot akong napangiti sabay yuko. This is the reason why I didn't want to tell anyone about this. Including Levi. Masakit pa rin kasi para sa akin na hanggang ngayon na magkwento tungkol sa Kuya ko. We're very close so I couldn't accepted everything when he died. Sobrang hirap para sa akin i-sink in lahat noon.
He had so many dreams. He's very passionate of becoming a nurse someday. Ngunit lahat ng iyon ay nawala dahil lang sa aksidente. Lahat ng pangarap niya naglaho ng parang bula.
"Ayaw ko noong una na pumayag sa gusto ni Papa. I was so young to understand the situation. Hindi pa rin nagsi-sink sa utak ko ng gabi na 'yon na wala na si Kuya, kaya ayoko. Si Levi rin, bata pa noon. My parents just told me that my brother would be so happy because he'd save someone's life. Na kahit wala na siya… nakatulong siya. He saved Levi's life. Imagine how his parents was so happy when they heard that we're going to help them. When I saw the tears in their eyes, my heart melts. Just imagine when someone you really love saved someone's life, it feels great. In that thought, naisip ko na magiging masaya nga si Kuya kasi sobrang laki ng ginawa niya kay Levi at sa pamilya nito."
I remembered that night… that night when they parents told me about Levi's condition. 50/50 ang buhay niya. Ang nagiging suporta na lang niya sa paghinga ay ang makina. Kung mawala 'yon, mawawala na rin si Levi sa mundong 'to.