Kabanata 13

2257 Words
Kai Hindi ko pinansin si Levi ng hapon na 'yon. I was silent the whole time while I always saw him staring at me. Nasa mukha niya ang pagsisi pero hindi ko pinansin 'yon. I was mad at him for making fun of me. Sobra akong naging totoo sa kanya tapos lolokohin lang pala niya ako! Kung hindi pa nangyari ang nangyari kanina ay baka hanggang ngayon ay niloloko niya pa rin ako. I knew that he doesn't like me to be his friend especially when we first met. Inaamin ko rin naman na medyo nasobrahan ako ng aksyon nang makilala siya, pero sa tingin ko naman hindi ko deserve na gantuhin niya! He went too far! Kinabukasan ay maaga kaming umalis sa village at umuwi na para magpahinga. May klase pa rin kasi kami bukas. After we got home, Immediately went upstairs and locked myself in my room. Nahiga ako sa kama ko at hinawakan ang stuffed toy ko na fox. I faced it to me. "Nakakainis siya, 'di ba?" Kinausap ko iyon na parang sasagot iyon sa akin. Umirap ako. "I was sincere to him yet he was just making fun of me! Bwisit talaga! Akala ko may progress na kami at okay na tapos ganito lang pala!" Napapadyak ako sa higaan ko sa sobrang inis kay Levi. "I don't deserve to be treated like this! Hindi dapat ganito!" Reklamo ko pa sa stuffed toy. I rolled my eyes out of frustration. Nakakainis talaga! Ngayon lang ako nakaranas ng ganito sa buong buhay ko! Lumaki man siguro kami na hindi marangya ang buhay pero kahit kailan hindi ko maalala na may gumanito sa akin sa Cebu! Si Levi pa lang! "How dare he make fun of me?" Inis na sambit ko. No one messed up with me when I was in Cebu. Bukod sa magulang ko na kilala sa barangay namin at sa Kuya ko, pinalaki talaga ako na mabait kaya ni isa walang nagtangkang guluhin ang pamilya namin. And my parents raised me well. Hindi man ako nakaranas ng ganito sa amin, pero alam ko naman kung paano lumaban. I greeted my teeth. "Humanda ka sa akin, Levi! Makikita mo kung sino ang binangga mo!” Yes, I want to be his friend but I won't tolerate him for doing this to me. Aba! May katapusan din ang lahat! Kinabukasan ay maaga akong pumasok. I didn't even eat my breakfast. Sa school na lang ako mag-aalmusal. I don't want to see Levi's face. Nabubwisit lang ako. After I ate my breakfast, agad akong dumiretso sa classroom namin. Nakita ko roon si Seren na mukhang kadarating lang din. "Good morning!" Bati ko sa kanya sabay lagay ng bag ko at umupo. Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Good morning! Ang aga mo na naman." "Sa cafeteria ako kumain ng breakfast." Kumunot ang noo niya. "Huh? Bakit?" "Wala naman. Para maiba lang." Umiling siya. "Nag-away kayo ng Mommy mo, ano?" Napangisi ako. "Paano mo nasabi ‘yan?" "E, kasi ganoon kami ni Mommy sa bahay," sagot niya sabay irap sa hangin. "You see, she's always strict to me. It's getting on my nerves!" Natawa ako. I couldn't imagine how. Both of her parents are part of higher society. Imagine, maging anak ka ng isang politician at UN lawyer? And she's only daughter so expected na strict talaga ang magulang niya. "Ganoon din kami Mama," sinabi ko sabay iling. Humagikhik siya. "I think it’s only normal. Lalo na kung mag-ina." Nagkibit ako ng balikat sa kanya. I can related to her. Ganoon din kami ni Mama lalo na iyong nagdalaga na ako. "Pero oo nga, I haven't seen your family. I want to meet them, Astraea!" Biglang sinabi niya. "Nasa Cebu sila, e,” sagot ko. Natigilan siya. "I thought you're living with your parents here?" Umiling ako. "Hindi. Nasa Cebu sila ngayon." "So, hindi mo kaaway ang Mommy mo kaya ka dito nag-breakfast?" Umiling ako ulit. "Hindi." "So, sinong kaaway mo?" Natigilan ako at hindi agad nakasagot. They don't know about me and Levi are living in one roof. Bukod sa ayaw ni Levi malaman, hindi rin naman naungkat ang bagay na 'yon. Ngayon lang. I cleared my throat. "Ano… i-iyong pinsan ko," sagot ko sabay ngiti sa kanya ng pilit. Tumango siya at laking pasalamat ko dahil hindi siya nagtanong pa. Dumating pa ang iba naming kaklase at mga kaibigan. When Levi arrived, I didn't gave him a glance. Naka-focus ako sa pagbabasa ng libro at walang balak na kausapin siya. When our homeroom teacher arrived, I hide my book