Kabanata 12

2173 Words
Hurt Mabilis ko lang nagawa ang gagawin namin ni Levi ngayong araw dahil kaunti na lang ang tinanggal ko na papel. Nakangiti ako nang matapos kami dahil hindi man lang ako pinagpawisan sa ginawa. I must be blessed right now! "Are you that happy?" Rinig kong sambit ni Levi sa likuran ko. Tinanggal ko muna ang huling papel sa pader bago nakangiti na humarap sa kanya. Tumango ako pagkatapos. "Malamang! Kung sino man ang tumulong sa akin ay isang hulog ng langit sa isang tulad ko." He chuckled. That me smiled even more. Sinong hindi matutuwa e, simula kagabi palagi ko siyang nakikitang nakangiti. It must be a sign, right? It means…well maybe, masaya siya na kasama ako ngayon? "Tama na 'yan. Mapupunit na ang labi mo sa kakangiti." "Masaya kasi ako." He nodded. "Yep. You're happy. Pwede ka ng makapagpahinga, e." Umiling ako. "Hindi." He frowned. I grinned at him before I went near him. Nang makalapit sa kanya ay yumukod ako ng kaunti para maging magka-level kami. Nagsalubong ang kilay niyang nakatingin sa akin. "Ngumingiti pala ang isang tulad mo?" Ani ko sa kanya na may ngisi na sa labi. He playfully rolled his eyes. "Anong akala mo sa akin?" "Well, you always pulled a long face. Noong unang pagkikita natin, ang sungit mo. Tapos ngayon nakangiti ka na." "Sinong matutuwa kung yayakapin ka ng isang taong hindi mo naman kilala?" He fired back. Napanguso ako. Umiling naman siya. "But now, you're smiling at me." "Am I not allowed to smile?" Agad akong umiling. "Wala akong sinabi." He scoffed. "Bakit tayo napunta sa pagngiti ko?" "You should smile more often, Levi. You look handsome when you smile," nakangiti na wika ko sa kanya bago lumayo at inayos na ang mga gamit. I went to trash can. Tinapon ko muna ang mga papel na tinanggal ko sa pader bago binalikan si Levi na nandoon pa rin. But he's not alone now. He's with Trixie. Nakangiti at maaliwalas ang mukha ni Trixie habang kausap siya ngunit hindi ganoon ang nasa mukha ni Levi. His expression is blank and cold. I sighed. Pansin ko lang kasi na sa mga hindi niya kaibigan o malapit sa kanya, gan'yan talaga palagi ang ekspresyon niya. He looks so grumpy with that expression. Gan'yan siya sa akin noon lalo na noong inis na inis siya sa akin. And that only means one thing… hindi siya interesado sa'yo. And Trixie doesn't even notice that? Napailing ako sa sarili bago napagpasyahan na lumapit sa dalawa. As soon as I got near them, Trixie stopped and tilted her head toward me. I just slightly smile at her. "Astraea, let's go," ani Levi habang nakatingin sa akin. Tumango ako. "Okay." "Teka! Kausap ko pa siya, hindi ba?" Sabat ni Trixie. Lumingon ako sa kanya. Nakita ko ang galit sa mga mata niya. Hindi ko talaga siya maintindihan bakit siya galit sa akin samantalang hirap na hirap din akong mapalapit kay Levi. Tanga ba siya? She likes Levi. Tapos ako, ang gusto ko lang ay maging magkaibigan kami ni Levi pero pinahihirapan pa ako. Siya pa kaya na may gusto rito? Kasi kung ako ang nasa posisyon niya. I would stay away now. Dahil hindi ko hahayaan na masayang ang oras ko sa isang tao na hindi naman ako gusto. Masasaktan lang kasi ako kung pagpipilitan ko ang sarili ko. Pinalaki ako nila Mama at Papa na maraming aral mula sa kanila. Lalo na kay kuya. When someone doesn't know your worth, then stop it already. Don't let yourself get hurt because of those people who couldn't see your worth. We are all variable in this world. Don't push yourself to those people who doesn't even like you. Dahil marami tao na nagmamahal sa'yo. At may mga tao pang dadaan sa buhay natin na mamahalin din tayo. Maybe not right now, but someday. One person will stay by yourself. Sa kahit na anong mangyari. Kaya lumaki rin ako na hindi pinapansin ang mga tao na ayaw sa akin. They're not worth for me. Kaya hindi ako magsasayang ng panahon o oras para sa kanila. "Trixie, we'll talk about that when we were at school," si Levi. Trixie just rolled her eyes at me. "Okay, Levi. Ipapabasa ko rin sa'yo iyong tungkol sa play." Nakita ko na tumango