TULAD ng sinabi ng babaeng private investigator ay propesyonal ito sa trabaho nito. Halatang matalino ito at alam ang ginawa. Nainis lang si Amber dito sa unang kita niya dahil nakakabuwisit ang pagtingin nito kay Grey. Anyway, mukhang nakapag-adjust na ito sa kagwapuhan ng binata kaya hindi na ito tumitingin kay Grey na parang gusto nito itong i-take home. O baka siya lang ang nakakapag-adjust dahil alam niya sa sarili niya na hindi tamang pagselosan niya ang mga babaeng humahanga kay Grey dahil totoo namang nuknukan ito ng gwapo. Besides, ipinapakita ni Grey na kanya lang ito. He’s extra sweet, caring and thoughtful every time he will get a chance. “Makakahanap kaya kaagad ng ebidensya si Carla?” tanong niya kay Grey habang nagbabantay sila sa ospital. Nakaupo siya sa tabi ng kama ng d

