“NO, Art! I want that woman in jail! Hindi ako matatahimik hangga’t hindi naiibalik sa kulungan ang walanghiyang babae na iyon. Hindi pa sapat ang habambuhay na pagkakakulong sa ginawa niya kay Grey!” “Glenda, inaayos ko na ang lahat. Umaapela na ako sa parole na binigay sa kanya. Maski ako ay gusto kong mabulok sa kulungan ang babaeng iyon.” Nagbubulungan lang ang mga ito pero dama ni Amber ang bigat sa bawat binibitiwang salita ng mga ito. Frantic ang boses ni Glenda samantalang si Art naman ay mahinahon ngunit may kung ano doon na nakakatakot. Parang si Ivo. Naihilamos ng ginang ang mga palad sa mukha. Maluha-luha ito nang mag-angat ng mga mata sa asawa. “This is all my fault. Kung hindi ko inuna ang career ko, hindi ko siya mapapabayaan sa malanding babae na iyon.” “It’s the past,

