Friends
Nauna ako kay Levi umalis sa bahay nila. Luckily, I was able to get away from him. Hiyang-hiya pa rin ako na naabutan niya ako kanina sa ganoong posisyon!
Baka kung ano ang isipin niya!
Nakagat ko ang labi habang papasok sa campus. Maaga akong pumasok para makaiwas sa kanya. Namumula pa kasi ako sa nangyari.
"Astraea!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. I smiled when I saw Seren. She was running towards me while waving her hands.
"Ang aga mo ngayon, ah?" Hinihingal na wika niya nang makalapit sa akin.
"Maaga lang nagising."
"Akala ko excited ka sa community service natin." Humalakhak siya pagkatapos.
Dahil sa sinabi niya. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. She stopped too and stared at me confusedly.
"Mahirap ba talaga?" I asked curiously.
I haven't asked her about it. First time kong gagawin 'to kasi first time ko ring mag-aral sa Crestwood High University.
CHU is a well known school in the country. Ilan lang nakakapasa at kaunti lang ang students na tinatanggap nila. Most of the students came from rich families or part of higher society. But imagine, they're doing community service?
At nakapasok ako sa magandang school na 'to dahil sa tulong ng mga magulang ni Levi. Kung wala sila, I couldn't imagine studying at this school.
She smirked. "Kinda. It's depends on what they assign to you. Doon natin malalaman mamaya."
Naningkit ang mga mata ko. "Do you think it's ridiculous?" Tanong ko pa.
Tumawa siya ng mahina at inayos ang buhok niya. Seren has a pale white skin. Mas skinny nga lang siya sa akin at maikli ng buhok. But I couldn't deny how beautiful she is especially that she has a fierce look in her eyes.
Tila ba isa sa mga babae na hindi papatalo sa kung sino. Hindi na rin ako magtataka. She's the only daughter of the Jimenez family. Her father is a United Nation lawyer and her mother is a politician.
"CHU has been doing this for a long time now. It's part of the charity that the school had. Nakakatulong din ang school pag nagsasagawa sila ng community service kasi naging mandatory na."
Napatango na lang ako sa sinabi niya. Nakakatulong nga naman dahil community service ito. Hindi man siguro malaki, but at least the school has its own way to help the environment.
"Masasanay ka rin."
Hindi na ako nagkumento pa at nagpatuloy pumasok sa building namin. Bago pa kami pumasok ay nakita namin ang Daddy ni Arthur sa harap ng building.
"Good morning, Sir de Vera." Sabay na bati namin ni Seren.
Unlike Arthur, seryoso ang daddy niya. Matingkad ang tayo nito at nasa likod ang mga kamay. He didn't even smile at us even though he knows we're his son's friend.
Siguro ganoon talaga pag-Dean ng University. Napapaisip pa rin ako bakit pasaway si Arthur, eh, Dean ng CHU ang daddy niya.
Isa kami sa mga nauna na pumasok sa room namin. Nandoon na ang iba pero wala pa ang karamihan sa amin. I sat down in my seat and does my things.
We usually do a self study. May self study din kami sa gabi kaya mapapadalas na ang uwi ko ng gabi. Maaga pa rin naman kaya may time akong mag-review just in case may quiz mamaya.
"Astraea, tabi tayo mamaya, ah?" Rinig kong sinabi ni Seren.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya sabay tango. "Okay. Pero hindi ba dalawang araw tayo roon?"
"Yes. Last year, maraming babae ang magkakasama sa isang kwarto. Hindi ko alam ngayon kasi wala akong nabalitaan."
"Okay lang sa akin kung may kasama tayo."
"Pero mas maganda kung tayo lang. We can have fun."
Natawa ako. "We're doing community service, Seren. How we can have fun?"
Ngumisi siya. "Astraea you're new here. Trust me, magiging masaya 'to."
"May pinaplano ka na naman?"
"We have a plan, Astraea."
Napalingon ako sa nagsalita. Nagsalubong ang kilay ko nang makita si Arthur na may ngisi rin sa labi kagaya ni Seren. Kasama niya sila Louis at Marcus.
"Akala ko ba magkaaway kayo?"
Tumingin ako sa dalawa na nakangiti ngayon. Arthur sat down besides Seren and faced me. And he gave me his most innocent eyes.
"Huh? Kami? Magkaaway? Kailan?" Para siyang nawalan ng amnesia ngayon.
I heard Louis and Marcus laugh. Nakita ko ang dalawa na umiiling habang nakaupo na sa mga assigned seats sa kanila. Silang dalawa ang magkatabi.
"They're always like that. Masanay ka na, Astraea," ani Marcus na tumatawa ngayon.
Napabuntonghininga ako ng makita ngayon sila Arthur at Seren na nag-uusap. Parang walang nangyari noong isang araw, ah?
