“WOAH! Amber, stop crying. s**t! Lagot talaga ako kay Ivo. Sandali, tatawag ako ng ambulansya.” Tarantang tatakbo sana si Revin palayo nang may lalaking lumapit sa kanila. “You’re making a girl cry again, Revin.” It was Van. Sinilip nito ang mukha niya. “Wait, is that coach’s girlfriend?” “I am not, Van! Si Grey ang may kasalanan d’yan!” “Wala si Grey dito. Ikaw lang ang kaharap niya. Patay ka talaga.” Tinapik nito ang balikat ng kaibigan. “Patahanin mo siya, Revin. Kundi, malilintikan ka kay Coach.” Then, Van walked away from them. Nasabunutan ni Revin ang sarili. Pinahid ni Amber ang mga luha niya pero ayaw umawat ng mga iyon. Mas lamang ang sakit ng matalim na bagay na iyon na humihiwa sa puso niya kesa sa kagustuhan niyang patigilin ang mga luha. “Pambihirang Grey iyon! Ako pa an

