Papel
Kinabukasan maaga kaming nagising para simulan na ang community service. Bago kami nagsimula sa mga gagawin namin ngayong umaga nagkaroon muna ng kaunting pagpupulong ang head dean ng HUMSS.
Pagkatapos no'n ay nagsimula na kami sa mga gawain namin. Napatingin kami ni Levi sa gagawin namin.
"Matatapos niyo kaya 'yan hanggang bukas?" I heard Seren's voice.
I sighed. "Kakayanin," bagsak ang balikat na sagot ko.
"Tapos pilay pa 'yang ka-partner mo," naiiling na sinabi ni Marcus.
"Magagawa 'yan," si Levi na nakaupo sa wheelchair niya sabay angat ng tingin sa akin. "right, Astraea?"
Inirapan ko siya. As if naman malaki ang maitutulong niya sa akin. Tumango ako pagkuwan sa mga kaibigan ko.
"Kaya 'yan!" Malakas na sinabi ko.
"Levi, tulungan mo 'tong Astraea. Kawawa siya kung siya lang ang gagawa ng lahat sa inyong dalawa," ani Seren.
I heard Levi chuckled. "Kita mong pilay ako.”
"Kahit na! Help her!"
Napailing na lang ako. I think he was doing this because I owed him a lot. Isama mo pa na gusto ko siyang maging kaibigan.
"Sige na. Do your work now," ani ko sa kanila.
"Mauna na kami."
"Let's all meet up later to eat."
Tumango ako sa mga kaibigan bago sila umalis. I sighed when I tilted my heads to see the wall full of papers. Sa dami no'n, mukhang aabutin ako ng gabi bago matapos 'to.
"Let's get started," ani ko habang hindi nawawala ang tingin sa pader.
"Sure kang kaya mong tanggalin lahat ng iyan?"
Lumingon ako kay Levi. He's already looking at me with his narrow eyes. I scoffed.
"Of course you're going to help me!"
"Paano nga?"
"Iyong mga abot mo lang ang tanggalin mo. Nakaupo ka lang diyan sa wheelchair mo but you are still helping and doing your part." I smiled at him sweetly.
Let's see, Levi. Hindi mo ako mapapahirapan tulad ng gusto mo.
"Okay. Let's get started."
Iyon na nga ang ginawa namin. We do our work. Siya sa ibabang bahagi ng pader at ako naman syempre, doon sa itaas. And I knew this wasn't going to be easy kaya wala pa kami sa kalahati ay nangangawit na ang mga kamay ko.
I bit my lips and stopped for a moment. Ramdam ko ang pawis sa leeg at noo ko bago tiningnan ang marami pa ring papel na nakadikit sa pader.
Marami pa rin. Ang hirap pa lalo dahil nasa pinaka-itaas na ito ng pader na nakadikit. Hindi ko na abot. Masakit at ngawit na rin ang dalawang kamay ko.
"Kaya mo pa ba?" I heard Levi's baritone voice.
I sighed and wiped my forehead. I knew it from the start na mahihirapan ako. Nalukot lalo ang mukha ko.
"Hey, Astraea."
"Hmm?" Tanging tugon ko lang sa kanya.
I couldn't look at him because I know I'm all tired and drained. Kailangan magawan ko ng paraan na matapos ito ngayon para bukas kaunti na lang.
"Are you okay?"
Bumagsak ang balikat ko. I can't think straight right now lalo na't pagod na ako. All I need is to rest and sleep.
Umiling ako sa kawalan.
"Bukas na lang 'yan. Let's rest for now. Magpahinga ka muna."
"No. Kailangan kong matapos ito ngayong araw. You know, may isang pader pa para bukas."
I heard him sighed. "I'll help you, okay? Magpahinga ka na ngayon."
Tumingin ako sa kanya na blanko ang ekspresyon. "How can you help me? Huh?" I sarcastically said.
Nakatingin lang siya sa akin. Mamaya-maya ay nakita ko ang paglambot ng mukha niya. He licked his lips and bit it after bashfully.
"Tutulungan nga kita. Right now, I want you to rest."
"Levi, hindi ka pa makatayo ng maayos, 'di ba?"
"Astraea, don't worry about me—"
"How can I not worry about you when I put you in this situation?" I cut him off.
Natahimik siya.
"Sobrang guilty ko na nga sa mga ginawa ko sa'yo tapos kung madadagdag na naman iyon kung tulungan mo ako ngayon, mas hindi ko kakayanin 'yon, Levi. Just please, let me do this instead. I'm sure, I can think of something else para matapos ang mga ito."
Ngumuso siya bago umiwas ng tingin at pinikit ang mga mata ng mariin. I even saw how he looked irritated so I just sighed.
He's angry. Again.
"Kumain na lang muna tayo," dugtong ko. "After all, you need to eat now."
Muli siyang tumingin sa akin na halata na ang inis sa mukha niya.
"Ikaw ang kailangan na kumain at hindi ako! Stop worrying about me, Astraea!"
I just smiled at him. "I can't do that, Levi."
He rolled his eyes making me chuckled. Umiling ako at pumunta sa likod niya para hawakan ang wheelchair. Umalis kami roon at pumunta sa mga kaibigan namin.
