Mess up
Kinabukasan ay maaga akong umalis ulit sa bahay ng mga Saavedra. Hindi lang si Levi ang dahilan bakit ako maaga ngayong araw. Si Trixie rin.
How dare she pulled a prank on me?
Nakakainis lang dahil ang babaw ng dahilan niya para magtaray o gawin sa akin 'to. Kung napahamak ako kagabi, will she take responsibility for it? Pasalamat siya at ligtas akong nakauwi kagabi.
Kagaya kahapon ay wala pang students sa CHU ay nandoon na ako. Tanging teacher pa lang ang nasa school. Ako rin ang nauna sa classrooms namin at madilim pa sa ibang parte ng building namin.
I turn on the lights of our classroom and went to my desk. Binaba ko muna ang bag ko bago muling lumabas para pumunta sa cafeteria. Doon ako ulit kakain ng breakfast.
Natapos ako agad at muling bumalik sa classroom namin para mag-aral. Unti-unting nagsidatingan ang mga kaklase ko.
When I saw that our classmates were already complete, I stood up, holding the script and went to our homeroom teacher desk.
Napatingin sa akin ang lahat. Blanko ang mukha ko na tumingin sa kanila.
"I decided not to be the narrator of the upcoming play," anunsyo ko sa kanila na kinagulat nila.
"Astraea, bakit?" Luis asked.
Nalipat ang mata ko kay Trixie. She gulped.
"Ask her," simpleng sagot ko.
"Anong nangyari, Trixie?" This time, si Levi ang nagtanong.
Mariin ang tingin ni Trixie sa akin ngayon. Inirapan ko siya ng hindi siya nagsalita.
"Bakit hindi mo sabihin sa kanila ang ginawa mo sa akin kagabi?" Pagtataray ko sa kanya.
I will teach her a lesson that no one mess up with me. Hindi ako magpapatalo sa kaniya kung iyan ang akala niya.
"Ano bang nangyari?" Naguguluhan na rin ang mga kaklase namin.
"She told me last night that we have a practice. Nandoon ako ng maaga at parang tanga na naghintay. I waited for one hour and I just realized na ginawa lang niya 'yon para magmukha akong tanga."
Ngumisi ako kay Trixie na galit ng nakatingin sa akin ngayon.
"But you don't know me at all, Trixie. Hindi ako tulad ng iniisip mo at mas hindi ako tanga para hindi balewalain ang ginawa mo! Ang ayoko pa naman sa lahat, eh iyong pakitang tao para lang magustuhan ka ng iba!"
Nagkagulo sa classroom namin. Ang iba ay kinukwestyon pa rin si Trixie bakit niya ginawa 'yon. But she kept quiet.
"Astraea, wala tayong narrator sa play."
"Iba na lang. Kaya kong tumulong sa paggawa ng props."
I saw Levi closed his eyes firmly. Halata sa mukha niya na hindi niya gusto ang nangyayari. Ako rin!
"Trixie, why did you do that?" Levi asked her this time.
"Why? She's getting on my nerves?" Trixie blurted out.
Napailing ako.
"Wala namang ginagawa sa'yo si Astraea, ah?" It's Seren.
Umirap si Trixie.
"Astraea, please, walang ibang pwedeng maging narrator," pakiusap ni Arthur.
I sighed. "Alam ko, pero hindi kasi tama na porque't isa siya sa pinagkatiwalaan sa play, gan'yan na siya kung umakto. I didn't do anything for her to do this to me!"
Ayokong madamay ang play namin kaso gusto ko lang malaman ni Trixie na walang pwedeng gumano'n sa akin. Kahit siya pa!
"Trixie, just apologize to Astraea para matapos na!" Sigaw ng kaklase namin.
"She made a point, though. Kahit naman ako maiinis lalo na kung wala kang ginagawang mali!”
I looked at Trixie. Pinagkrus ko ang mga bisig. I smirked at her.
"I want you to apologize to me," ani ko.
Umirap siya. "I'm sorry."
Mapait akong natawa. "Gan'yan ba ang nagso-sorry?"
"Trixie, umayos na kasi! Kasalanan mo naman, eh!"
She sighed. "I'm sorry, Astraea." Mababang tono na sinabi niya.
Inirapan ko siya bago umalis sa harapan at bumalik sa upuan ko. Tumingin sa akin si Seren na may malaking ngiti sa labi.
"You’re awesome, Astraea!"
"I just want her to know that she messed up with the wrong person."
"Dapat lang! Maldita siya!"
