BAGO lumabas si Amber sa silid ng ama ay sinulyapan niya si Grey. Puno ng pag-aalala ang gwapong mukha nito. Sinuklian niya iyon ng ngiti. Ito ang dapat mag-ingat dahil nasa loob ng kwarto si Raquel at nagkukunwaring nagbabantay. Kung hindi niya lang naiisip na masasabotahe ang plano nila ay pinatikim na niya ito ng mag-asawang sampal. Nang makatanggap siya ng text galing kay Carla ay nagdahilan siya sa stepmother na tatawag sa school niya sa labas ng kwarto. Idinahilan niya na natutulog ang daddy niya at ayaw niya itong magising. Huminga siya ng malalim bago naglakad palayo ng silid. Tinalunton niya ang hallway na pinagdalhan sa kanya ni Grey kanina. Kasama kasi sa plano nila na kailangan niyang pumunta sa walang taong lugar para mapalabas ang killer niya. Oo, iyon ang plano. Ang ipain