Sakto na nakita namin ang mga kaibigan namin na tapos na rin sila sa mga gawain nila. We go to the garden of the village and sat in one of those benches there.
"Let's just order something to eat. It's on me," ani Levi nang makaupo na kami.
Tumingin kaming lahat sa kanya. The others were shocked while Arthur shouted.
"Yes!"
"Lubusin na natin 'to. Baka ngayon lang 'to," nakangisi na wika ni Markus.
Seren shook her head. "Maganda yata ang gising ni Levi, e."
Ngumiti lang si Levi sabay tingin sa akin. I smiled lightly.
"Sana laging maganda ang gising mo," Arthur was still happy as if he just won a lottery.
"Jollibee na lang," Luis suggested.
"Ako na ang o-order," Arthur took off his phone from his pocket.
"I want Spaghetti with chicken and fries," says Seren.
"And coke float," Arthur smiles.
Nagsunuran na ang iba na sabihin ang order nila kay Arthur.
"Ikaw Astraea?" Arthur glued his eyes on me.
"One chicken lang tapos coke," sagot ko.
"Iyon lang?"
Napatingin ako kay Levi na nagsalita. His brows were furrowed while looking at me.
"Bakit?"
"Um-order ka ng marami. You're tired, Astraea. You need to eat to gain energy," seryoso na wika niya.
Ngumuso ako sa kanya. "I can't even feel my hands right now, Levi. Ni hindi ko nga maangat ang mga kamay ko kaya iyon na lang. Masakit. Hindi rin ako makakakain ng maayos."
I saw his jaw clenched. Bumalik din ulit ang iritableng mukha niya. I don't know why he's getting angry right now though.
"You need to eat, Astraea!"
"Masakit nga ang mga kamay ko! Paano ako kakakain? Ano? Susubuan mo ako?"
"If you want me to."
Natigilan ako. Narinig ko ang natawan ng mga kaibigan namin. Hindi siya natinag at tumaas pa ang kilay.
"Ano?" Panghahamon niya.
Inirapan ko siya. "Baka ma-bankrupt ka sa lahat ng order ko."
He only smirked. "Don't worry I'm the heir of Saavedra Software and Technology Corporation."
"Yes, you are," tanging nasabi ko na lang.
Bakit ba ako makikipag-argumento pa sa kanya? Hindi naman siya magpapatalo sa akin.
"I want chicken with spaghetti and rice. Burger, fries, coke and apple pie. Tapos burger steak din. Tig-dalawang order ang lahat."
"Good," I heard Levi's soft voice.
Arthur ordered our food. Nang dumating ang mga iyon, si Levi ang nagbayad habang kumain naman na kami pagkatapos. I enjoy the food even though my hands are hurts.
Kaya pa naman basta may pagkain. I need energy for tomorrow. There's still a lot of work to do. Kailangan ko talagang kumain ng madami.
"Here. Sa'yo pa 'to."
Nilagay ni Levi ang isang burger sa harapan ko. Lumingon ako sa kanya. He just smiled. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti rin.
Natapos ang araw na 'yon na pagod ako. Nang makabalik kami sa kwarto namin ni Seren, naligo lang ako bago natulog ng maaga. Sa sobrang pagod ko, nakatulog agad ako ng mahimbing nang gabing iyon.
When I woke up the next day, I get myself ready. Last day namin ngayon at bukas ng umaga ang uwi namin. Suot ang jeans at white shirt na pinartneran ko ng sneakers, lumabas ako para simulan na ang araw nang makita ko si Levi sa labas.
I immediately went to him. He smiled instantly when I got near him.
"Good morning!" Bati ko sa kanya.
"Good morning. Halika na may trabaho pa tayo."
"Right."
Hindi nawala ang ngiti niya. Pinuntahan na namin ang gagawin namin ngayong araw. Ngunit nang makarating kami roon, nagsalubong ang kilay ko nang makitang kaunti na lang ang nakadikit na mga papel doon.
"Huh? Nasa tamang lugar ba tayo?" Takang tanong ko.
As far as I can remember, tulad kahapon ay maraming papel din ang nakadikit dito. I even saw this wall when we first got here.
"Yep. We're in the right place."
"Pero, one.. two… three.. four… five. Limang papel lang ang nakadikit dito!"
"Hindi ba dapat maging masaya ka dahil limang papel na lang ang tatanggalin mo?"
Tumingin ako sa kanya na magkasalubong pa rin ang kilay. He only smiled at me.
"So, it means makakapagpahinga tayo maaga?" Halata mo ang tuwa sa boses ko.
Who wouldn't be happy? Sobrang nakakapagod ang ginawa ko kahapon tapos ngayon limang na lang ang tatanggalin ko tapos pwede na akong magpahinga. Wala na kaming gagawin!
Tumango siya. "Yes, Astraea. We can rest now and do anything we want."
"Yes!" Hindi ko mapigilan na mapasuntok sa hangin.
But that hit me.
"Sinong nagtanggal ng mga papel?" I frowned once again.
Kung hindi ako at si Levi dahil sa paa niya. Sino ang magtatanggal ng mga papel?
"Dunno… baka nakita ka ng guardian angel mo na nahihirapan kahapon kaya tinutulungan ka ngayon," sagot niya bago umiling.
Natawa ako sa kanya. "Loko.”