under my desk and listen to her lecture. Sa pagsusulat lang ako ng mga notes nakatingin at hindi pinansin ang katabi. Sa nagdaan na oras ay naririnig ko siyang bumubuga ng hangin at mula sa gilid ng mata ko'y nakikita ko siyang tumitingin sa akin paminsan-minsan. "Astraea…" Levi called my name softly. I shifted my weight and focused on taking notes. Ni paglingon ay hindi ko ginawa na kinabuntonghininga niya. Natapos ang oras na hindi siya pinapansin. When I noticed him stood up and went outside our room, umirap ako sa hangin. "Magkaaway kayo ni Levi?" Tumingin ako kay Seren sa harapan ko. Nakaupo siya paharap sa akin. Umirap ako sa hangin. "He lied to me," tanging sagot ko lang sa kaibigan. "It's about his feet, right?" Tumango ako. "Napansin ko nga kahapon na okay na ang paa niya. Akala ko ba he needs weeks to recover?" "He's a liar, Seren! Ginawa niya iyon para paglaruan ako dahil sa kagustuhan ko na maging kaibigan siya!” "That's harsh!" Napabuntonghininga na lang ako. "So, paano na ang friendship? Ayaw mo na maging kaibigan siya?" I sighed again deeply. "I still want to be his friend but I also want to teach him a lesson." "Hindi ka talaga susuko?" "Hindi. Pero hindi porque ganoon, e kailangan i-tolerate ko ang mga maling niyang gawain." She smile at me sweetly. "Iba ka talaga, Astraea!" I only smirked. "You see, Seren. I want him to realized that what he did to me was wrong and I want him to feel guilty about it. Kagaya kung paano ako na guilty sa mga nagawa ko sa kanya." Nang bumalik si Levi sa classroom ay kasama niya si Trixie. They both went in the lecture desk at tumuwid ng tayo. May hawak din silang mga white bond papers. "Okay guys, today we will announce that we're having a play in celebration of club day and intramurals." Ang sumunod na nangyari ay naghiyawan ang mga kaklase namin. Club day na pala next week. Maraming mga ganap sa school dahil natapat din sa intramurals kaya pati sa ibang department ay magiging busy sa mga darating na araw. Levi and Trixie announced the upcoming events for next week. Kasama na roon ang play na mapapanood ng lahat. And since it's a play. We have to decide kung sinong gaganap sa mga tauhan. "Levi just took a lead role. Ikaw naman ang classroom representative," Marcus suggested. Levi just smile. "Baka may gusto pa ng role na 'yon." "Wala! Ikaw lang!" Our classmates shouted. Napailing ako at boring na tiningnan sila. Wala talaga akong gana. I just want to rest today. "Okay, fine. I'll take the lead role," Levi agreed. Napairap ako. Nakita niya iyon at tumingin sa akin ng saglit bago nag-iwas ng tingin. "Then, can I be the leading lady?" It's Trixie's. Mas lalo akong umirap sa hangin. Malamang! "Si Astraea bagay sa character ng heroine," Si Seren iyon sabay tingin sa akin. Umiling ako agad. "Nope. Ayoko." Ngumuso siya. They didn't argue anymore. Trixie takes the leading lady while the other goes on. May role akong nakuha at iyon ay ang narrator. No choice ako dahil ang ibang kaklase namin ay gagawa ng mga props, documentation at script. "Thank you," I heard Levi's voice as he sat down beside me. "I’m just doing this because of our section. Not because of you," pagtataray ko sa kanya. "I know." Hindi ko siya sinagot. I busied myself the whole day. Tinapos ko rin ang assignment namin sa oral communication bago umuwi. "Astraea, we have a practice tonight at the school garden as per Levi said. Don't be late." Nagtaas ako ng tingin. Nakita ko si Trixie na nakatayo sa harapan ko. She was holding a lots of books. "Ala-sais na, a? May practice pa?" Takang tanong ko. Umirap siya. "Wala tayong self studying ngayong gabi kaya gagamitin natin ang oras sa pagpa-practice." "Oh…" that was all I could say. May self study kami everyday. From six to nine pm iyon. We usually do our revisions para sa mga quizzes, long tests and exams. CHU is far different from any other school. Napatingin ako sa relong pambisig at nakita na malapit ng mag-eight. Agad kong inayos ang gamit ko at lumabas sa room namin. Immediately went to the school garden. Umupo ako sa bleachers. Hawak ko na rin ang copy ng script namin. Binasa ko iyon habang hinihintay ang iba naming kaklase. Natapos ko ang kwento