Reason
I didn't see Levi after that. He didn't attend our class either. Hindi ko alam kung nasaan siya kasi hindi ko naman siya nahabol pa kanina. I was stunned to speak. Hindi ko rin alam paano siya haharapin o kakausapin man lang. He's angry at me and this time, it's really my fault.
Natapos ang dalawang subject namin na hindi talaga siya pumasok. As much as I wanted to apologize to him for what I did, hindi ako makalabas ng room namin. Sa bahay na lang siguro ako manghihingi ng sorry sa kanya.
I sighed deeply. Napanguso na lang ako habang nakikinig sa teacher sa harapan. I don't know how to face him this time. I humiliated him in front of our class. Dahil sa kakulitan ko sa kanya, napahiya ko siya. Kung magagalit siya sa akin, valid na ang nararamdaman niya.
"I guess saying sorry is not enough for him to forgive me," I muttered.
Kanina pa rin ako wala sa sarili. I am thinking about him. Napahiya ko siya. Pinagtawanan siya ng buong klase dahil sa kakulitan ko. Of course, sorry is not enough!
"Hay…" napasubsob ako sa desk ko bago napakamot sa ulo.
He might be really angry at me right now. Mali! Galit na galit talaga siya sa akin. And I deserved it!
"Levi is not here today?" I heard our teacher's voice.
Napa-angat ako ng ulo ko at tumingin sa guro na nasa harapan namin ngayon. I saw Arthur and Seren tilted their heads towards me. Napahalukipkip na lang ako sabay nguso.
"Ma'am, wala po," si Seren ang sumagot.
Our teacher nodded. "This is the first time he didn't attend my class."
Tahimik ang mga classmates namin sa sinabi. Ni isa wala nang gusto pang magsalita tungkol sa pagkawala ni Levi ngayong araw.
After checking the attendance, our teacher proceeded to her lecture. Ako naman kahit ni isa walang pumapasok sa utak ko. All I think was Levi. I'm worried about his whereabouts. Baka kung ano ng nangyari sa kanya ngayon.
Inisip ko na baka umuwi na rin 'yon. O kaya nagpunta kung saan. I don't know if he knows any places near our school kasi ang alam ko di siya lumalabas noong may sakit siya sa puso. He was literally living all alone inside their house when he was sick.
Ngayon na okay na siya, tapos ganito pa nangyari, I couldn't help but think if he's really okay right now. Alam ko na hindi dahil sa nangyari, pero sana wala naman nang ibang nangyari sa kanya... sana nga...
"Nasa bahay na nila 'yon," Ani Louis habang palabas kami ng classroom.
"Levi is the kind of person who likes to stay in one place. Kaya panigurado na umuwi na 'yon," dugtong naman ni Arthur.
Seren nodded. "Hindi 'yon pupunta sa mga mall or park para mawala ang init ng ulo."
"He might be at their house righ now, reading books. Like usual." Si Marcus sabay akbay kay Louis.
Napatango ako. "Baka… sana…"
"Don't worry, Astraea. Hindi mo naman sinasadya ang nangyari kanina, eh. You didn't know you'd slipped," Ani Arthur.
Mas lalo akong napanguso. "Actually, alam ko," mahina na sinabi ko sa kanila.
Nagkatinginan sila. Napangiwi pagkatapos. Seren immediately went closer to me. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Ano ka ba? No one knows na mangyayari 'yon!"
"Makulit ako kaya ako nadulas. Tapos dinamay ko pa siya sa kahihiyan ko."
"Hindi mo naman sinasadya." Si Marcuz.
Louis quickly response, "Hindi mo rin ginusto na madulas ka."
"Yep! Tapos for sure masakit din iyong impact ng pagkakadulas mo," Seren added.
I sighed. "But he's angry at me for sure," walang gana na sinabi ko sa kanila.
"Iyon lang…" si Arthur sabay halukipkip.
"Paano siya papayag na maging kaibigan ko kung ganito pa ang nangyari? Baka ayawan na niya talaga ako."
Hindi lang baka. Sigurado ako na ayaw na talaga ni Levi na kaibiganin ako dahil sa nangyari. Napabuntonghininga na lang ako.
"Hindi pa naman huli ang lahat, ‘di ba?" rinig kong wika ni Seren sabay akbay sa akin. Napatingin tuloy ako sa kanya. I saw her smiling at me.
Napairap ako sa hangin. "Baka huli na ang lahat. Nasira ko na talaga ang chance ko na maging magkaibigan kami."
Iniisip ko pa lang na ganoon na nga ang mangyayari sa amin ay parang gusto ko ng umiyak at magwala. Kung ganoon ang magiging ending namin ni Levi, sayang lang ang pinunta ko rito sa Manila.
I'm here because of him. I transferred school because of him. I literally choose to be friends with him. Hindi pwedeng walang mapuntahan ang pagpunta ko rito sa Manila!
"Bakit kasi gustong-gusto mo makipagkaibigan sa kaniya?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Arthur.
Hindi ko pala nasabi sa kanila ang totoong rason bakit ako lumuwas mula Cebu hanggang Manila.
"I have my reason," simpleng sagot ko.
"Ano nga?" Kuryusong tanong ni Louis.
Nakita ko sa mga mata nila ang kuryusidad. I even saw Seren smile turned into a smirk. Napailing na lang ako sa naging reaction niya.
Pinandilatan ko sila ng mata. "Huwag kayong mag-isip ng kung ano riyan."
"Wala naman kaming iniisip na kung ano," nakangisi na saad ni Seren. Sa ngiti pa lang niya alam kong meron na.
Napairap ako. "Kung ano ang iniisip mo Seren, hindi 'yon ang dahilan bakit ko gustong makipagkaibigan kay Levi."
She looks at me innocently. "Bakit? Ano bang iniisip ko?"
"You're thinking that I like him!" I glared at her.
They burst out laughing. Napailing na lang ulit ako sabay irap.
"Hindi mo talaga gusto si Levi?" Si Arthur na alam kong nang aasar na ngayon.
"Hindi!" I blurted out.
Ang layo. Sobrang layo!
"Okay. Sabi mo, eh."
"Kaya please, hindi iyon ang dahilan bakit gustong-gusto ko maging malapit sa kanya," sanaysay ko sa kanilang apat.
I have my reason… sa ngayon hindi ko muna sasabihin sa kanila. I'll tell them. Maybe sooner or later. Kailangan na masabi ko muna kay Levi. At least he should know about my brother. Pero magsasabi ako sa kanya kung magkaibigan na kaming dalawa.