lang si Levi bago umalis si Trixie. Umalis pa ito na umirap sa akin ulit. Napabuntonghininga na lang ako sa kanya. "Halika ka na. Puntahan na natin sila Seren." Napatango siya. "Mabuti pa. It's almost lunch now." Ngumisi akong tumingin sa kanya. "Libre mo ulit?" He looked at me flatly. "Asa ka!" "Ay! Hindi ka na mabait ngayong araw?" "Kahapon lang 'yon dahil nakakaawa ka. You're very tired and you don't want me to help you." "Eh, malamang! Paano ka makakatulong sa akin kung hindi ka nga makatayo dahil sa paa mo?" He sighed and bit his lips. "Tungkol doon, Astraea—" "Sinong na naman nagtanggal ng mga dinikit ko rito?!" Naputol ang sasabihin ni Levi nang makarinig kami ng malakas na sigaw. Sabay kaming lumingon ni Levi at nakita ang isang may katandaang lalaki na may hawak ng maraming papel. My mouth fell open when he got near to the wall. "Ang kulit niyong mga bata kayo! Dinikit ko nga 'yon dahil may hiring sa tindahan ko! Ngayon, paano ako makakahanap ng trabahante kung tinanggal na naman!" Napakurap-kurap ako sa kanya. The next thing I knew, I saw him sticking a paper on the wall again. Nagtiim bagang ako sa nakita ko. "Aba! Siya pala ang nagdidikit sa pader, eh!" Nainis ako bigla. Lalapit sana ako sa kanya nang may humawak sa kamay ko. Nilingon ko si Levi. "What are you doing?" He asked. "Pagsasabihan siya na bawal ang ginagawa niya!" "Astraea, huwag na." Kumunot ang noo ko. "At bakit? Nagpakahirap ako kahapon para tanggalin lahat ng papel sa letseng pader na 'yan tapos maglalagay ulit siya?" Umiling siya. "You will get yourself into trouble. Huwag na." I only smirked at him. "Don't worry. I'll out smart him." Mayabang na sinabi ko lang sa kanya. He sighed deeply. Nakita ko pa ang mariin niyang pagpikit ng mga mata. Tila ba hindi niya gusto ang balak ko. Ngumisi lang ako sa kanya bago lumapit sa matanda na nakakrus ang mga bisig. May nadikit na siyang tatlong papel. Hiring nga iyon. Naghahanap ng mga taga-buhat ng bigas. Wala na akong interesado pa roon. Nakagat ko ang labi sa inis. "Alam niyo po ba na bawal magdikit ng kung ano sa pader lalo na kung hindi niyo naman pagmamay-ari?" Napalingon sa akin ang matanda. Nagkasalubong ang kilay niya. Mataba siya at kalbo. May bigote rin siya at halata na naka-inom base sa mapula niyang mukha. "Anong gusto mong gawin ko?" Sagot niya medyo maangas pa. "Sir, alam niyo po ba na mayroon namang tamang lagayan ng mga hiring sa kabilang kanto? Doon niyo na lang po idikit ang mga 'yan dahil hindi po pu-pwede ang ginagawa ninyo. Wala po kasi kayong pahintulot sa may-ari.” "Sino ka bang bata ka at nangingialam ka sa akin?! Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo!" Singhal niya na galit na. Napairap ako sa kanya. "Nagingialam po talaga ako dahil napagod akong magtanggal ng mga papel na dinikit ko diyan sa pader na 'yan!" Tumigil siya sa ginagawa at humarap na sa akin. "Ikaw pala ang nagtanggal? Pakialamera kang bata ka! Kailangan ko ng trabahante!" "Kaya nga po sinasabi ko sa inyo na nasa kabilang kanto lang ang pwede niyong pagdikitan ng mga niyan!" "Eh, ayoko nga roon! Ano bang pakialam mo! Walang nakakakita ng mga ito roon. Dito mas maraming dumaan na tao!" "Eh, bawal nga dahil hindi naman sa inyo 'yang pader na 'yan!" "Wala akong pakialam! Wala ng tao sa lugar na 'to kaya umalis ka na! Sinasayang mo ang oras ko!" Nakagat ko ang labi sa sobrang inis na ngayon. Nagsimula siyang ulit na magdikit ng papel ngunit lumapit ako roon para tanggalin ang mga dinikit niya. Galit siyang tumingin sa akin ngayon. "Gago kang bata ka, ah?! Anong gusto mo?" Galit na galit na ito sa akin base sa boses niya. "Pinagsasabihan lang po kita." "Gusto mo ba ng ayaw? Sige! Pagbibigyan kita?" Halos manlaki ang mga mata ko ng lumapit siya sa akin at aambang hahampasin ako ng hawak niyang maliit na balde na may kung anong laman. Ngunit bago pa tumama at mabuhos sa akin ang laman no'n ay nakita ko na may sumipa no'n. Napakurap-kurap ako sa taong gumawa no'n. I saw Levi, standing in front of me. He instantly hold my hand. "Run!" Before I