Napailing na lang ako sa dalawa. On the corner of my eyes, I saw Trixie looking at me with a glint of annoyance in her eyes. Nagsalubong ang kilay na tumingin ako sa kaniya at nakita kong umikot ang mga mata niya bago umayos ng upo.
Is she angry at me? Because the last time I check, I'm not close to her. Ni kausapin siya'y hindi ko magawa, kaya bakit umiirap siya sa akin ngayon?
"Seren…" Tawag ko sa kaibigan.
She crane her head to me. "Yes?"
"Galit ba sa akin si Trixie?"
"Bakit?"
"I think I just saw her rolling her eyes at me."
She chucked. "She was doing that to you a lot of times now."
Nag-isang linya na ang kilay ko. "Bakit?"
Saglit siyang tumingin kay Trixie na nagbabasa na ngayon bago tumingin ulit sa akin. Seren moved a little bit closer to me.
"She has a crush on Levi. I think nagseselos lang 'yan dahil close kayo ni Levi."
Mas naguluhan ako sa sinabi ng kaibigan. "Huh?"
Why would she be jealous when Levi and I are not close just like what Seren said?
"You see, Astraea. She was the top students in CHU until Levi's came. Noong una akala namin galit siya kay Levi kasi naagaw nito ang rank niya, pero mali. Some of the students heard from her friends that she likes Levi. At hindi lang ikaw ang unang babae na gusto siyang maging kaibigan. Trixie was the first… not until Levi rejected her on Valentine's Day."
My eyes glued at Trixie. She is pretty. Maputi, matangkad, at matalino. She has wavy long hair, pointed nose and thin lips. She also wears makeup that makes her mature.
"Bakit siya galit sa akin, e hindi naman kami close ni Levi? Galit nga sa akin ang isang iyon."
"Siguro dahil kahit anong kulit mo kay Levi, walang ginagawa si Levi. Unlike her, na rejected agad ni Levi ng mabilis."
Gusto kong matawa. Isn't that ridiculous?
"Funny, right?" Dugtong pa ni Seren. "Hayaan mo siyang mainggit sa'yo. Mas maganda ka naman sa kanya."
Hindi na ako nagkumento pa at nanahimik na lang hanggang sa dumating si Levi na may saklay.
"What happened to you?" Agad na tanong ni Arthur.
"Sprained ankle," Levi simply answered and sat down beside me.
"Bakit? Paano ka bukas?"
"Siya," sagot nito sabay turo sa akin na may ngisi sa labi. "ang bahala sa akin bukas."
Napahalukipkip na lang ako habang sila Seren at Arthur ay nalilito na nakatingin sa aming dalawa. I didn't say anything but I saw Seren frowned.
Natapos ang morning class namin na hindi kami nag-uusap ni Levi. I was still embarrassed that's why I couldn't talk to him. Siya naman siguro masaya na hindi ko siya ginulo hanggang sa makarating kami sa maliit na town kung saan magaganap ang community service.
Daddy ni Arthur ang isa sa mga kasama namin. We're also staying for two days.
After a short briefing from Mr. de Vera, they signed us na para sa mga gagawin namin bukas. We're going to rest today. Bukas ng umaga magsisimula community service namin.
Pagkatapos no'n ay pumunta na kami ni Seren sa magiging kwarto namin. We're staying in one small room. Two single beds na kasya lang sa aming dalawa. I arranged my things and put my bag in the bed bago umupo.
"Gusto ko nang matulog ng maaga," ani ko sabay buntonghininga.
I'm sure na mapapagod ako bukas dahil magkasama kami ni Levi. Na-assigned kaming dalawa na magtanggal ng mga papel na nakadikit sa poste ng barangay. And I know it's already tiring dahil sa pagpasok pa lang namin ay nakita ko na agad ang mga poste na maraming nakadikit na papel.
Mostly hiring for employees ang nakadikit. Nakakangalay panigurado. Lalo na't ako rin ang gagawa ng kay Levi.
"Hey! Anong pahinga? Didn't I say we going to have fun tonight?" Si Seren.
Tumingin ako sa kanya sabay haba ng nguso. I gave her a puppy eyes.
"Sa susunod na lang pwede?"
"No, Astraea! Ngayong gabi lang natin pwedeng gawin 'to! Hindi natin magagawa 'to sa susunod dahil busy na tayo."
"Ano ba kasing gagawin natin?"
I saw her smirked and she came to me. Umupo siya sa tabi ko at sinapo ang mukha ko.
"We're going to drink."
I furrowed. "Huh?"
"Mag-iinom tayo. Sa may lumang building sa dulo ng barangay. Mamayang hating gabi doon tayo."
I didn't argue with her anymore. Hindi na rin ako nagtanong kung anong iinumin namin at kailangan na hating gabi pa.
