Sorry
Umuwi ako agad pagkatapos kong magpaalam sa mga kaibigan ko. Lantang gulay ako nang makauwi sa bahay ng mga Saavedra. As soon as I open their double doors, nakita ko agad ang mag-asawang Saavedra sa living room.
When they saw me, Mrs. Saavedra smiles, showing her clean white teeth. Nakangiti rin ako kaso pilit pagkatapos ay ginila ang mga mata sa paligid. Hindi nila kasama si Levi sa living room.
They usually having tea ng ganitong mga oras sa araw-araw. Pinag-uusapan din nila ang kalagayan at nararamdaman ni Levi. You know, just a simple father and mother who wants to know their son's day. Pero ngayon, wala siya. Bumagsak lalo ang balikat ko.
"Are you okay, Hija?" That's Mr. Saavedra's baritone voice.
Napatingin ako ulit sa dalawang mag-asawa pagkatapos ay ngumiti ng pilit bago umiling.
"Yes po. Medyo pagod lang sa school," tanging nasagot ko.
I don't want them to know what I did to their son. I humiliated their son. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kabutihan na binigay nila sa akin? Nakakahiya!
Mr. Saavedra tilted his tea cup before taking a sip on it. "Pasok ka na sa kwarto mo. Rest, Astraea. Our maid will just call you when the dinner is ready."
Parang mas na guilty tuloy ako lalo ngayon. Sobrang bait ng mag-asawa sa akin tapos pinahiya ko ang anak nila sa room namin. I feel so guilty na gusto ko na lang kainin ako ng lupa sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ngayon!
Napalabi ako. "Si Levi po?" I asked instead and hide my thoughts.
"He's in his room. Kanina pa 'yon doon sa loob at tinatapos daw niyang mag-review para sa quiz niyo sa susunod na araw."
"Ah... gano'n po ba?"
"Yes, Hija. Next week na hindi ba ang alis ninyo?"
Tumango ako. "Yes po, Tita."
She nodded. "That's good. You two are in the same group. Levi is in a good hands, then."
Hindi man lang ako nakangiti sa dalawang mag-asawa. They trusted me to look after their son at school. Hindi pa rin sila kahit na papaano kampante sa kalagayan ni Levi. Levi is okay now, but we can't really tell if he's really is. May mga possibilities pa rin daw kasi na pwedeng magkaroon ng problema sa puso kaya on going pa rin ang check up niya.
And because of what happened today? Levi is not in the good hands when he's with me. And I am so sure of that.
"Sige po, Tita, Tito. I'll go upstairs na po." Paalam ko sa dalawa bago pa ako mas lalong kainin ng guilt na nararamdaman ko.
Nang tumango ang mag-asawa ay dali-dali akong umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko. Napasandal na lang tuloy ako sa likod ng pinto nang makapasok sa sariling kwarto.
I took a deep sighed and bit my lips before I look at the right side of the room. Katabi lang kwarto ko ang silid ni Levi. I wonder how he's doing right now?
"Edi, malamang galit sa'yo!" Inis na bulong ko sa sarili.
Napaupo ako sa sahig at napanguso na lang. I don't know how to face him. Nahihiya ako tapos alam kong kahit mag-sorry ako, he won't going to listen to me. He's angry at me right now and I deserved that!
Geez! What am I going to do?
Nasa iisang bahay lang kami nakatira. For sure kahit na malaki ang mansyon nila magkikita at magkikita kaming dalawa!
Nai-imagine ko tuloy ang mukha niya. Nakabusangot ang mukha. Nakakunot ang noo at ang magaganda niyang kulay abo na mga mata ay nanlilisik sa akin.
"Ano ba 'yan, Astraea! Lagot ka talaga!" Napapadyak na lang ako sa sahig sa sobrang nararamdaman na kaba.
Parang nakakatakot ako na lumapit sa kanya ngayon at manghingi ng sorry. Baka mabulyawan pa ako no'n sa galit. Magiging wala lang ang lahat kung ganoon ang mangyayari.
"Astraea, pinapatawag na po kayo nila Madame Leanne."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Napatayo ako sa sahig at mabilis pa sa alas-quatro na binuksan ang pinto ng kwarto ko. Sa pagbukas ko ay nakita si Ate Ising, isa sa mga kasambahay ng mga Saavedra.
"Po?" Nanlalaki ang mga mata ko sa kanya.