could react, mabilis niya akong hinila at tumakbo. Rinig ko rin ang malakas na mura ng matanda at hinabol din kami. I run as fast as I can sa sobrang takot. Sa pagliko namin sa kabilang kanto, nakita namin sila Arthur at Seren na kasama sila Luis at Marcus. "Paharang ng matanda!" Malakas na sigaw ni Levi sa kanila habang palapit kami. Our friends looked at us. Lahat ay gulat at hindi alam ang gagawin. Mabilis namin silang nilagpasan at narinig ko ang ingay sa kanila. Nang lumingon ako ay nakita ko na hinarang nga nila ang matanda. I couldn't help but laugh when I saw the old man. Napada ito at nakadagan na sila Arthur sa kanya. Lumiko kami ulit sa isang kanto at doon tumigil. I was panting when we stopped running. Napahawak pa ako sa tuhod ko at hinabol ang paghinga. "D-do you think…" I catch my own breath. "He w-will see us here?" Nakagat ko ang labi habang hinahabol pa rin ang paghinga. Ngayon lang yata ako tumakbo ng ganoong kabilis. "I-I don't think so..." Levi said, catching his own breath too. Hindi ko mapigilan na matuwa sa nangyari. Muntik na naman akong makagawa ng isang bagay na pagsisisihan ko. "Did you see his face earlier? Galit na galit siya na parang kakainin ako ng buhay." Levi laugh too. "Yeah… kaya nga sabi ko huwag mo ng pansinin. Muntik ka pang mapahamak." I looked at him. "Thank you." Umiling siya bago sumandal sa potse. "Mabuti na lang nandoon ako. Baka nasaktan ka pa no'n." "Kaya nga, eh. Pero maganda iyong sipa mo kanina. Tumilapon ang laman ng dala niya." Natawa ako ulit ng maalala ang nangyari. "That was what you called a flying kick." "Oo—" naputol sa ere ang sasabihin ko nang may ma-realized. I furrowed when I saw him, standing in front of me as if he was okay and his feet were not hurt. And that hit me. Napalinga ako agad sa paligid para hanapin ang wheelchair niya. "Where's your wheelchair?" Takang tanong ko sabay angat ng tingin ulit sa kanya. He looked shock too. Pagkatapos ay nag-iwas ng tingin sa akin. Bumaba naman ang mga mata ko sa paa niyang may benda. "Tumakbo ka ng mabilis tapos okay lang ang paa mo?" Naguguluhan na ako. Nagtataka akong tumingin ulit sa kanya. I saw his face went pale. Nag-aalinlangan siyang tumingin sa akin. Kumunot ang noo ko. "Okay ka lang?" Tanong ko. "H-hindi…" nautal siya ngayon sabay ngumiwi na akala mo nasasaktan siya. "M-masakit ang paa ko.” He added before he slowly held his right feet. My face went blank. "Talaga? Masakit?" I sarcastically said. "Oo—aww!" Sigaw niya ng sipain ko siya. Galit akong tumingin sa kanya. "Did you enjoy making fun of me while I was being sincere to you!" Galit na sinabi ko sa kanya. "Why? Ikaw ang nag-umpisa. Sinakyan lang kita." My jaw clenched. "I was so worried about you. I feel so guilty for hurting you that day… tapos hindi pala totoo? All I need from you is to forgive me for what I need… tapos ganito pala?" I am hurt. Naging totoo ako sa kaniya. Halos masisi ko ang sarili ko kung may mangyari sa kanyang masama dahil kasalanan ko rin naman. His face softened. "Sorry. I didn't mean to do that. Hindi ko rin alam na seseryosohin mo—" "Levi, I was serious when I said that I want us to be friends but I didn't know you will take advantage of me! I was so scared that day kasi akala ko baka kung anong mangyari sa'yo lalo na sa puso mo tapos paglalaruan mo lang pala ako?" Hindi ko mapigilan na tumaas ang boses sa galit na nararamdaman. "Bakit ba kasi sobrang nag-aalala ka sa akin? Hindi naman kita kilala?" "Because I cared for you!" My tears came out of my eyes. He stopped and stared at me. Agad kong pinunasan ang luha ko. I sobbed and bit my lips. "If you don't want me to be your friend, you can just tell me, Levi. Hindi iyong ginaganto mo pa ako." "I'm sorry, okay?" Aniya na parang napipilitan lang. Masama ko siyang tiningnan bago lumapit sa kanya. Isang tadyak ang ibigay ko sa paa niya. Napangiwi siya sa sakit at napagawak doon. "Masakit?" "Malamang! Sinipa mo, eh!" "Talagang masakit! Letse ka kasi!" Sigaw ko sa kanya bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD