“AMBER, please calm down.” “How can I calm down, Grey? Ang mga walanghiyang iyon!” Kinausap niya ang mga pulis pagkagaling sa ospital. Sinabi ng mga ito na itinigil na nito ang pag-iimbestiga at inanunsyo na aksidente lang ang nangyari. Aksidenteng nawalan ng preno ang Volvo na minamaneho ng ama niya. Nag-request siya na mag-imbestiga ulit pero iginiit ng mga ito na tapos na ang imbestigasyon niyon. Kesyo, marami daw ginagawa ang mga pulis doon. “Hindi lang iyon aksidente! Malakas ang kutob ko doon!” “Calm down, Amber. Hindi ka makakapag-isip ng maayos kung galit ka.” Marahas na hinarap niya ito. “I can’t calm down! Siguradong kasabwat ng mag-ina na iyon ang mga pulis! Bakit ba pinabayaan ko si daddy sa kamay ng impaktang iyon?” “You have no evidence to prove that,” mahinahong sabi n