na wala pang dumating ni isa lalo na si Levi. I sighed and look at my wrist watch. Bumagsak ang balikat ko nang makita na pasado nine na ng gabi. Halos isang oras na akong naghihintay sa kanila. I rolled my eyes when I realized I was being pranked by Trixie. "Ang babaeng talaga 'yon! Bwisit!" Inis na sambit ko. "Sapakin mo na. Bwisit pala, e," I heard someone says. Napakunot ang noo ko. Tumingin ako sa paligid. I didn't saw anyone around. Gabi na at tahimik na ang paligid. Tanging ilaw na lang sa post light ang liwanag. "Sino ka?" Tawag ko sa kung sino. I heard someone chuckle. "Secret!" Tumayo ako sa upuan ko at ginala ang paningin ngunit wala talagang tao! I hugged my bag when I feel the wind touch my skin. Malamig! Natakot ako bigla at kasabay no'n ay may biglang humila sa akin sa isang gilid. There's a plants and flowers around the garden. Napatingin ako sa humila sa akin. I saw a guy with black shirt. Naka-black jeans din siya at black sumbrero. But I can still see his face because of the light. He was smiling at me. Hinampas ko siya sa braso. "You almost scared me!" Sigaw ko. He chuckled. "Sorry…" Bumuga ako ng hangin. "Akala ko kung sino." "Natakot ka ba?" May ngisi sa labi niya. "Muntik na!" Singhal ko sa kanya. Natawa siya ngayon. "You're the transfer student, right?" Tanong niya. Tumango ako. "That's the reason why you didn't know me." Umirap ang mga mata ko sa kanya. "Kailangan ba kilala ka lahat ng students dito?" He scoffed. "Of course!" "Bakit? Sino ka ba?" "I'm from the art class!" "Tapos?" Natawa siya ngayon. "Kaya ang boring niyong mga humss students, e." Umirap ako sa kanya. "Wala ka ng ibang sasabihin? Uuwi na ako.” "Bakit ka pa nandito ng ganitong oras?" Tanong niya pa. Muling bumalik ang inis ko. "Someone pulled a prank on me. Kainis!" "Hey, do you want to do something crazy?" He asked again. Nagsalubong ang kilay ko. "Huh?" He only smile at me before he held my hand. Tumayo siya kaya napatayo rin ako. Nang tumakbo siya at hilahin ako ay halos magulat ako. "Saan mo ako dadalhin?" "May humahabol sa akin! Huwag mo akong iwan!" Naguguluhan ako sa kanya. Saka ko lang naintindihan ang sinasabi niya nang makarinig ako ng malakas na pito. Lumingon ako at nakitang may humahabol sa aming isang guard ng school! Nanlaki ang mga mata ko sa takot dahil baka madamay pa ako sa kung anong kasalanan ng lalaki ito! Gusto kong bawiin ang kamay ko sa kanya ngunit hindi ko magawa dahil bukod sa hawak niya ng mahigpit ay natakot din akong mahuli kami. Nandito na ito kaya nagpadala na lang ako. We both run as we both catches our breathe. Huminto kami sa art building at nagtago sa likod ng building. I was catching my own breath as I looked at him. Pagod din siya tulad ko at nakita ko ang pawis niya sa leeg. "B-bakit ka hinahabol ng guard ng school?" Tanong ko nang makabawi sa paghinga. He chuckled. "I skip class today and spend my time in computer shop. Pupunta dapat ako sa classroom namin para kunin ang bag ko kaso nahuli ako." Napailing ako sa kanya. "You’re troublemaker! Dapat umuwi ka na lang." "Dapat talaga hindi ako umuwi. Nakita kita ngayon." He smiled. “So, no regret.” Natawa na lang ako sa kanya. "So, friends?" Napatingin ako sa kanya at naningkit ang mga mata. "I thought we're already friends since you already dragged me here." Natawa siya bago nilahad ang kamay sa akin. "Kai. Kai Matthew Gonzales." Tinanggap ko ang kamay ko. "Astraea. Astraea Ilyse Montilla. He smiled sweetly. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil medyo madilim but I know he's a good looking guy. Sa ayos pa lang niya. May medyo kahabaan din ang buhok niya dahil nakikita ko ang dulo niyon sa likod ng leeg niya. "Ang ganda mo namang bituin." I only laughed and that's when I realized something. Nanlaki ang mga mata ko at matamis na ngumiti. Bakit hindi ko naisip 'yon noon? "Sige na, Kai. Uwi na ako," paalam ko sa kanya. He nodded. "Ingat. And I'm sorry…" napangiwi siya sa dulo. Umiling ako. "Wala 'yon. Ikaw din ingat ka." I just chuckled when realization hits me. Naiinis ako kay Levi at dumagdag pa si Trixie but despite that, I got to know Kai. A new friend of mine!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD