“`EY, panda.” “Oh?” Hindi sinulyapan ni Amber si Grey. Nakatutok siya sa netbook niya at nagsusulat. Nasa kasagsagan ang utak niya sa pagbibigay sa kanya ng idea. “Hey, baby panda.” Nakita niya sa sulok ng mga mata niya na nakapatong na ang baba ni Grey sa mga braso nito sa mesa habang nakatingala sa kanya. His eyes were like a puppy’s seeking for attention. Wala siyang magawa kundi ibigay ang hinahanap nitong atensyon. “Bakit ba? Kanina ka pa nagpapa-cute d’yan.” He smiled sweetly at her. “Hindi lang ako sanay na nababalewala kapag kasama ko ang girlfriend ko.” She returned her attention on her netbook. Idawit ba siya sa mga naging girlfriend nito? “Eh di, balikan mo iyong dati mong girlfriends.” “Ipinapamigay mo na naman ako. Tsk.” Nasa isang shed sila noon sa Heartfield Univers