Ilang oras ba akong nakaupo sa sahig at malalim ang iniisip at inaabutan na ako ng dinner?
"Kakain na raw po, Astraea. Baba ka na at si Sir. Levi naman ang tatawagin ko."
Napakurap-kurap ako sa kaharap na babae?
"Hapunan na po?" Wala pa rin ako sa sarili kasi alam ko kakapasok ko lang sa kwarto ko!
"Hapunan na kaya bumaba ka na. Naghihintay na sila Madame Leanne at Sir. Peter."
Napahalukipkip na lang ako sabay tingin sa katabing kwarto na sarado pa rin hanggang ngayon. Nasa baba na kaya siya?
I bit my lips and tilted my head towards Ate Ising. "Bumaba na po ba si Levi?" Marahan na tanong ko.
Imbis na sumagot, natawa sa akin ang medyo may katandaan na babae. Nagsalubong tuloy ang kilay ko sa kanya.
"Hija, kailangan mo na ngang kumain at nagiging lutang ka na," Natatawa na wika niya.
Hindi ako sumagot. Pati ako ay naguguluhan na rin, eh. Umiling siya pagkatapos na may ngisi sa labi.
"Kakasabi ko lang na tatawagin ko rin si sir. Levi."
Halos matawa ako sa narinig. Para na akong baliw sa kakaisip kay Levi. Dapat nagre-review din ako ngayon, eh.
"Ako na lang po ang tatawag sa kanya, Ate Ising," aniya ko sa babae.
"Sigurado ka ba?"
Tumango lang ako. "Yes po."
"Oh, siya sige. Pakitawag siya at naghihintay sila Madame sa inyo. Pakibilisan."
Tumango-tango ako. "Sige po."
Nang makaalis ang babae ay muli akong tumingin sa silid ni Levi. Nakagat ko ang labi habang dahan-dahan na naglakad palapit sa hamba ng pinto ng kwarto niya. Dumiin ang pagkakagat ko sa labi at huminga ng malalim.
Magso-sorry lang talaga ako. It doesn't matter to me if he's angry or what. Basta magso-sorry ako sa ganawa kong mali kanina.
"After all I should really apologies to him," I muttered to myself.
Kasalanan ko naman kaya dapat lang na harapin ko ang galit niya.
Mariin kong pinikit ang mga mata bago muling bumuga sa hangin. Dahan-dahan na inangat ko ang kamay para kumatok nang bigla na lang bumukas ang pintuan. Halos tumigil ang kamay kong nasa ere nang makita si Levi sa pagbukas ng pinto. Nagulat din ako at nakita niya ang reaksyon ko.
He was wearing his black eyeglasses. Palagi niyang suot 'yon tuwing nasa bahay lalo na kung nakikita ko siyang nagbabasa ng libro. Plain white v-neck shirt ang pantaas niya at cargo short. Medyo magulo ang buhok pero gwapo pa rin.
Nagkatitigan kaming dalawa. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat habang siya'y naka-poker face lang. He's very unreadable! I don't know what's going on on his mind.
"What?" His voice is also cold as nice. Just like his expression!
Patay ako nito!
"Ahm…" napalabi ako at mabilis na binaba ang kamay. Nilagay ko sa likod ang kamay ko at pinagsiklop 'yon.
Parang naputol ang dila ko at hindi ako makapagsalita ngayon!
He raised his eyebrows. "What do you want, Astraea?" Malamig pa rin ang boses niya.
I just lowered my head and bit my lips. "S-sorry…" Lumabas 'yon ng kusa sa bibig ko. Mahina nga lang kaya hindi ko alam kung narinig ba niya.
Napikit ko ang mga mata kasi alam kong bubulyawan niya ako. And I deserved that! Kasi kasalanan ko naman talaga.
"What?" His cold voice send shivers down my spine.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko na gano'n pa rin ang awra niya.
"Sorry na, Levi," Ulit ko sabay kuha sa kamay niya. "Hindi ko naman sinasadya na mahawakan ang pants mo kanina no'ng nadulas ako! I thought I was holding on something! I didn't know it was your pants! I'm so sorry. I promise I didn't mean to do that!"
Parang gusto ko na lang pumikit nang masabi ang lahat ng 'yon.
"Just stay out of my sight so you won't cause me any trouble," His deep tone made me shivers again.
Napatingin na lang ako sa kanya na umalis sa harapan ko.