Ngumiti lang ako bago napansin si Levi na nakatingin sa akin. Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"What?" Pagtataray ko sa kanya.
Umiling siya bagong ngumuso.
Natapos ang araw na gabi ulit ako umuwi. I reviewed some of my quizzes. Nireview ko ang mga mali na sagot ko.
Sa pag-uwi ay nag-taxi na ako para isang sakayan na lang tutal ay gabi na rin. Pagdating ko sa bahay, nakita ko sila Tita na nasa sala. Levi was also there.
Agad silang napatingin sa akin nang makita akong papasok. Levi looks worried same as his parents.
"Astraea, where have you been?" Ani Tita na nag-aalala ang boses.
Nakagat ko ang labi. "Sa school po. Nag-review," sagot ko.
"Gabi na, Hija. We tried to call you but we figured out you left your phone inside your room."
"Oh… opo. Nagmamadali po kasi ako kaninang umaga."
"Yeah. You left home earlier than usual. Bakit? Marami bang ginagawa sa school?” Si Tito na ang nagtanong ngayon.
Pilit akong ngumiti sa kanila. I saw Levi and he looks anxious. Hindi ko siya pinansin at muling tumingin sa parents niya.
"Hindi naman po. Actually, I'm having a hard time in some of our subjects. Medyo malaking adjustment po kasi sa akin. Siguro po dahil stem ang strands ko noong 1st sem sa Cebu tapos nag-transfer ako sa CHU ng humss ng 2nd semester na. I need to review more than the usual para makahabol agad."
Nakita ko ang paglungkot ng mukha ni Tita. Pilit lang akong ngumiti.
What I’ve said is half true. Hirap pa din talaga ako sa ibang subjects namin. I want to avoid Levi because of what he did to me but this also helps me to focus on my studies.
Malaki pa rin ang pagbabago ng paglipat ko ng school at strand. Malaking adjustment kaya kailangan kong mas pagbutihin pa sa pag-aaral. Lalo na’t malapit na rin matapos ang klase.
Malapit na ang finals. It means I need to study harder to pass the 11th grade in order to graduate next year.
"Ganoon ba?"
Marahan akong tumango. "Opo kaya medyo maaga ang pasok ko para makapag-aral pa."
"Levi, you can help Astraea with her studies," sinabi ni Tito na nakatingin na sa anak.
Agad akong umiling. "Hindi na po. Marami na pong ginagawa si Levi sa school tapos malapit na rin ang humss day. He will be busier than me.'
"Hindi, Hija," umiling si Tita. "You see, Levi already read and studied the whole syllabus of this semester so don't worry about it. I know he will help you right, Son?" Sabay baling niya sa anak.
"Yes, Mom. Tutulungan ko po siya."
Napatingin ako sa kanya. He only smile. A weak smile. Palihim ko siyang inirapan. Ngumuso lang siya.
"That's settled then!" Malawak ang ngiti ni Tita.
Nagpaalam ako sa kanila na aakyat na sa kwarto ko. I sighed and walk in their grand staircase. Agad akong dumiretso sa kwarto ko.
"Tomorrow. After dinner. Rooftop."
Napatingin ako kay Levi na nakasunod pala sa akin. Nagsalubong ang kilay ko sa kanya at pinagkrus ang mga bisig.
"I wonder why you agree with your parents. Baka may plano ka na naman."
He shifted his weight and stared at me softly. "Astraea, hindi. Totoo 'to."
"Paano ako makasisiguro?"
He sighed and closed his eyes firmly. Sa tingin ko'y nagpipigil lang siya. Well, ako rin nagpipigil ng galit sa kaniya!
"At saka hindi mo naman kailangan na tulungan ako sa pagre-review. Noong una pa lang ayaw mo na. I understand, Levi."
"Astraea, hindi!" Mariin na wika niya.
Inirapan ko siya.
"Okay. I know, it's my fault. And I'm sorry."
Tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang malambot niyang mukha. And I can feel that he's really sorry for what happened.
He sighed and held my gaze softly. "I’ve shouldn't do that to you. I went too far. I've crossed the lines. Hindi ako nag-iisip sa mga ginagawa ko. Kasalanan ko. I'm sorry. I shouldn't made you mad."
"I'm not mad, Levi. I'm pissed of what you did."
He sighed again. Sa ginawa niya ramdam ko na nagsisi siya sa ginawa niya. I could see it from his gray eyes.
"I'm sorry, Astraea. I really am."
Hindi nawala ang tingin ko sa kanya bago tumango.
"Okay. Forgiven."