Kumain kami ng sabay kasama ang mga HUMSS students. After we ate, we get back to our rooms. The head Dean also inspection our things. Mahigpit sila kaya hindi ko alam bakit nagbabalak sila na umalis sa mga kwarto namin.
"Wala na si Mr. de Vera? Seryoso ka, Marcus?" I heard Seren's voice.
It's already one a.m at balak na naming umalis. Magkikita kami sa lumang building. Seren already called the boys to check if there's no one outside now.
"Okay. Okay. Aalis na kami," aniya sabay patay ng tawag at tumingin sa akin. "Halika na. Wala na raw nag-iikot."
Tahimik akong sumunod sa kanya. You see, I'm on my pajamas now. Ganoon din si Seren.
She was holding my hand while were slowly stepped out our room. Tahimik kaming dalawa. Walang gustong gumawa ng ingay. When we reached outside, we ran. Hanggang sa makarating kami sa sinasabi nilang lumang building.
I saw Arthur, Marcus and Louis when we reached the building. Kumunot ang noo nang makita si Levi na nandoon din.
"Nasa rooftop tayo," ani Louis.
I was clueless and wanted to asked now. Nakarating kami ng rooftop at halos malaglag ang panga ko nang makita na may maliit na lamesa roon at may mga baso.
They're literally drinking? Like alcohol?
"What's this? Umiinom talaga kayo?" Naguguluhan na tanong ko sa kanila.
Nakakunot ang noo na umupo ako. Katabi ko si Seren at Levi na naka-crutches. Parehas ko silang nasa gilid.
"You didn't know?" Si Marcus.
"We're seventeen!" Bulalas ko.
I heard Levi chuckled. "This is just a cocktail."
Tumingin ako sa kanya at masama siyang tiningnan. "Parehas lang 'yon!"
He looked at me. "No, it's not. Cocktail drinks are far way different from hard liquors. You can't get drunk with cocktails."
"Parehas may alcohol! Saka seventeen pa lang tayo! We're not even allowed to drink!"
"Astraea, we're in the right age to drink. Saka cocktail drinks lang ito. More on juice than liquors so this is okay."
"We're not at a legal age."
"But we're old enough to make decisions like this. Hindi naman tayo magpapakalasing. We're just going to celebrate tonight," Sinabi ni Seren sa tabi ko.
"Celebrate what?"
Ngumiti siya sa akin ng matamis. "Kayo ni Levi. Dumagdag kayo na kaibigan naming apat."
Hindi ako nakapagsalita. Tumingin ako kay Levi na nakangiti. He raised his brows and grabbed one glass and sip on it.
"Pwede ka niyan?" Tanong ko sa kanya.
Uminom siya ulit bago tumingin sa akin. "Cocktail drinks won't going to kill me."
I gritted my teeth. "Can you please stop mentioning death and killing? Nag-aalala ako sa'yo!" Galit na sinabi ko sa kanya.
He stopped and stared at me. I saw his face softened and his adams apple move. Nasa mata rin niya ang paghanga sa hindi ko alam na dahilan. O baka namamalikmata lang ako.
Marahan niya akong tiningnan pagkatapos. "I'm fine, Astraea. Really."
"Talaga?"
He smile. "Yes. Can we enjoy this night? Bukas nakakapagod na."
"Astraea, this is okay. We usually drink cocktails occasionally."
Napabuntonghininga na lang ako. Ganito ba talaga pagmayaman? We're not rich. Simple lang ang buhay ko sa Cebu kaya hindi ako sanay sa ganito.
"Dapat palagi tayong may ganitong okasyon. Halos isang taon tayong magkakasama sa senior high," Arthur said as he drink his cocktail.
Louis nodded. "Yes. Especially that Levi and Astraea added to our friendship."
"Sinasabi ko sa inyo. Mula sa araw na tayo, hindi na tayo magkakahiwalay! We will stick together no matter what happens because that's what friends do!" Seren declared.
Natawa ako sabay inom ng kaunti ng sa akin. This is actually taste good.
"It tastes good, right?"
Napalingon ako kay Levi. He was looking at me with a small smile.
Ngumiti ako na tumango sa kanya. "Hmm…"
"Told ‘ya."
"So, friends?" I raised my brows.
He chuckled softly. "Hindi mo pa nagagawa iyong requests ko."
Napanguso ako.
"I will get there," ani ko sabay ngisi sa kanya.
"Are you seriously going to do it when it's very impossible?"
Tumango ako. "Yes, Levi. So watch me and make those impossible things possible."
I saw his eyes sparkles. Hindi ko alam kung para saan pero kuminang ang mga mata niya. And he looks very happy too.
"Para lang maging kaibigan ko? You're crazy, Astraea."
I pursed my lips. "Not crazy though. I just want to be your friend."
I saw a glint of excitement through his eyes before he smiled at me. At hindi ko alam bakit ang saya-saya ko ngayon dahil ilang beses siyang ngumiti sa akin.