I want him to feel sorry for me. Ngayon na ginawa na niya, okay na ako. He was sincere right now. He apologized for his wrong doing. That's all matters to me.
Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga?"
Tumango ako bago ngumiti. "Iyon lang naman gusto kong gawin mo. Mag-sorry ka sa maling ginawa mo sa akin."
"I'm really sorry, Astraea. Mali pagkakakilala ko sa'yo. Nagkamali ako. At pangako, hindi na mauulit."
"It's fine. Sige na. Pasok na ako sa kwarto ko."
Tumango siy at ngumiti rin. "Okay. Bukas sa rooftop. I'll help you to review. Pambawi sa nagawa ko sa'yo."
Tumaas ang kilay ko dahil hindi ko mapigilan na humanga.
"You're really gonna help me?”
"Yes. Hindi ko alam na malaki ang adjustment mo dati. I thought you're also studying humss in Cebu. Hindi ko alam na stem pala. Alam kong mahirap talaga na biglang nagpalit ang environment mo."
Kuminang ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabait naman talaga si Levi. He's just grumpy lalo na pag hindi niya kilala ang isang tao. Katulad noong unang kaming magkakakilala.
Kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya'y magsusungit din ako dahil in the first place, hindi naman niya talaga ako kilala. Tapos niyakap ko pa siya noon na akala mo ang tagal naming hindi nagkita.
Not only that. Ang dami ring nangyari sa kanya na nakakahiya dahil sa akin. I know, it's my mistake. Kaya nga gusto kong magsimula kami ulit.
"Malaking adjustment talaga pero I don't have a choice. Nandito na ako sa Manila. Nag-aaral ng humss. I need to finish this strand and to graduate."
Natawa siya. "Yep. Kailangan talagang mag-aral ng mabuti para maka-graduate."
"Oo nga, e." Natawa rin ako.
Sa edad namin ngayon, pag-aaral talaga ang kailangan na pagtuunan ng pansin at hindi ang ibang bagay. Especially me, I still want to be a nurse.
"Oh, wait…"
Napatingin ako ulit kay Levi. Nagtaas ako ng kilay.
He bit his lips. "Did you transfer to CHU because of me?" Ramdam mo ang hiya sa boses niya.
I nodded instantly. "Yes. Ikaw ang dahilan ng pag-transfer ko ng school at strand."
Nagulat siya ngayon. Tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ko. His lips were parted a bit and his eyes were asking.
His adams apple moved. "Because of me?"
"Yes, Levi. I want you to be my friend."
I saw the amusement from his gray eyes. Maya-maya ay ngumiti siya. Ngiti na nagpangiti rin sa akin. Gan'yan kasi ang ngiti niya sa akin noong nasa community service kami.
"Really?"
"Oo nga! Sabi ko sa'yo seryoso ako sa'yo, eh."
His smile didn't fade. Kinagat pa niya ang labi at parang nagpipigil.
He nodded afterwards. "Okay, then. We're friends now."
Natawa ako. "Hindi ko pa nagagawa ang mga ni-request mo para maging magkaibigan tayo."
"Huwag mo ng gawin ang mga iyon. Pinagtri-trip-an lang din kita noon."
"Hindi, Levi! Gagawin ko talaga ang mga 'yon!" Sinabi ko sa kanya.
Nakaisip na ako kung paano ko magagawa ang mga sinabi niya sa akin. Hindi na ako uurong ngayon!
Umiling siya. "Astraea, huwag. That was just a joke. Hindi mo magagawa ang mga 'yon."
Ngumisi lang ako sa kanya. "Mali ka! I already thought about it! Alam ko na ngayon! Nakaisip ako ng paraan para magawa ang mga 'yon!"
His eyes widened. "Huh?"
"I told you, I will make those impossible things possible. Para sa'yo. Para maging magkaibigan tayo."
Natigilan siya at tumungo lang sa akin. The amusement of his eyes didn't face. Nandoon pa rin. Para ngang mas nadagdagan, eh. Maybe, he just couldn't imagine na gagawin ko talaga ang mga 'yon.
"Talagang gagawin mo para sa akin?" Kumikinang ang mga mata niya ng magtanong.
Matamis lang akong ngumiti sa kanya. "Yes, Levi. I already agreed. Wala ng bawian dapat."
He smiled. A sweet smile that could melt my heart right now.
Hindi ko alam. Masaya ako ngayong gabi. Masaya ako kasi alam ko na may maganda ng nangyayari sa aming dalawa ni Levi. Maybe, this is the start of our friendship.
A genuine start.